Vynette Alicia's POV
Isang malakas na pagsinghap sa hangin ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Parehong bumigay ang magkabilang tuhod ko dahilan para mapasalampak ako sa lupa. Habang lumuluha'y hindi ko maiwasan ang pagbigat ng aking dibdib sa mga nasaksihan sa pagbalik ng ilan sa aking mga alaala. Ang digmaan isang dekada na ang nakakaraan at—at—
Napalunok ako.
—mukhang ako nga ang tinatawag nilang Empress.
Napatitig ako sa sariling mga palad na nagsisimula na namang mangatal sa pagkabahala. Parte ba sa plano ko ang mawalan ako ng alaala at pagmukhaing tanga? Bakit ganun? Pinaglalaruan lamang ba ako ng mismong sarili ko?
Pagod kong pinagmasdan ang paligid at bahagyang nagtaka nang makitang wala na roon si Roela.
"Neon..." Nanghihinang bulong ko sa hangin. Hindi naman ako nabigo dahil agad siyang nagpakita sa harapan ko.
Nagulat siya nang makita ang itsura't kalagayan ko. "Vynette!"
Hindi ko na napigilan ang labis na pagdaloy ng luha sa aking mukha.
"Sabihin mo nga sa akin. Tapatin mo nga ako." Nanlulumo akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Lahat ba ng nangyayari ngayon ay parte lamang ng mga plano ko?"
Kumunot ang kaniyang noo. "Anong pinagsasabi mo?"
"Neon, ako ba si Xyleah?" Namilog ang kaniyang mga mata sa pangalang aking sinambit.
"Bumalik na ang alaala mo?" Puno ng pag-asa ngunit pag-aalala niyang tanong. Napaiwas ako ng tingin.
Sunud-sunod ang naging paglunok ko upang mawala ang tila nakabara sa lalamunan ko. Base sa binigay niyang ekspresyon ay mukhang tama nga ang hinala ko. Ang tunay kong ngalan ay Xyleah.
Xyleah ang pangalang nakasanayan ko.
Ngunit saan nanggaling ang 'Vynette Alicia'?
Gawa-gawa ko nga lamang ba ang pangalan na iyon?
Hindi lingid sa kaalaman ko na alam nina Neon ang tunay na nangyayari. Alam din iyon nina Daureen. Ako ang nagsimula sa palaisipang ito, kaya nararapat lamang na ako ang tatapos nito. Ngunit ano ang dahilan ko? Bakit kailangan kong gawin ang isang bagay na maaaring magpahamak sa akin? Bakit kailangang alisin ang memorya ko?
"Aalis na ba talaga tayo?" Sinulyapan ko si Kelly na sinusukbit ang bag sa magkabilang balikat. Umunat-unat pa siya saka muling inayos ang kasuotan. Sumisilip na ang sinag ng araw mula sa bintana ng tent kaya mas lalong tumingkad ang kulay dilaw niyang buhok.
"Ikaw kung gusto mong magpaiwan." Pambabara ni Brandon. Akala ko may asaran na namang magaganap sa pagitan nilang dalawa ngunit tanging pag-irap at talim ng tingin ang isinukli ni Kelly sa kaniya.
Napabuntong-hininga na lamang ako't napailing-iling.
We need to hurry. Wala rito sa Majica ang bubuo sa pagkatao ko...
Kundi nasa Yrriafadia.
"Drake," tawag ko sa lalaking tila kanina pa wala sa sarili sa sulok. Halos mapatalon naman siya sa gulat sa pagtawag ko sa atensyon niya.
"Madadaanan ba natin ang kinaroroonan ng tribo ninyo?" Tanong ko sa kaniya. Para naman siyang nagulat sa biglaang pang-uusisa ko.
Nanliit ang mga mata ko sa kaniyang reaksyon. "Ah! Oo k-kung lilihis lang tayo nang kaunti malapit sa talon—"
Mas lalo ko siyang kinunotan ko siya ng noo. I wanted to point something out pero mukhang mas magandang itikom ko muna ang bibig ko.
Isa pa, hindi ako pwedeng magpapadalos-dalos kung hindi naman pala ako sigurado. Nagtiim-bagang ako habang iniisip ang posibilidad na nasa isipan ko. He's the heir of Wayra tribe, afterall.
BINABASA MO ANG
YRRIAFADIA : A World of Wizards
Fantasy[ON HIATUS]"Does it really take to lose your memories to forget who you really are?" Ten years ago, the Great War happened which almost led to the destruction of the Magic World. It threatened not only the lives and peace of the people but also the...
