"Maraming salamat po, Mang Erlyn!" Paalam ni Emeline habang palabas kami ng bahay. Nasa loob ng bag ko ang itlog at ang dalawang bagay na binigay sa akin ni Mang Erlyn. Hindi ko pa rin nasasabi kay Emeline ang nangyari kagabi. Plano kong alamin muna ang lahat ng dapat kong malaman bago ko sabihin sa kaniya.
Ngumiti lang si Mang Erlyn sa amin at ginantihan ang pagkaway ni Emeline. Tinanguan naman niya ako nang magtama ang mga paningin namin.
Kakasikat pa lang ng bukang-liwayway ay naglakbay na kami papauwi. Siguradong magdadapit-hapon na mamaya kapag nakarating na kami sa bahay.
"Vynette," Napalingon ako kay Emeline nang tawagin niya ako.
"Oh?"
"Nakasalubong ko rin pala si Rey kahapon." Rey?!
Napatigil ako at napaisip. Sinong Rey? Kilala ko ba?
Napansin kong mas bumilis ang paglalakad niya kaya agad akong humabol.
"Woi! Emeline!" Tawag ko habang tumatakbo papalapit sa kaniya. Mahirap na. Baka maiwan na naman ako at maligaw.
"Sino si Rey?" Takang tanong ko at napaiwas siya ng tingin.
"W-wala. Huwag mo na lang isipin iyon." Pambabawi niya pero mas lalong nakadagdag lang iyon sa kuryusidad ko.
Hindi na ako nagsalita at hinalukay ang isip ko. May nakikilala na ba akong Rey? O baka naman nakilala niya noong wala pa akong malay?
"Babae ba siya o lalaki?" Tanong ko pero hindi niya ako pinansin.
Napasimangot ako dahil parang ayaw niya talagang sabihin sa akin.
"Humanda ka kapag nalaman ko kung sino yan. Tatadtarin kita ng mga asar." Nakangising saad ko na may halong pagbabanta. Inirapan niya lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Bumuntong hininga ako saka natawa. Ano bang mayroon sa taong iyon at ganyan siya kung makaasta? As if naman aasarin ko siya kapag sinabi niya sa akin ang totoo.
Wait lang. Depende pala sa sasabihin niya kung aasarin ko siya o hindi. Hmmm.
Hindi na muling nagkwento si Emeline at naging tahimik ang paglalakbay namin. Humihinto-hinto lang kami sa mga lilim para mamahinga. Wala pa akong ideya kung sino yung Rey kaya naman nananahimik lang ako at nag-iisip.
Malapit na kami sa bahay at nakikita ko na rin ang pamilyar na hardin ni Emeline pero napahinto ako nang may napansin akong kakaiba. May isang mabuting puso akong nararamdaman na nagmumula sa loob. May nakita rin akong mga yapak sa may lupa.
Ewan ko ba pero parang naging matalas ang pakiramdam ko pagkatapos kong nahawakan ang kwadernong ibinigay sa akin ni Mang Erlyn. Ramdam na ramdam ko rin ang pag-iiba iba ng direksyon ng ihip ng hangin. Naging mas alerto rin ako sa kapaligiran ko.
Hinawakan ko sa braso si Emeline at sinenyasan na may tao. Tinanguan ako ni Emeline na pawang alam din niya.
Dahan-dahan kaming lumapit sa pinto at binuksan. Hindi na ako nagulat nang makitang bukas at hindi naka-lock ang front door namin.
"Yow!" Sabay kaming napatingin ni Emeline sa sala.
Doon ay preteng nakaupo ang dalawang lalaki na may suot na cloak. Nakataas pa ang isang kamay ng lalaking bumati sa amin.
Naningkit ang mga mata ko para makitang mabuti ang emblem na nakakabit sa bandang kaliwang dibdib nito. Pamilyar ito sa akin pero hindi ko matandaan kung saan ko iyon nakita.
T-teka! Nagiging makakalimutin na ba ako?
"Sino kayo? At anong ginagawa niyo sa bahay namin?" Agresibo ang pagkakatanong niya. Maging ako ay naging alerto sa susunod nilang maaaring gawin.
![](https://img.wattpad.com/cover/95043516-288-k183660.jpg)
BINABASA MO ANG
YRRIAFADIA : A World of Wizards
Fantasy[ON HIATUS]"Does it really take to lose your memories to forget who you really are?" Ten years ago, the Great War happened which almost led to the destruction of the Magic World. It threatened not only the lives and peace of the people but also the...