FESTUM DISTURBANCE ARC
Chapter 24 ~ White Light
.......
Third Person's POV
Nagsimulang takpan ng mga ulap at langit na tila ba nagbabadya ang malakas na bagyo. Kasabay ng unti-unting pagliwanag ng buong katawan ni Vynette ay ang biglaang pagkidlat na sinundan ng isang dumadagundong na kulog.
Makikita sa kalayuan ang paglipad ng mga ibon mula sa gubat na tila ba may mangyayaring kinakatakutan nila.
"Is that your power, Xander?" Tanong ni Phillip habang nakikipaglaban kay Blast. His fox-like tail, which is the source of his power, glowed which indicates the flow of his exousia in his body. His exousia enhances his abilities—speed, power, and shapeshifting.
Mas bumilis ang mga kilos nito para iwasan ang mga bolang apoy ni Blast habang umaabante sa mismong kalaban.
"You know my lightning's pure yellow, Phillip." Nagliwanag ang magkabilang palad ni Xander hanggang sa naging bola ng kuryente ang mga ito.
"This--!" Iniwasan niya ang atake ng mga mandirigmang neroians saka mabilis na hinampas ang mga batok ng mga kalaban dahilan para mangisay sila sa bolta-boltaheng kuryente na agad na bumalot sa kanilang katawan. Agad silang bumagsak sa lupa at naglaho.
"—is the great power of the handsome Xander, men!" Humalakhak ito. "Siguradong mababaliw ang mga babae kapag nakita nila kung gaano ako kacool makipaglaban."
Muling kumulog at kumidlat ang kalangitan. Maging si Ron na kasalukuyang kapalitan ni Phillip sa pakikipaglaban kay Blast ay napakunot ang noo saka napatingin sa kalangitan.
"I've seen this before..."
"Rey, nasaan si Zim?" Pansin ni Phillip. "Kayo ni Tania ang kalaban niya kanina, diba?"
"Bigla siyang naglaho sa gitna ng labanan namin kanina." Saad ni Rey habang pinapaulanan ng bolang gawa sa lava ang daan-daang neroians na nasa harapan niya.
Si Tania naman ay binabato ang mga kalaban ng ringlets ng kaniyang apoy. Ilang sandali pa ay nilabas niya ang kaniyang patalim na armas. Malaking pabilog ito kawangis ng isang hulahoop. Para itong isang malaking espadang pinagtagpo ang dulo ng talim at hawakan nito kaya naging hugis bilog ang kinalabasan.
"She didn't even let me attack her that much." Nagtiim-bagang siya habang pinag-aapoy ang hawak na armas saka iwinasiwas ito sa mga kaharap na kalaban. "That witch."
Si Aerin naman ay kaharap ngayon si Fawn na nakangisi. "You will never be able to stop the plans of Neroi, princess Aerin."
"What are you planning this time?" Tanong ni Aerin kasabay ng paglitaw sa magkabila niyang kamay ang kaniyang twin fans.
"You really wanna know, huh? Kahit sabihin ko sa iyo ay wala na kayong magagawa." Nanunuya ang tono nito at nagsimula na silang magpalitan ng atake.
"Why are you betraying Yrriafadia?"
"Betray? We? Betraying Yrriafadia?" Humalakhak si Fawn. "You're getting the wrong idea, here."
"What do you mean?"
"It's Yrriafadia who betrayed Neroi, first."
"What?!"
"Hindi Neroi ang unang nagtaksil, Aerin. Kayo ang nagsimula ng lahat ng kaguluhang ito."
Natigil lamang silang lahat nang unti-unti ay binalot ng isang kakaibang puting liwanag ang Vier. Nakakasilaw at mas lalong nakakabulag.
BINABASA MO ANG
YRRIAFADIA : A World of Wizards
Fantasy[ON HIATUS]"Does it really take to lose your memories to forget who you really are?" Ten years ago, the Great War happened which almost led to the destruction of the Magic World. It threatened not only the lives and peace of the people but also the...