20 ~ Pegasus

51 3 0
                                        

Ilang sandali pa silang nagbangayan bago nagdesisyong hipan na ang mga whistles namin. Ayon sa mga seniors na nakasalubong namin kanina ay nakabase raw sa exousia particles namin ang pagpili ng academy sa Pegasus na magiging amin. Maging ang tunog ng mga whistle ay iba-iba depende sa may-ari nito.

Napaisip naman ako. Alam kaya ng academy ang type ng exousia'ng hawak ko?

Napatitig ako sa Pegasus whistle na hawak ko. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

Nagkatinginan kaming lima bago sabay-sabay na hinipan ang mga pito. Sinakop ng buong lugar ang matinis na tunog na nilikha namin. Ako lang ba o parang nagblend yung tunog ng whistle naming lima?

Ilang sandali pa ay umalingawngaw ang mga halinghing ng mga kabayo. Napatingin kami sa kalangitan kung saan may isang maliit na epipleon na lumulutang sa itaas ng academy. Doon daw inaalagaan ang mga pegasus.

Napanganga ako nang makita ang apat na pegasus na sunod-sunod na bumaba papunta sa amin. "Whoa!"

"OMG!"

"Oh my yogurt drink!"

"Omoo!"

"Witwew!"

Isang matikas na kayumangging kabayo ang lumipad patungo kay Emeline. Nililipad ng hangin ang kulay berde nitong buhok at may palamuting bulaklak sa ulo nito. Kapansin-pansin ang berde nitong mga matang kapareho ni Emeline.

Nilingon ko naman ang direksyon ni Jeanna at halos magningning ang mga mata ko nang makita ang kulay sky blueng kabayo. Bagamat sky blue rin ang kulay ng buntot at buhok nito ay kulay puti naman ang mga dulo nito.

Kay Noema naman ay kulay pula at tila apoy na naglalagablab ang buhok nito.

Nilingon ko si Neon. Kayumanggi naman ang kulay ng kabayo niya pero agad kong napansin ang kakaibang kombinasyon ng iba't ibang kulay sa buhok nito.

"Vynette..."

Malaki ang ngiting iginawad ko sa kanila nang tiningnan ko sila isa-isa. "Ang gaganda nila!"

Fudgee... kahit hindi ito ang unang pagkakataong nakakita ako ng pegasus ay hindi ko pa rin mapigilang mapangha. They really reflect their own exousias.

Agad akong natahimik nang mapansin ang nagtataka nilang tingin. Kumunot ang noo ko. "May problema ba?"

"Where's yours?"

"H-huh?"

Lumingon-lingon ako sa paligid at unti-unting nawala ang ngiti ko nang mapansing ako na lang ang walang kabayo. Nasaan siya?

Bumagsak ang mga balikat ko at napatingin sa lupa. Hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang dulo ng mga mata ko. Nakagat ko ang ibabang labi ko.

"Hindi mo naman ata hinipan ang whistle mo, ghorl." Sabi ni Noema.

"Ulitin mo kaya baka hindi narinig ang tawag mo." Rinig kong sambit din ni Jeanna.

"Oo nga hehehe." Pilit akong natawa pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-aalala sa mga mata ni Emeline. Huwag mo akong tingnan nang ganyan, please. Pakiramdam ko ang hina-hina ko at hindi ako bagay na kasama niyo rito sa academy.

Kahit napanghihinaan nang loob ay napabuga ako sa hangin saka hinipang muli ang whistle na hawak ko. Tinagalan at nilakasan ko nang kaunti ang pagtawag pero ilang minuto na kaming naghihintay ay walang ni anino ng isa pang kabayo ang dumating.

"Sh-t." Rinig kong mura ni Neon. "Baka sira ang whistle. Papalitan kaya natin sa administrator's office?"

Hindi ko maitago ang pagkadismaya nang tiningnan kong muli ang mga kabayong nasa tabi nilang apat. Bakit ako wala? Dahil ba wala akong maalala at hindi ko alam kung sino ako?

YRRIAFADIA : A World of WizardsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon