"Vynette, ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala ah." Naibalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Genevieve sa tabi ko. "Dahil ba sa sinabi ni Roela kanina? Is it true that you're Leora?"
Hindi ako umimik bagkus ay itinuon kong muli ang atensyon sa mga batang naglalaro ngayon sa harapan namin. Ang saya-saya nila. Ako kaya? Naging ganyan rin ba ako kasaya noong nasa ganyang edad ako? I wonder...
"You know what? Now that I think about it, isn't it odd that Roela sounds like Leora? The name I mean." Nagsalubong ang kilay ko saka siya nilingon. "Sa tingin mo there's this connection between them kaya parang kilalang-kilala niya si Leora?"
"Hindi ko alam," sagot ko naman. "Higit isang libong taon na ang nakakalipas nang maitatag ang tribong ito. May tao bang kayang mamuhay nang ganun katagal?"
"If you're powerful enough."
H-huh?
"Theoretically." Taka ko siyang tiningnan pero nagkibit balikat lamang siya. "According to some books and legends, the length of your life usually depends on your magic particles. So basically, I guess it depends on how powerful you are."
So it really is possible, huh? Then, does it also mean na posibleng ako nga si Leora? Ang siyang nagtatag sa misteryosong paaralan ng Majica Academe? Bakit tila napakaimposible naman yata iyon?
Something's off.
"Paano niyo kami natunton kagabi? At paano niyo nalamang nasa panganib kami?" Bato ko sa kaniya ng tanong. She seemed shock by my sudden query pero napangiti na lamang siya't napailing sa sarili.
"Ron," sagot niya habang hindi tinatanggal ang titig sa akin. Napamaang ako't kusang naglibot ang mga mata ko sa paligid. W-what? How?
"He's here?"
"Kasama namin siya sa paglalakbay pero nagpaiwan nang magpunta kami rito."
Nakahinga ako nang maluwag but the amused smile plastered on her face distracted me, so much.
"Why did you look so tense when I brought up his name? For a moment I thought I'm facing the Vynette I know... the one we're used to."
Kusang nanlamig ang ekspresyon ko dahil sa mga salitang sinambit niya. Hindi na ako umimik pa.
Isang mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Tanging hagikgik ng mga batang naghahabulan sa damuhan ang sumasakop sa pandinig ko. Ilang sandali pa'y muli siyang nagsalita.
"Have you heard of the phoenix rulers, Vynette?" Mataman akong tiningnan ni Genevieve na para bang hinihintay ang reaksyon ko sa sinabi niya.
"Sabi nila, phoenix rulers are powerful creatures of the magic world. But they all destined to live a very short life." Paliwanag niya pero nanatili akong tahimik. So, alam nila ang tungkol sa mga nilalang na iyon?
"Phoenix rulers are considered to be bad omens. Ang pagkapanganak nila ay senyales ng paparating na digmaan kaya madalas sila ay kinikitilan ng buhay sa oras na malamang may taglay silang kapangyarihan katulad ng mga phoenix ruler." Dagdag pa niya.
Marahan niyang inabot ang mga kamay ko saka muling nagsalita. "Vynette..."
"What if I tell you that Ron is a phoenix ruler?"
Just the mention of his name again made my heart skipped a bit. Pero hindi iyon ang ikinabahala ko. Nang mapagtanto kung ano ang sabi niya ay hindi ko napigilan ang pamimilog ng mga mata ko. Ron is a—what?!
BINABASA MO ANG
YRRIAFADIA : A World of Wizards
Fantasy[ON HIATUS]"Does it really take to lose your memories to forget who you really are?" Ten years ago, the Great War happened which almost led to the destruction of the Magic World. It threatened not only the lives and peace of the people but also the...
