28

51 5 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang panahon na ang nakalipas magmula noong huli akong nagising. Habang patagal nang patagal ay ramdam ko ang biglaang paghihina ng buong katawan ko dahil sa sapilitan nilang pagkuha sa aking exousia.

Sunod-sunod na beep ang sumalubong sa akin nang muli akong nagkamalay. Parang may kung anong mabigat na bagay ang nakapatong sa aking dibdib dahilan para mahirapan akong makahinga. Hirap na hirap akong suminghap ng hangin at doon ko napagtantong wala na ang oxygen mask na suot ko.

Ano na naman ba ito?

Hindi ko magawang maiangat ang aking mga kamay. Sobrang bigat ng buo kong katawan, maging ang talukap ng aking mga mata'y parang inaanyayahan pa akong lamunin ng kadiliman bagama't nakatutok sa akin ang isang maliwanag na ilaw na nakasabit sa kisameng katapat ko.

Wala na ako sa aking lalagyan bagkus ay nakaratay na ako sa isang kamang pinalilibutan ng mga taong nakasuot ng medical masks at hospital scrubs. May sinasabi sila na hindi ko magawang maintindihan dahil sa pag-iikot at panlalabo ng aking paningin.

Parang nasa ilalim pa rin ako ng tubig dahil magkakahalo ang mga salitang naririnig ko sa kanila.

"Sir, she's in an unstable state. We need to be careful dahil baka hindi kayanin ng katawan niya."

"I know what I'm doing, Miss Trixie."

"I'm just saying that her exousia's flow is abnormal. Something may go wrong—"

"Are you doubting my capabilities as a doctor?"

"I'm sorry. I'm just concerned—"

"Concerned? You don't even know who this girl is."

"She's still a patient, doc."

"She's not. She's just a specimen we need to study to gain more power."

"What the—"

"Let's start."

Natahimik muli sila at tanging ang tunog ng pagbeep ng mga machines na nakapalibot sa amin ang namayani. Napadaing ako nang maramdaman ang pagtusok ng mga karayom sa aking balat. Hindi lamang iyon isang beses na nangyari, kundi paulit-ulit na pag-inject nila ng kung ano sa akin sa iba't ibang parte ng aking katawan.

Ilang saglit pa ay mas lalong bumigat ang aking pakiramdam at bigla na lamang akong namanhid. Hindi ko man maitindihan ang lahat ng nangyayari ay alam kong nasa kaawa-awa na naman akong sitwasyon.

Para akong lumulutang sa ere. Hindi ko magawang ikilos ang sarili sa gustong paraan at ni hindi man lang ako makapagsalita. Naramdaman kong nagsimula na naman nilang higupin ang aking kapangyarihan pero sa mas marahas at mas masakit na paraan. Tumulo ang isang luha sa gilid ng aking mata.

Para akong papel na unti-unting nilulukot at pinupunit. Telang pilit pinipiga kahit tuyot na tuyot na.

Mas lalong bumigat ang aking hirap na paghinga. Mas humina ang aking pandinig at mas nagdilim ang aking paningin. Ito na ba ang aking katapusan?

Nataranta ang mga nakapalibot sa akin nang marinig ang pagbilis at walang paawat na tunog na pagbeep sa paligid.

"We need to stop, doc. Her vitals are already dropping. This is very risky—"

"Focus on your work, Miss Trixie."

"But sir—"

"She's powerful and you know hindi siya basta-basta mamamatay."

"But she's not in her normal state! Alam kong alam mong hindi kakayanin ng katawan niya kapag lumagpas ang pagkuha natin ng exousia sa kaniya."

YRRIAFADIA : A World of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon