Vynette Alicia's POV
Thousands of years ago, bago pa man nakarating ang mga tao sa mundo ng mahika, the habitants of the Axial continent were mostly mermaids, fairies, and elementalists. Mermaids resided in the East where the waters were said to be crystal clear surrounded by pure magic; fairies lived in the West where everything was blessed in abundance; and the elementalists lived in the South which connects the two main lands.
However, right after the Era of Mortals came, these magical creatures vanished and were believed to have gone extinct.
"Hindi kayo papapasukin ng gubat kung may masama kayong intensyon. Ano ang kailangan niyo?" Umalingawngaw ang kaniyang makapangyarihang boses nang hindi tinatanggal ang tingin sa akin. Hindi ko mawari kung anong klase ng ekspresyon ang nakapinta sa kaniyang mukha habang nakatuon pa rin sa akin ang kaniyang atensyon.
Ramdam ko ang pagtatakang mga mata nina Brandon lalo na si Kelly na tila ngayon lamang nakabawi. Si Drake naman ay katulad kong naugat na sa kinatatayuan.
Hindi ako makapaniwalang isang diwata ang nasa harapan namin ngayon.
Bagama't nakabuka ang aking labi ay hindi ko magawang makapagsalita. I tried to speak for a response pero maging ang utak ko'y hindi makakalap ng sagot o ng kahit ano pang salita. Nanunuyo ang lalamunan ko habang nakikipagtagisan ng titig sa misteryosong nilalang na nasa harapan namin.
Akala ko ay kina Kelly at Brandon mapupunta ang kaniyang atensyon sa oras na pagbuksan niya kami ng pintuan gayong sila ang mas nakakakilala sa kaniya. Ngunit ni hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin. Ano ang nangyayari? Sino ang nilalang na ito? Nakikilala niya ba ako?
Nang muling umihip ang hangin ay tinangay nito ang mahaba at itim kong buhok. Pero hindi ko iyon pinansin dahil natuon ang aking mga mata sa tila nagliliwanag niyang wangis. Nang bahagyang sinayaw ng hangin ang kaniyang puting kasuotan ay may mga gintong buhangin na maingat na sumabog sa ere.
Napaatras ako nang bigla siyang humakbang nang isang beses kasabay ng kusang pagpagaspas ng kaniyang mga pakpak upang lumipad patungo sa akin. Golden dust particles glittered and trailed behind her. Nanlaki ang mga mata ko't natikom ang bibig.
"Delta..." She whispered as she slightly bowed in front me which almost made me jump. "Ano ang maipaglilingkod ko?"
Napakurap-kurap ako. Mabilis kong nilingon ang magkabilang direksyon na kinaroroonan ng mga kasamahan ko na pare-parehong nagulat sa nasaksihan.
"I've seen your light a few months ago. Alam kong darating ka pero ni hindi ko inaasahang ngayon nga ang araw na iyon."
Ngayong nasa malapitan na siya ay mas lalo kong nasilayan ang umaapaw niyang kagandahan. Mas lalo lamang akong napanganga.
"Mystica," malamig na boses ni Kelly ang nagpabalik sa akin sa huwisyo. "We're here for something we need to complete our mission."
Nilingon ng diwatang kaharap ko ang direksyon nina Brandon na tila ngayon lamang napansin na may mga kasama ako. "Oh!"
"Why don't you let us in so we can talk properly?" Iritadong sambit ni Kelly.
Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. "Sure, young lady."
Pinapasok nga kami ni Mystica sa loob ng bahay niya at agad na natawag ng pansin ko ang mga halamang tila nakadisplay sa loob kasama ng mga pixies na pumapalibot sa lahat ng bagay.
Alam kong nasa loob kami pero ang dating sa akin ay parang nasa labas pa rin kami ng kagubatan. Kapansin-pansin ang isang malaking puno sa gitna na napapalibutan pa ng tila isang batis kung saan may mga lily pads. Tila kumikinang ang lahat. I've only seen places like this in books that I've read.
BINABASA MO ANG
YRRIAFADIA : A World of Wizards
Fantasía[ON HIATUS]"Does it really take to lose your memories to forget who you really are?" Ten years ago, the Great War happened which almost led to the destruction of the Magic World. It threatened not only the lives and peace of the people but also the...
