"Vynette! Bilisan mo!"
Namuo ang luha sa aking mga mata. Bagama't matagal na panahon na ang nakalipas simula noong huli kong narinig ang maarteng boses na iyon ay hindi ako pwedeng magkamali. "Emeline..."
Pinatalas ko ang aking paningin papunta sa labas ng kakahuyan at nakita ko ang pamilyar na bulto ng isang babaeng tila nagmamadaling maglakad. Wala sa sarili akong napangiti sa konklusyong maayos na ang kaniyang kalagayan. Wala na ang kahit anong bakas ng sugat at pasa sa kaniyang balat.
Nang siya'y mas nakalapit ay mas naging malinaw sa akin ang kaniyang busangot na mukha na madalas niyang suot-suot. Bahagya pang nakalugay ang kaniyang nakabun na buhok at maluwang na nakatali ang kaniyang braided na bangs dahilan para tumatama ito sa kaniyang mukha kapag umiihip ang hangin.
Naibaba ko ang kanang kamay na nakaangat sa ere upang punasan sana ang luha ng babaeng umiiyak sa aking harapan. Dali-dali akong tumayo upang tahakin ang kinaroroonan ni Emeline dahil sa pagkairita sa kaniyang tono at paraan ng pagkabanggit niya sa pangalan ko.
Gusto ko siyang yakapin! Ngunit hindi pa man ako nakakatatlong hakbang ay muli na naman akong naestatwa sa aking kinatatayuan nang marinig ang isa pang pamilyar na boses sa aking pandinig. Unti-unting napawi ang aking ngiti sa labi.
"S-sige!" Sa likuran ni Emeline ay nakita ko ang aking sariling humahabol sa kaniyang paglalakad. Umiindayog pa sa hangin ang aking buhok na nakatali sa dalawang bahagi habang humahakbang papalapit sa kaniya. Nakita ko pa itong ngumuso saglit bago niya binato ang kasama ng isang mapanuri ngunit nanunuksong tingin.
"Ba't ba ang bilis mong maglakad? Naiintriga tuloy ako sa kung anong mayroon sa lalaking iyon."
Nagtataka kong binalingan ang aking mga kasama na ngayon ay namimilog ang mga mata.
"Seems like we travelled farther than we thought, Rem." Napatampal siya sa kaniyang noo saka kinagat ang mga kuko na tila nag-iisip kung ano ang dapat niyang sabihin. "Fudgee, what should we do?"
"Anong nangyayari? B-bakit—?" Naguguluhan ko silang tiningnan. "Hindi ako pwedeng magkamali." Nanginginig ang aking labing nagsambit ng mga salita habang bumibilis ang pagpitik ng aking puso. "That's me. That's myself."
Hindi sila sumagot sa akin. Doon ko lang din napansin ang kanilang suot na unipormeng may nakakabit na pamilyar na emblem ng Axial Royal Academy. Estudyante sila roon?
Muli akong napalingon sa kinaroroonan nina Emeline nang marinig ang mga pamilyar na pang-aasar ko sa kaniya tungkol kay Rey. Mas lalong sumiklab ang pagtataka sa aking sistema nang may mapagtanto. "Don't tell me—"
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang narinig namin ang pagsigaw ni Emeline. Napamura ako nang maramdaman ang isa pang presensya. Kung totoo nga ang hinala ko na nagbalik kami sa nakaraan, ito yung panahong kagagaling lang namin sa Vier.
Ano bang nangyari noong araw na iyon? Ano ang naging dahilan ng pagsigaw niya? Ipinikit ko ang aking mga mata upang alalahanin ang mga nangyari noong unang beses akong dinala ni Emeline sa Vier.
Ang mga banderitas...si Mang Erlyn...si Xander liit...ang pagtatanghal...paglusob ng mga neroians...pagdating ng mga Royals... si Ron at ang hari ng Neroi... ang papalubog na araw at ang paghabol ko kay Emeline...pagkatapos non—pagkatapos non ay.
Napahawak ako sa aking noo dahil bigla itong kumirot. Geezz... ano nga ba ang totoong dahilan kung bakit ako nawalan ng malay noon?! May hindi sinasabi sa akin si Emeline.
Wala sa sarili kong tinakbo ang lugar papalabas sa kakahuyan. Dahil sa ginawa ko ay nataranta rin sina Remella at Mazie. Ilang ulit kong narinig ang malulutong na mura ni Remella habang hinahabol ako.

BINABASA MO ANG
YRRIAFADIA : A World of Wizards
Fantasy[ON HIATUS]"Does it really take to lose your memories to forget who you really are?" Ten years ago, the Great War happened which almost led to the destruction of the Magic World. It threatened not only the lives and peace of the people but also the...