18 ~ Alexa

56 4 0
                                        

Sunud-sunod na mura ang pinakawalan ko. Nagtataka naman akong tiningnan ni Alexa.

"You okay?" Nag-aalalang tanong niya. Pilit na lang akong tumango at ngumiti nang makitang nasa tabi na namin si Neon.

"Malulumpo na naman yata ako nang wala sa oras." Rinig kong bulong ni Neon. Kinunotan ko siya ng noo. Inosente naman siyang tumitig sa akin bago nag-iwas ng tingin na para bang may inaalala.

"Everyone, go to your respective partners para hindi na magulo." Pagi-instruct sa amin ng prof pero lahat kami ay napalingon kay Neon nang bigla siyang magtaas ng kamay. Kanina pa siya hindi mapakali sa tabi ko.

"Sir, can I have a favour?" Saad niya. "Pwede bang huwag na lang si Vynette ang kakalabanin ko?"

"Why, Mr. Neon? May problema ba?"

"Sir, hindi pa ako handang mabalian ng buto—" Tinaasan ko siya ng kilay nang magtama ang paningin namin. Whutt?! "—este baka mabalian ko po siya ng buto." Napakamot siyang muli sa batok niya at natatarantang tiningnan ako.

"Sus! Baka naman may gusto ka kay Vynette at ayaw mo lang siyang saktan." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng isa sa mga kaklase ko. Eh?

"Uyy hindi ah." Tanggi naman ni Neon pero napailing na lang ako sa sarili ko nang marinig ang kantyawan nilang lahat. Hayys.

"Okay, may gusto bang makipagpalit kay Neon?" Tanong sa amin ng prof.

"Ako na lang, sir!" Masiglang nagtaas ng kamay si Alexa. Huh?

"Ako na lang po ang kakalaban kay Vynette!" Pag-uulit niya saka binalingan ang katabi. "Okay lang ba iyon sa iyo, Elara?"

"Whatever." Nakahalukipkip na umirap si Elara. Mas lumawak naman ang ngiti ni Alexa at masayang bumalik sa pwesto ko. Patalon-talon pa siya habang tinatahak ang kinaroroonan ko. Hindi naman siya halatang excited na makalaban ako eh nuh?

"Uhmm..." Nilingon ko si Neon. Ngumiti lamang siya sa akin.

"Pasensya ka na V-vynette pero gusto ko pang mabuhay." Sabi niya sa akin na ipinagtaka ko. Napatikhim pa siya nang banggitin niya ang pangalan ko na parang hindi siya sanay. Nagsalubong ang kilay ko.

"Sinasabi mo?"

"Wala. By the way, goodluck na lang." Tinapik niya ang balikat ko at tinungo ang pwesto ni Elara na masama pa rin ang tingin sa akin.

Napabuntong-hininga ako. That's weird.

"Omg Vynette! Sorry talaga pero mukhang hindi ko talaga kayang kalabanin si Elara." Ngumuso siya bagay na ikinatawa ko.

"Okay lang." Lumawak ang ngiti ko. "Hindi rin naman ako komportableng makalaban si Neon, eh."

"Bakit? Gusto mo rin siya, nuh? Ayiieee." Nakangising aniya. Nalukot ang mukha ko.

"Hindi ah." Tanggi ko.

"Mukhang close kayo eh. Sayang at mukhang bagay pa naman kayo." Naroon pa rin ang pang-aasar sa tono niya pero hindi ko na lang iyon pinansin.

"Luuhh..." Mukha ba kaming close?

Hindi na kami muling nagsalita nang tinawag na ang unang pair. Kitang-kita ko kung paano nagstruggle ang ilan na makipaglaban nang hindi ginagamit ang kapangyarihan nila. Siguro nasanay sila sa paggamit ng kanilang exousia kaya ganoon.

Habang ako naman ay laging nakarely sa hand to hand combat dahil hindi ko alam kung ano ang type ng exousia ko at kung paano ito gamitin. Ano kayang koneksyon nito sa rosegold crystal?

YRRIAFADIA : A World of WizardsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon