Sinong mag-aakala na ang mga nagmamay-ari ng mga boses na tumatawag sa akin sa panaginip ko ay makakaharap ko?
Sinong mag-aakalang si Neon ang nagligtas sa akin sa nangyaring ambush noon?
Bakit hindi man lang iyon dumako sa isip ko? Unang tingin ko pa lamang sa kaniya ay alam ko nang may kakaiba sa kaniya. Ang paraan ng pagtitig niya sa akin noong una kaming nagkita at ang mga palaisipan sa bawat salitang binibitawan niya ay para bang kilala niya ba ako talaga.
Now that I think about it, ang misteryosong babaeng nakatanaw sa lupain ng Yrriafadia sampung taon na ang nakakaraan ay ako? Ako ba ang Empress? Ako ba ang nagmamay-ari sa kwadernong hawak ko? Ako ba si Taia?
Hindi ako pwedeng magkamali. Ang mga taong nakaharap ko kagabi ay ang mga taong nakapalibot sa babaeng may kulay rosas na buhok sa panaginip at meditation ko. Ang apat na tila pumuprotekta sa kaniya—si Neon, Gale, Ash, at Aqua. Sila ba ang guardians?Ang mga guardians ko?
Wala akong masyadong ideya kung ano ang mga guardians pero minsan ko na itong narinig mula kay Mang Erlyn. Ang sabi niya'y may tinawag ako noong dalawang guardians dahilan para manghina ako nang husto. Sina Neon at Aqua ba ang tinutukoy niya?
"You okay?" Naibalik ako sa realidad nang biglang magsalita si Kelly. Kaninang madaling araw pa nagsimula ang paglalakbay namin at ngayon ay may kataasan na ang araw. "Do you want to rest muna?"
"I'm fine." Tipid kong sabi at muling tinuon ang tingin sa daan. Humalinghing ang kabayong sinasakyan ko kaya naman bigla kong naalala ang Pegasus ko noon sa Axial Royal Academy. Naroon pa kaya iyon o baka naman may iba na siyang amo?
Napangiti ako nang mapait. "Huminto kaya muna tayo sa isang village doon?" Turo naman ni Brandon sa isang bayan na natatanaw na namin ngayon.
Agad namang sumang-ayon si Kelly kaya hindi na ako nagsalita pa. "I think this mission will take longer than expected." Sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Nakasimangot siya kanina pero pinilit niyang ngumiti nang magtama ang mga paningin namin.
"Parang kahapon lang ay excited ka, tapos ngayong naglalakbay na tayo ay malulungkot ka nang ganyan?" May halong pang-aasar na sabi naman ni Brandon.
"Siyempre no! Bakit naman ako hindi maeexcite e ngayon lang ako binigyan ng academe ng misyon." Nakangusong aniya. Kumunot naman ang noo ko. "I'm just wondering... bakit isang moonflower quest ang binigay na mission ng academy as my first mission? Hindi ba sila nagiging masyadong harsh sa akin? E balita ko iilan lang ang nakakauwing buhay galing dun ah!"
"First mission?" Taka kong tanong.
"Uh-huh." Tatango-tango namang sagot niya. Rinig ko naman ang mahinang halakhak ng kaibigan niya.
"Three years na siyang nasa academe pero ni minsan ay hindi siya binigyan ng mission. Paano ba naman kase ay halos bagsak siya sa lahat ng quizzes at exams." Tawang-tawang salaysay ni Brandon.
"Hoy hindi ah! Nakakapasa kaya ako. Huwag ka diyan." Sabat naman ni Kelly na nagsisimula nang mairita.
"Sus, kaya pala madalas kitang makita sa labas ng faculty room at kinakausap ng mga teachers. More like pinapagalitan pala. Pfttt—"
"Shut up! Tsss..."
Napaiwas ako ng tingin saka wala sa sariling hinawakan ang kwintas ko. Bigla kong naalala si Emeline sa bangayan nila. Nakagat ko ang pang-ibabang labi.
I guess Daureen is right, I'm going to continue missing her more.
Pinilig ko ang ulo to dismiss my thoughts. Humigpit ang pagkakahawak ko sa tali ng kabayong sinasakyan ko saka mariin silang tiningnan. "We should hurry."
BINABASA MO ANG
YRRIAFADIA : A World of Wizards
Fantasy[ON HIATUS]"Does it really take to lose your memories to forget who you really are?" Ten years ago, the Great War happened which almost led to the destruction of the Magic World. It threatened not only the lives and peace of the people but also the...
