Skylar Emeline Bloom's POV
"Bakit mas pinili mong tumira sa malayo kesa sa bayan? Hindi ka ba natatakot mag-isa?" Napahinto ako sa paglalakad nang tanungin niya ang bagay na iyon. Napangiti ako nang mapait habang unti-unting bumalik sa aking alaala ang nangyari ilang taon na rin ang nakakaraan.
Ang digmaang iyon. Ang digmaang ginanap halos mag-iisang dekada na ang nakakalipas ang bumawi sa buhay ng mga magulang ko.
Noong malaman kong kailangan nilang sumabak sa gyera ay natakot ako't pinangunahan ako ng galit. Nagsisisi ako dahil sa huling sandali nami'y imbes na yakapin at hagkan ko sila ay nasigawan ko pa sila. Tandang-tanda ko pa ang pagdaan ng sakit at pag-aalala sa mga mata nina Ama at Ina bago ko sila tinalikuran para nagrebelde.
Pagsisisi agad ang bumalot sa sistema ko nang malamang wala na sila. Magmula noon ay mas pinili kong tumira sa bahay kung saan kami naging masaya bilang pamilya. Wala na akong pakealam kung malayo sa Vier. Pakiramdam ko ay sinusubaybayan pa rin nila ako kahit sa kabilang buhay.
"Malapit na kasi ang fiesta rito sa Axial kaya may mga nakasabit nang mga banderitas at mga palamuti." Pagkekwento ko nang makarating kami sa bukana ng Vier at nakita ko namang nakamaang na inilibot ni Vynette ang paningin sa paligid. Parang batang paslit na manghang-mangha sa nakikita. Natawa ako sa aking isipan.
"Mang Erlyn!" Agad kong binati si Mang Erlyn nang makita ko siya sa gitna ng maraming taong namimili ng tinda niya. Hinila ko naman agad si Vynette papunta sa kaniya para ipakilala.
Tahimik lang siyang nagmamasid sa paligid at tumingin-tingin sa mga paninda.
Napag-usapan namin ni Mang Erlyn ang tungkol sa Festum (fiesta) na mangyayari sa susunod na buwan. Mas lalo akong naexcite dahil paniguradong matutuwa si Vynette lalo pa't ngayon niya lang ata mararanasan ang ganitong okasyon.
"Kukunin ko na rin po pala yung mga order kong libro, Mang Erlyn." Paalala ko.
"Ay oo nga pala. Nasa silid-aklatan pa ang mga iyon." Sumunod naman ako sa kaniya. Isa kasi si Mang Erlyn sa mga wizards na tagapamahala ng mga aklat kaya sa kaniya ako kumukuha ng mga libro tungkol sa mga halamang gamot.
May kinalabit si Mang Erlyn sa may kabilang tindahan na inutusan niyang magbantay muna ng mga paninda niya.
"Sa susunod ko na lang din po kukunin yung ilan sa mga halamang gamot na kakailanganin ko sa pagbuo ng potion. Naiwan ko po yata sa bahay niyo."
Nang makarating kami sa silid-aklatan ay doon ko lang napansin na wala na pala si Vynette sa likod ko. Hala! Nasan na yung bruhildang iyon?!
Bigla tuloy akong kinabahan. Bitbit ang mga librong pinamili ko ay bumalik ako sa pwesto namin kanina. Ngunit laking gulat ko nang makita ang pagmamadali ng mga tao paalis at ang pagpasok sa eksena ng libu-libong mga Neroians (Ne-ro-wans).
Shems! Hindi ito maganda.
Napamura na lang ako sa isipan ko habang hinahanap siya sa dagat ng mga tao. Nagpapanic na rin kasi sila at labis-labis naman ang kaba ko dahil hindi ko mahanap si Vynette.
Lagot na! Nasan na yun?
Mabuti na lang at narito pala ang mga estudyante ng Axial. Sila ang humarap sa mga kalaban kung kaya't napahinga ako nang malalim. Iyon naman talaga ang tungkulin nila lalo pa't sila ang Royals na mga anak ng mga Hari at Reyna sa palasyo. Ineensayo sila ng academy para protektahan ang mga mamamayan. Kahit papaano ay hindi ko na kailangang mag-alala pa sa kalagayan ng mga tao.
Ang problema ko na lang sa ngayon ay ang pagkawala ni Vynette. Baka nagwawala na iyon sa kaguluhan. Haha.
Nabigla na lang ako nang biglang natapunan ang mga librong dala ko nang kung ano. Ang akala ko ay umuulan. Pero nanlaki ang mga mata ko nang makitang nasunog ang ilan sa mga pahina ng librong natatamaan ng inaakala kong ulan.
BINABASA MO ANG
YRRIAFADIA : A World of Wizards
Fantasía[ON HIATUS]"Does it really take to lose your memories to forget who you really are?" Ten years ago, the Great War happened which almost led to the destruction of the Magic World. It threatened not only the lives and peace of the people but also the...
