Less than two thousand years ago, chosen humans from the mortal world were given magic and were transported to the magic world. Clans and tribes began to conquer the continent of Axial. Along with the legendary noble clans, there were four tribes who were able to climb to the top of the hierarchy—Uri, Ila, Mesi, and Wayra.
"What?! You're the next ruler of the Wayra tribe?!" Halos takpan ko ang tenga ko dahil sa tinis ng boses ni Kelly. Napailing-iling ako sa sulok habang ini-interrogate ng dalawa ang kasama kong dumating kanina.
Nagbuhos ako ng tubig sa hawak kong baso saka sunod-sunod iyong nilagok. Agad kong pinunasan ang labi nang maglandas doon ang ilang patak ng tubig nang bumaling sa akin si Brandon. "Nagsasabi ba siya ng totoo, Vynette?"
"He has the tattoo. Hindi ko lang alam kung totoong siya nga ang susunod na mamumuno sa kanila." Sagot ko saka tumanaw sa madilim na kalangitan.
"I'm telling the truth! Some bandits were able to raid our place. Hindi ko alam kung sino o ano ang pakay nila sa amin. Pero ako lang ang pinakawalan nila saying that they want the moonflower in exchange for their lives."
"That's weird." Komento ni Kelly. "Bakit ikaw lang ang pinakawalan nila? Besides, your tribe is blessed with the power of the air or wind or whatsoever. You're powerful enough to beat those bandits, duh!"
Nilingon ko si Drake, inaabangan ang magiging sagot nito. Pero napayuko lamang siya sa sinabi ni Kelly. Nagsalubong ang kilay ko. He's guilty of something.
"Kasalanan ko." Mahinang saad niya. "Totoong ako ang nakatakdang susunod sa yapak ng aking ama pero marami ang may ayaw sa akin. Unlike my ancestors, I don't have the ability of the wind. They hated me because I am weak."
Napalunok ako saka napaiwas ng tingin. 'Kasalanan ko...because I'm weak...'
"When this woman approached me saying she knows how to awaken my power, I couldn't say no so I introduced her to the tribe. She can manipulate the wind, bagay na hindi ko magawa. So, I trusted her." He sighed. "But my mistake. Paggising ko kinabukasan ay nakakulong na silang lahat sa isang lalagyang pinipigilan ang paggamit ng kanilang kapangyarihan. Kaya ngayon, mas lalo lamang silang nagalit sa akin."
"I couldn't do anything to save them because I am too weak to do so. The bandits promised me to spare their lives once I give them the moonflower. That's why I am asking you right now to include me in your journey."
Kita kong humalukipkip lamang si Kelly saka napataas ang kilay. Lumingon siya sa akin. "Should we trust him?"
"He knows a lot about the moonflower." Tipid ko namang sagot. "But he could also slow us down kung magiging pabigat lamang siya."
Now that I think about it, it's really kinda weird na pinakawalan nila si Drake knowing he's weak. Siya na rin ang nagsabi noon sa hill na mahirap ang pagkuha ng mga moonflowers at iilan lamang ang nakakabalik ng buhay galing sa mga ganong misyon. Ano pa ba ang hindi niya sinasabi sa amin?
Ilang oras ang ginugol namin sa diskusyon kagabi bago napagdesisyunang isama na lang namin si Drake sa paglalakbay namin. He also knows where the Valley of Regret is. Mukhang kakailanganin nga talaga namin siya.
Napahawak ako sa kwintas na nasa ilalim ng suot kong scarf saka napahinga nang malalim.
Emeline, watch me. Pagbalik ko sa Yrriafadia'y pagbabayarin ko ang Neroi sa ginawa nila sa iyo. I'll make sure they'll pay.
"What are you doing here?"
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata nang maramdaman ang presensya ng bagong dating. Kumuyom ang kamao ko at hindi nag-abalang sumagot.
![](https://img.wattpad.com/cover/95043516-288-k183660.jpg)
BINABASA MO ANG
YRRIAFADIA : A World of Wizards
Fantastik[ON HIATUS]"Does it really take to lose your memories to forget who you really are?" Ten years ago, the Great War happened which almost led to the destruction of the Magic World. It threatened not only the lives and peace of the people but also the...