2 ~ Neroians

210 9 0
                                        

"Vynette!" Rinig kong sigaw ni Emeline mula sa ibaba. Binilisan ko ang pag-aayos ng buhok kong nakaparte na sa dalawa. Itinali ko ito gamit ang dalawang maninipis na berdeng tela na madalas tinatawag ni Emeline na 'ribbon'.

"Wait lang!" Sigaw ko naman pabalik at napahagikgik.

Ilang araw na rin ang nakalipas magmula noong napadpad ako kay Emeline at sa loob ng mga araw na iyon ay sinong mag-aakalang mapapalapit ang loob ko sa kaniya? Kahit wala siyang ideya kung sino ako ay pinatira pa rin niya ako sa bahay niya at sinabing tutulungan din niya akong makaalala sa nakaraan ko.

"Ano ba! Baka gabihin na tayo sa pag-uwi niyan!" Iritadong sigaw niya. Napasilip ako sa binatana ng kwarto ko at naabutan ko siyang matatalim ang mga matang nakatingala sa kinaroroonan ko.

Natatawa akong kumaway. "Nariyan na!" Inirapan niya lang ako saka humalukipkip na halatang kanina pa siya naiinip kakahintay sa akin.

Nagpasya kasi si Emeline na isama ako at ipasyal sa bayan. Mamimili na rin kami ng mga kakailanganin sa bahay dahil mabilis maubos ang mga supply namin lalo sa pagkain. Paano ba naman kasi ay nitong mga nakaraang mga araw ay tinuturuan na rin ako ni Emeline kung paano magluto.

Nang makalabas ako ng bahay ay agad niya na akong hinila para magsimula nang maglakad. May kalayuan kase ang bahay ni Emeline mula sa bayan kaya mahaba-haba rin ang lalakarin namin. Napapalibutan rin ito ng kakahuyan kaya sariwa't presko ang hanging nalalanghap dito.

"Emeline..." Tawag-pansin ko nang makalayo na kami. Nagdadalawang-isip pa ako kung dapat ko ba siyang tanungin tungkol doon pero hindi kasi ako pinapatahimik ng kuryosidad ko.

"Oh?"

"Bakit mas pinili mong manirahan dito sa malayo kesa sa bayan? Hindi ka ba natatakot na mag-isa? Mabuti naman at pinayagan ka ng mga magulang mo." Satsat ko. Marahan ko pang sinipa ang maliit na batong nasa daan saka siya binalingan.

Napansin ko ang bahagyang pagkatigil niya sa paghakbang kaya wala rin akong nagawa kundi huminto sa paglalakad habang naghihintay ng sagot sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kaniyang ekspresyon.

"Wala na ang mga magulang ko, Vynette." Mahinang sambit niya saka muling nagpatuloy sa paglalakad. Hindi agad ako nakareact. Binagabag ako dahil sa kung anong lungkot na nasilayan ko sa berde niyang mga mata.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. "I-I'm sorry. Hindi ko alam—"

"No need. Matagal na iyon." Hilaw siyang tumawa. "It's just that nakokonsensya pa rin ako sa mga huling salitang binitawan ko sa kanila bago sila umalis."

Kumunot ang noo ko habang hinahabol siya sa paglalakad. "Umalis sila? Saan?"

"Halos sampung taon na ang nakakaraan simula noong naganap ang digmaang iyon. Pinatawag lahat ng mga naging mag-aaral ng Axial Royal Academy para ipagtanggol at protektahan ang kalupaan ng Yrriafadia." Salaysay niya. Bumilis naman ang tibok ng puso ko nang marinig ang salitang digmaan.

"Unfortunately, isa ang mga magulang ko sa mga nagpunta sa labanan dahil nangangailangan sila ng mga healers. To cut the story short, they died in the war."

Napasinghap ako.

"But do you know what hurt me more? It's not the fact that they were taken away from me, but it's the fact that I didn't cherish the moments we once had together. I didn't do anything to spend the most of those times they had for me." Nag-iwas siya ng tingin pero huli na ang lahat dahil hindi nakaligtas sa paningin ko ang tumakas na luha na agad din naman niyang pinunasan.

YRRIAFADIA : A World of WizardsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon