Vynette Alicia's POV
Inayos ko ang pagkakasuot ng salamin ko bago muling nilingon si Ron. Kinakabahan ako. "Sure ka bang student pa rin ako ng Axial kahit late na ako papasok?"
Hindi niya ako sinagot kaya napanguso ako.Tinitigan lang niya ako saglit bago binuksan ang pinto. Napunta ang mga mata ng mga nasa loob sa amin kaya napalunok ako. Maging ang professor na nasa harap ay tila napatigil sa pagsasalita.
Nagpalitan sila ng tingin ni Ron at mukhang nagkaintindihan naman sila. Sinenyasan ako ni Miss na pumunta sa harapan para magpakilala. Napatingin ulit ako kay Ron na ngayon ay nakahilig na sa may pintuan. Tinanguan niya lang ako kaya inilipat ko na ang tingin sa mga magiging kaklase ko.
Napangiti ako nang makilala si Emeline sa may gitna na mukhang nakatulog sa lamesa niya. Inilibot ko ang aking paningin sa mga taong nasa harap ko para maging pamilyar ako sa mga mukha nila. Huminga ako nang malalim habang bumubuo ng mga salita.
"Hi, guys! I'm Vynette Alicia. Nice to meet you." Yumuko ako pagkatapos magpakilala. Ang kaninang tahimik na classroom ay nagsimulang mag-ingay. Nagtataka siguro sila kung bakit ngayon lang ako nagpakita o kung hindi naman ay kung bakit kasama ko si Ron.
Napatingin ako kay Emeline na ngayon ay nakatulala sa akin gamit ang namimilog niyang mga mata. Natawa ako sa aking sarili. Namiss ko rin ang babaeng 'to.
Gusto ko siyang dambahan ng yakap ngayon. Halos isang buwan din kaming hindi nagkita kaya naginhawaan ang pakiramdam ko nang makitang mukhang ayos lang siya pagkatapos ng atakeng iyon.
Akala ko talaga ay mayroon nang nangyaring masama sa kaniya. Hindi ko maipaliwanag ang kabang naramdaman ko noong makitang tinutupok ng apoy ang bahay na kinaroroonan niya. Labis ang takot na bumalot sa sistema ko lalo na noong mawalan ako ng malay at magising na wala si Emeline.
Naagaw ng pansin ko ang lalaking katabi niya. Nakatingin lang siya sa akin nang seryoso na para bang kilalang-kilala niya ako. Hindi ko na lang iyon pinansin.
"Do you mind telling us kung bakit ngayon ka lang, Miss Alicia?" Tanong ng babaeng professor. Nakagat ko ang ibabang labi ko bago nagsalita.
"May nangyari po kase." Nag-aalangan kong sabi. Napahawak ako sa batok ko at nilingon si Ron na nagmamasid lang. Hindi ko alam kung dapat ko bang ikwento ang nangyaring ambush.
Kitang-kita ko ang pag-ismid niya saka umayos ng tayo. Naglakad siya papunta sa tabi ko at kitang-kita ko ang gulat at pagtataka sa mga kaklase ko.
"To inform you all, Vynette Alicia here..." Halos mapatalon ako sa gulat nang ilagay ni Ron ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko. "... is a special recruit of mine. So basically, she's a student of Axial Royal Academy as per request of a Royal."
"Now that everything's settled, I believe it's time for me to go." Pagkasabi niya nun ay bumulong pa siya sa akin na ikinalaki ng mata ko. "Bunnyhead."
Tinanguan niya lang ang prof saka umalis. Nagsimula namang mag-ingay ang mga naroroon na agad ding sinita ng professor.
"By the way, call me Miss Vixone, your Geography Class Teacher." Pagpapakilala niya. "You may take your seat from any of the vacant seats at the back."
Tumango na lang ako at nagtungo sa bakanteng upuan hindi kalayuan kay Emeline. Lumingon ako sa kaniya at agad na ngumiti. I'm back!
Nailipat ang atensyon namin kay Miss Vixone na ngayon ay ipinagpatuloy ang discussion. Bagama't nararamdaman ko ang pagtingin-tingin sa akin ng mga kaklase ko ay hindi ko na lang pinansin at napatulala sa kawalan.
BINABASA MO ANG
YRRIAFADIA : A World of Wizards
Fantasy[ON HIATUS]"Does it really take to lose your memories to forget who you really are?" Ten years ago, the Great War happened which almost led to the destruction of the Magic World. It threatened not only the lives and peace of the people but also the...
