12 ~ Axial

74 5 0
                                        

Skylar Emeline Bloom's POV

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa nakasukbit na bag sa balikat ko at kumatok ng tatlong beses. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang magulong sala. Napaatras ako.

Hindi nakaayos sa pwesto ang mga couch na may sunog pa ata at tanggal na rin ang mga foam nito. Kalat sa sahig ang mga basag na mga bagay na hindi ko na matukoy kung ano. 

Laking gulat ko nang may mga nagsisiliparan na ring mga baso at pinggan sa harap ko. May wasak din na lamesa at basag ang tv.

Doon ko lang napansin ang dalawang babaeng nagsisigawan. Parehong magulo ang buhok nila at may punit pa sa mga manggas ng damit nila. Kapansin-pansin ang mga sugat sa mga braso at may ilan din sa pisngi nila. Hindi ko masabi kung galing ba silang gyera o mental.

Anong nangyayari?Minaligno na ata sila.

"Uhm, excuse me?" Sinubukan kong tawagin ang atensyon nila ngunit hindi nila ako pinansin.

"Ang sabi ko naman sa iyo na huwag na huwag mong gagalawin ang yogurt ko sa ref! Ba't mo kinain?!"

"Hindi ko naman kinain ah. Huwag kang mambintang, Jean!"

"Eh nasaan na? Ba't nawawala?"

"Aba'y malay ko. Baka natapon ko noong minsang nalasing ako."

"Tinapon mo?!"

"Ang sabi ko 'baka'. Huwag kang mag-assume dyan."

"Eh kung itapon ko rin kaya yung mga bote ng alak mo sa ref, ha? Kaisa-isang stock ko na yun dahil simula na ng klase bukas, Noema!"

"Sige, subukan mong galawin ang mga babies ko. Magkakamatayan muna tayo."

Naestatwa na lang ako sa kinaroroonan ko nang magsimula na naman silang magbatuhan ng mga kung anu-ano. Sinakop ng pandinig ko ng mga kalampog ng mga bagay at mga tunog ng pagkabasag.

Nag-atakehan pa sila ng mga exousía nila kaya nanlaki ang mga mata ko. Base sa nasasaksihan ko ngayon ay Water Manipulator at Fire Manipulator nga silang dalawa. Kaya ba sila nag-aaway?

Nagkibit-balikat ako. Kahit nagtataka ay dumeretso na lang ako sa mga kwarto, habang ang dalawa ay patuloy pa rin sa bangayan nila. Nasa school premises naman kami kaya mukhang wala naman dapat akong ikabahala.

May touch of rosegold ang mga dingding at kisame sa buong silid kaya halatang nasa girl's dormitory ka nga. Nakita kong may apat na kwarto at okupado na ang dalawa.

Napansin ko ang mga nakaukit sa pintuan ng dalawa. Simbolo ng tubig ang nasa unang kwarto habang ang pangalawa naman ay ang simbolo ng apoy. Sa katapat ng dalawa ay mga pintong wala pang nakaukit na mga simbolo. Ito siguro ang tinutukoy ni Miss Rhian na register kanina.

Binuksan ko ang pintong nasa tapat ng may simbolo ng tubig. Sakto lang ang laki ng kwarto at may cr na rin sa loob. May single bed na nasa gitna at may study table sa gilid. May cabinet sa tapat nito at may mga gamit na ngang nakaayos sa mga ito.

Inilagay ko ang dalawang bag sa ibabaw ng kama at muling inilibot ang paningin. Kulay rosegold ang bedsheet, habang light pink naman ang tiles. Kapansin-pansin din ang mga rosegold crystals na nasa mga pader, mesa, at cabinet.

Muli akong lumapit sa may pintuan dahil rinig na rinig ko pa rin ang away ng dalawa. Bumuntong-hininga ako at isasara na sana ang pinto nang may naisip ako.

What if—subukan ko kayang iregister ang kapangyarihan ko rito?

Agad akong lumabas at sinarado ang pintuan. Nag-alangan pa ako kung itutuloy ko ba o hindi.

YRRIAFADIA : A World of WizardsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon