13 ~ Royals

64 4 0
                                    

Skylar Emeline's POV

Natahimik na lang ang lahat nang may naglakad papunta sa podium ng stage at nagsimulang magsalita.

He's Headmaster Gregor Sutherlan. Makikita mo talaga sa atmosphere na nakapalibot sa kaniya kung gaano siya kaseryoso. Mukha siyang strikto dahil sa balbas niya at sa salamin na suot niya. Matayog siya kung tumindig at ang paraan kung paano siya kumilos ay napakapormal.

"It's an honor to welcome you all, dear students. Here in Axial Royal Academy, put it in your mind and expect to undergo vigorous trainings in order to enhance and improve your capabilities as protectors of peace, justice, and hope in Yrriafadia." Panimula niya pagkatapos magpakilala.

"Tingnan niyo si Princess Aerin. Para siyang naggo-glow dahil sa kaputian. May dugo pa kayang dumadaloy sa kaniya?" Siniko kami ni Jeanna saka tinuro yung isa sa mga Royals na may mahabang puting buhok. Pareho sila ni Ron na puti na nga ang buhok ay napakaputi pa ng balat.

"Omooo. Ang ganda niya." Sabi naman ni Noema. "Balita ko magpinsan sila ni Prince Ron, eh."

Muli kong nilingon ang sinasabi nilang Aerin. Base sa naririnig ko ay siya ang tagapagmana ng Yericio kingdom.

Umaabot hanggang bewang ang straight nitong niyebeng buhok. Kapansin-pansin din ang kulay bughaw nitong headband sa noo na pumapalibot sa ulo niya at bahagya pang natatakpan ng kaniyang side swept bangs.

Nakita ko na siya noon sa may Vier kasama ni Vynette. Para siyang mamahaling porcelain na manika na tila kapag hindi ka nag-ingat ay bigla-bigla na lang siyang mababasag. Napakahinhin niya rin kung kumilos. Yung tipong ikaw pa ang mahihiya.

"Pero sizterets, iba rin ang beauty ni Princess Genevieve, oh." Turo naman ulit nila sa babaeng katabi ni Aerin.

"Naku, mataray daw yang isang iyan. Laging nakataas ang kilay."

"Huwag kang judgmental, uy." Sabat ko naman. "Hindi naman siya mukhang ganun kataray ah."

Hindi tulad ni Aerin na soft ang features ng mukha at inosente, si Genevieve naman ay parang palaging may kaaway (ayon sa dalawa). Sadyang sharp lang ang features niya. Hanggang balikat ang wavy nitong buhok na kulay azure blue.

Sopistikada siyang nakaupo sa upuan na inihanda para sa kaniya. Nakataas ang kaniyang noo dahil siya lang naman ang inaasahang magiging Reyna ng Diamazul.

Pinaggigitnaan naman nina Rey at Aerin ang isang lalaking singkit na nakaponytail dahil sa haba ng buhok. Kulay kayumanggi naman ang buhok nito. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ang magmamana sa Animalia, Phillip ang pangalan.

Nasa bandang kanan naman ni Rey ang isa pang prinsepe na nagngangalang Xander mula sa Electrico. Kulay dilaw naman ang buhok nito na may mini-spikes. Pangisi-ngisi naman siya habang ngumunguya ng bubble gum.

Sa pinakadulo naman ng stage, nakaupo ang isa pang babaeng may pulang buhok. Seryoso lang siyang nakatingin sa harapan at hindi ko matukoy kung anong iniisip niya. She's a bit tanned. Choppy ang bangs at nakaloose pigtail na umaabot sa beywang niya. Siya siguro si Taña, ang Royal from Rubio.

Kung idadagdag sina Rey at Ron, sila ang tinatawag na Royals ng Yrriafadia. Sa kanila nakasalalay ang hinaharap ng lupain. Sila ang nagsasabing magpapatuloy sa nasimulan ng kanilang mga ninuno.

Sila ang nangunguna sa pangangalaga sa kaligtasan ng mga wizards. Lalo pa at pati ang kaharian ng Neroi ay kumampi na sa mga tunay na kalaban.

Napabuntong-hininga ako sa kakaisip sa mabigat na tungkuling nakapatong sa mga balikat nila. Paniguradong mahirap at mabigat ang pressure lalo pa at nasa kanila ang mata ng lahat. Ang mga kilos nila ay sinusubaybayan ng mga mamamayan.

YRRIAFADIA : A World of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon