37

39 4 0
                                        

"Ano ba, Vynette! Bumangon ka na dyan dali! Tanghali na kaya!"

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at sumalubong sa akin ang pamilyar na kisame na gawa sa kahoy. Kusang gumala ang mga mata ko at nagtaka ako nang makita ang mga simbolong nakaguhit sa mga pader. Mga simbolo ng halaman.

"Hindi ka pa lalabas dyan o ibubuhos ko sa iyo itong timba ng tubig na bitbit ko. Tsss."

Agad akong napabangon nang marinig ang boses ni Emeline. Nananaginip lang ba ako? Bakit nasa silid na ako ng dating bahay ni Emeline?

At si Emeline—!

Dali-dali akong bumaba sa kama at tinakbo ang pinanggagalingan ng boses niya. Agad ko siyang nakita sa labas ng bahay sa hardin niya at nagdidilig ng mga halaman. Naugat ako sandali sa kinatatayuan ko habang ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga mata. "Emeline... Emeline!"

Lumingon siya sa akin at tinaasan ng kilay pero nanlaki ang mga mata niya nang makita niya akong tinatakbo ang agwat naming dalawa. "A-anong—"

Parang gripong nagsituluhan ang mga luha ko nang magawa ko siyang mayakap nang mahigpit. "Sh-t y-you're alive! Thank God you're alive! You're really alive! Buhay ka!"

"Anong pinagsasabi mong bruha ka? Sinong nagsabing patay na ako, ha?!" Mabilis siyang kumawala sa yakap ko saka binatukan. "Magtigil ka nga sa pag-iyak. That's not so you."

"Emeline..." I said in between my cries. "I'm so sorry. Please forgive me. Nangako akong poprotektahan kita pero nabigo ako. Nabigo akong iligtas ka. If only I'm not weak...I'm...I'm so sorry..."

"Tinotopak ka na naman ba?"

Muli ko siyang hinila para mayakap ulit. Mas lalo akong humagulgol nang malanghap ang pamilyar niyang amoy. "I'm not dreaming, right? You're really alive? Please tell me you're alive. Emeline..."

Kasabay ng pagbuntong-hininga niya ay ang pag-ihip ng hangin. Hindi na siya nagsalita pa kahit alam kong naguguluhan na siya sa mga kinikilos ko. Pumikit ako upang patigilin ang luha ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa likuran ko na sinusubukan akong patahanin.

Bakit ang bigat ng pakiramdam ko?

"It's just a dream, Vynette. I'm here na okay?" She said. "Tumahan ka na at sumasama na iyang sipon mo sa luha mo. Dumidikit na siya sa damit ko! Kaliligo ko lang, gosh!"

Kumuyom ang mga kamao ko. Sinubukan niyang muli na pumiglas sa yakap ko ngunit hinigpitan ko lamang ang mga braso ko. Nanginginig ang aking labing nagsambit ng salita habang nilulunok ang kung anumang nakabara sa lalamunan ko.

"Let's stay like this way for a while. Ayoko na sa pagkakataong pakawalan kita ay bigla ka na lang maglaho sa harapan ko. Natatakot ako na baka panaginip lamang ang lahat ng ito. Pakiusap..."

"Vynette! Nawiwirduhan na ako sa iyo ah! Hindi nga ako patay, bruha ka!"

Napadaing na lang ako nang sinikop niya ang ilan sa buhok ko para hilain papalayo sa kaniya. "Aray!!"

"Oh yan yan yan! Sigurado ka nang hindi ka na nananaginip ah! Ang mabuti pa ay maligo ka na at ihahanda ko na ang almusal." Malakas niya akong sinabunutan kaya agad akong napahiwalay sa kaniya.

"Emeline! Masakit! Ahh!" Nagpakawala ako ng sunud-sunod na mura. Takte! Walang patawad ang babaeng ito. Geezzz...

Sinapo ko ang ulo ko nang bitawan niya ako saka sinamaan ng tingin. Tinulak niya pa ako papasok sa pintuan ng bahay at muntik na rin akong matisod.

YRRIAFADIA : A World of WizardsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon