Walang naglakas-loob na makapagsalita dahil sa pagkabigla. Tanging ang huni ng kwago at kuliglig sa paligid ang namayani. Sa bawat pag-ihip ng hangin ay sumasabay roon ang paglagaslas ng mga dahon ng mga halaman at punong nakapaligid sa amin. Madilim na ngunit hindi iyon naging hadlang upang maaninag namin ang isa't isa.
Maliwanag ang buwan sa hindi malamang dahilan. Idagdag mo pa ang mga kumikinang na azul na buhanging lumulutang sa hangin na humalo sa mga gintong alitaptap na nagsisimula nang lumitaw sa aming paligid.
Sa ibang pagkakataon ay malalaglag na ang aking panga't mamamangha. Dahil sa ganda ng paligid ay aakalain mong may nagsabog rito ng kung anong mahiwagang mahika.
Ngunit dahil sa bigat ng atmospera at tensyon ay hindi ko man lang iyon magawang pagtuunan ng pansin. Nanatili ang aking paningin sa babaeng bagong dating. Mula sa emblem ng Majica Academe na nasa kaniyang uniporme hanggang sa kaniyang walang emosyong mukha.
Sinasayaw ng hangin ang malalaking kulot ng kaniyang mahabang buhok. Ang kaniyang tindig na mismo ang nagsasabi at nagsusumigaw na isa siyang makapangyarihang nilalang. B-bakit pakiramdam ko'y isang maling galaw ko lamang ay gagawin na niya akong pulbo?
"A-aunt Daureen!" Natatarantang ani ni Mazie sa kaharap naming babae. Kumunot ang aking noo at taka siyang nilingon.
"Daureen?" Wala sa sariling bulong ko sa aking sarili. Tama ba ang aking pagkakarinig?
Siya ba ang tinutukoy ni Liriae na Daureen?
Sabay na humigpit ang pagkakahawak nina Mazie at Remella sa aking magkabilang palad nang maglakad papalapit sa amin ang misteryosong babae at mataman ako nitong tiningnan mula sa aking paanan papunta sa aking mga mata. Kusa ring naglaho ang mahiwagang lagusan na kanina lamang ay nasa kaniyang likuran.
"I can't believe I'm meeting you for the third time in this timeline." Saad niya sa akin. Nanindig ang aking mga balahibo kasabay ng pagbilis ng pitik ng aking pulso. May parte sa akin na nagsasabing hindi ako dapat matakot ngunit ako na mismo ang nag-iwas ng tingin.
Parang hindi maproseso ng utak ko ang lahat ng nangyayari. Parang kanina lamang ay nasa loob pa ako ng isang malaking test tube na humihigop sa aking enerhiya nang lumitaw sina Mazie at Remella at dinala ako rito.
Ipinilig ko ang aking ulo.
Palaisipan pa rin sa akin kung sino sila at naguguluhan pa rin ako sa lahat. Sa bilis ng mga nangyari, ay wala na akong oras para intindihin ang lahat kaya wala na rin akong nagawa kundi tanggapin at hayaan ang aking sariling tangayin ng tadhana sa kung saan ako nito dadalhin.
Ngayon, ang kaibigang minsang binanggit ni Liriae sa akin ay nasa harapan na namin—nakatayo at pinagmamasdan kami gamit ang kaniyang mapanuring mga mata. Ano ang ibig sabihin nito?
"What did I tell you about travelling time, Mazie?" Makahulugang sabi ni Daureen sa aking katabi saka lumipat ang kaniyang tingin kay Remella na ngayon ay natulala sa kaniya. "You even brought someone from the Royals."
"Let me explain—"
"You travelled time without consent. Alam mo ba kung gaano kadelikado ang ginawa mo?"
"B-but—"
"Do you even want me to enumerate all the risks of what you've done, Mazie Laurxia?"
Sunud-sunod akong napalunok. Maalumanay ang paraan ng pagsambit niya ng mga salita ngunit nakadagdag lamang iyon sa takot ko na para bang ako mismo ang pinapagalitan niya. What is it? Ano ang mayroon sa kaniya at ganito ang reaksyon ko?
BINABASA MO ANG
YRRIAFADIA : A World of Wizards
Fantasy[ON HIATUS]"Does it really take to lose your memories to forget who you really are?" Ten years ago, the Great War happened which almost led to the destruction of the Magic World. It threatened not only the lives and peace of the people but also the...
