31

41 3 0
                                    

Kung naging mas malakas lang sana ako...

Kung mas maaga sana ang pagdating ko...

Hindi na sana mangyayari pa ang lahat ng ito.

Iisa lang naman ang hinahangad ko magmula noong mapadpad ako sa mundong ito. Ang malaman kung sino ako't maalala ang lahat sa kung ano ang nasa likod ng pagkatao ko. Ito ba ang magiging kapalit non? Buhay ba ng mga nakapaligid sa akin ang magiging kabayaran nito?

"Vynette..."

Hindi ko alam kung paano ko pa magagawang magpatuloy nang wala si Emeline sa tabi ko. Nangako ako. Nangako ako na poprotektahan ko siya. Bakit ko binigo ang kaisa-isang pangakong itinatak ko sa isipan ko?

Tuluyan nang bumigay ang mga nanghihina kong tuhod nang makapasok ako sa loob ng isang silid. Ramdam ko ang presensya ni Genevieve sa aking likuran na sinusubukan akong patahanin ngunit wala iyong naging epekto sa akin.

Namamanhid ang buo kong sistema habang nakatulala sa walang buhay na katawang nakahiga sa isang kama. Hindi ko yata makakaya kung ang mahimbing na pagtulog ni Emeline ang aking makikita sa sandaling tanggalin ko ang puting kumot na nagtatakip roon.

Nanginginig ang aking mga labi habang dinadama sa aking palad ang lamig ng tiles sa sahig. Hindi ko inalintana ang pag-akyat ng lamig pataas sa aking braso. Gumagapang papunta sa nawawasak kong damdamin. Nanlalamig ako. Unti-unting nagiging yelo ang puso't binibitak nang paulit-ulit hanggang sa tuluyang magdurugo dahil sa sakit.

Kahit hindi ko man gustuhin ay inalalayan ako ni Genevieve sa pagtayo. Mahigpit siyang nakahawak sa kaliwa kong kamay habang lumalapit kami roon. "Face it, Vynette. You have to. You n-need to face everything. Please, be strong. I'll be here for you. "

"S-si Emeline. Hindi ko k-kaya, Genevieve." Umiling ako saka bumaling sa kaniya't tiningnan siya na puno ng pag-asa. "Tell me, nagbibiro ka lang naman hindi ba? Pakiusap sabihin mong hindi ito totoo. Ayokong tanggapin ang lahat ng ito. Si Emeline, buhay siya—"

"Vynette—"

"Buhay siya, Genevieve! I just saw her a while ago. I saw it with my own eyes. Hindi—hindi pa siya patay!"

Muling bumuhos ang aking mga luha. Tama, buhay si Emeline. She's not dead. Imposible iyon dahil masigla pa siyang umiirap kanina. Binuhat niya pa ako pauwi kanina. Hindi pa siya patay! Hindi maaari dahil may pangako siyang aalamin pa namin kung sino ako.

Paulit-ulit kong kinukumbinsi ang sarili. Pero nang sandaling tanggalin ang puting kumot sa mukha ng bangkay ay doon na ako muling humagulgol.

Emeline... is here in front of me. Without any sign of pain or relief. Without any trace of exousia and blood flowing inside her body. She's just here. Peacefully sleeping. Lifeless.

"No, hindi pa rin ako naniniwala." Kumbinsi ko sa aking sarili't napahakbang paatras. Nahihilo ako at nagdidilim ang paningin ko. "That's not her! She's still in her own house, Genevieve. She was just there a while ago... "

"Vynette, you have to accept it. She's—she's gone. I'm so sorry. Ginawa na namin ang lahat para makagawa ng antidote but we were late. We were too late."

Tell me, nananaginip lang naman ako diba?

"Please, gisingin niyo na ako sa bangungot na ito. This is not true. Emeline... "

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Everything seemed surreal.

Isa-isang nagsidatingan ang mga Royals at lahat sila'y nataranta nang makita ang kalagayan ko. Nanatili lamang akong nakatulala sa payapa niyang mukha. Hindi maproseso nang maayos ang lahat ng mga nangyayari.

YRRIAFADIA : A World of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon