Dalawang araw na ang lumipas simula noong nagpunta kami sa bahay ni Mang Erlyn at dalawang araw na rin ang lumipas simula noong nagpunta sina Ron dito sa bahay para ihatid ang balitang inaanyayahan kami ng Axial Royal Academy na mag-aral doon.
Napabuntong-hininga ako habang nakapangalumbaba ako ngayong pinagmamasdan si Emeline sa hardin. Kitang-kita ko ang galak sa kaniyang mga mata habang tila kinakausap ang mga halaman at bulaklak.
Kakatapos lang naming isaayos ang bahay at nakapag-impake na rin kami. Siguradong matatagalan ang pagbabalik namin dito kaya sinigurado naming dadalhin namin ang mga importanteng gamit namin. At dahil dalawang linggo pa naman akong nakikituloy kay Emeline, tanging ang dalawang libro, ang itlog, at ang kwaderno lang ang dadalhin ko.
"Vynette!" Napunta ang atensyon ko kay Emeline na ngayon ay nakangiting kumakaway sa akin. Gumuhit ang isang masayang ngiti sa mukha ko at ginantihan ang pagkaway niya.
Ewan ko ba. Dalawang linggo palang kaming magkakilala ni Emeline pero pakiramdam ko talaga'y matagal na kaming magkakilala. Ang gaan ng loob ko sa kaniya at alam kong isa iyon sa mga dahilan kung bakit kami nagkasundo agad.
Ilang sandali pa ay napakunot ang noo ko nang bigla na lang kumirot ang sentido ko. Napangiwi ako. Wala sa sariling napahawak ako sa noo ko at hinilot iyon. Ramdam ko ang biglaang pagbabago ng ihip ng hangin, isang senyales na may paparating na hindi maganda.
Sinakop ng pandinig ko ng mga yabag na tila nag-iingat. Mga kaluskos na nagpabagabag sa akin.
Nabahala ako nang unti-unting may mga imaheng nagpakita ulit sa isip ko. Limang tao. May limang tao ang paparating ngayon sa direksyon ng bahay namin at hindi ko mapigilang makaramdam ng takot dahil sa kakaibang aura na bumabalot sa mga puso nila. Sobrang sama... sobrang itim... uhaw sa dugo.
Napatayo ako at agad na tinalunton ang kwarto ko dahil sa mga importanteng gamit ko. Nanginginig ang mga kamay kong kinuha ang kaisa-isang bag na hinanda ko para sa pagdating namin sa Axial. Kinuha ko na rin ang dalawang malalaking bag na nasa silid ni Emeline na alam kong kakailanganin niya sa pagdating namin sa eskwelahan.
Dali-dali akong nagpunta sa hardin kung nasaan si Emeline. Tinalon ko ang bintana kung saan ako nakatanaw kanina dahil kailangan na naming magmadali.
Nagulat si Emeline sa ginawa ko at mukhang magtatanong ngunit agad ko siyang tinulak para mapaupo siya sa damuhan. Eksaktong may paparating na espada sa direksyon namin na agad ko namang nailagan.
"A-anong nangya—" Hindi na natuloy ang sasabihin ni Emeline nang biglang may mga bolang apoy na bumubulusok papuntang muli sa direksyon namin. Agad kong hinila si Emeline papalayo sa atake.
Talagang kami ang target nila. Hindi ako makapaniwalang napatingin sa direksyon ng mga taong umatake sa amin. Lahat silang lima ay may talukbong kaya hindi ko maaninag ang mga mukha nila. Anong kailangan nila?
"Kailangan na nating umalis!" Sigaw ko kay Emeline na tila natulala at hihilain na sana siya papaalis pero hindi niya ako hinayaan.
"Hindi pwede! Ang mga gamit nina Itay at Inay ay naroon pa rin sa loob." Pagmamatigas niya at agad siyang kumawala sa hawak ko saka tumakbo sa direksyon ng bahay. Napamura ako dahil hindi na naman siya nag-iisip nang matino.
Importante pa ba iyon gayong nasa panganib na ang buhay namin? Ang tumakas ang dapat naming unahin ngayon! Saka akala ko ba ay naimpake na niya lahat ng importanteng gamit niya?
"Emeline!" Tawag ko sa kaniya ngunit hindi niya na ako pinansin at pumasok na sa loob ng bahay.
Susundan ko na sana siya ngunit humarang ang tatlong kalaban. Sinenyasan nila ang dalawa pang kasama para sundan si Emeline sa loob. Naalerto ako at balak silang sundan ngunit agad akong napahinto nang may samu't saring matatalim na karayom ang papalapit sa direksyon ko.
BINABASA MO ANG
YRRIAFADIA : A World of Wizards
Fantasy[ON HIATUS]"Does it really take to lose your memories to forget who you really are?" Ten years ago, the Great War happened which almost led to the destruction of the Magic World. It threatened not only the lives and peace of the people but also the...
