3 ~ Cold Pair of Eyes

132 7 0
                                    

Dahan-dahan akong umikot para lamang maharap ang isa sa mga neroians, pero hindi iyon ang ikinababahala ko. Dahil sa tindig at lakas ng presensya niya pa lamang, alam ko nang maaaring siya ay hari ng mga kalaban.

Namutla ako pero hindi ako nagpahalata. Mas lalo akong nanigas sa kinatatayuan ko nang magtama ang mga paningin namin. Oh geezzz... nakakatakot talaga siya.

"Do you have any last wishes, young lady? I'd be glad to grant you a trip to your next life." Napasinghap ako habang hindi maalis ang tingin ko sa kaniya. Kumunot ang noo niya kaya nabaling ang tingin ko sa mga naglalaban.

Nang muling bumaling ako sa kaniya ay laking gulat ko nang makitang inilabas niya ang kaniyang espada at inatake ako. Mabuti na lang at nagawa ko pang tumalikod patalikod saka agad na nakapulot ng matibay na kahoy na isinangga sa atake niya.

He's fast. He's strong too. What do you expect from their King?

Ang kahoy na pilit kong isinasangga sa espada niya ay hindi nagtagal at agad iyong naputol at nahati sa dalawa. I'm already panicking.

Lalo na nang maramdaman ang pagdaan ng hiwa ng espada sa aking braso at tumulo roon ang masaganang dugo. Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa hapdi habang iniiwasan ang kaniyang mga atake.

Halos mawala ako sa pokus nang bigla siyang humalakhak. Nanindig ang mga balahibo ko dahil mas lalong lumamig ang simoy ng hangin dahil doon.

"Hindi ko maiwasang humanga sa iyong galing." Puri niya sa gitna ng laban namin. "Hindi ko inaasahan na maliban sa mga estudyante ng axial ay may kakalaban sa akin nang ganito."

Hindi ko inaasahan na ang sunod kong nadampot ay paso ng halaman kaya nabasag iyon nang tumama ang espada roon. Tumalsik ang bubog sa aking noo.

Napaatras ako pero mas lalo siyang lumapit sa akin. Hindi ko na nagawa pang sanggain ang mga atake niya dahil wala na akong bagay na makitang maaaring maisangga sa hawak niyang matalim na espada.

Susubukan ko sanang sipain ang hawak niyang espada pero nagulat ako nang maunahan niya ako. Pinatid niya ang isa sa mga paa ko dahilan para matumba ako at mapadaing sa sakit.

Agad niyang itinutok sa akin ang talim ng kaniyang espada at hindi ko alam kung bakit napapikit na lang ako.

Ang huli kong nakita ay ang mataas niyang pagtaas ng armas. Kumislap pa ang dulo ng patalim ng kaniyang espada na tila ba iyon na ang sandaling oras ko.

Kung mamamatay man ako rito'y mumultuhin ko si Emeline. Kung hindi niya ako kinalimutan at iniwan ay hindi sana ito mangyayari. Psh.

Ito na nga ba ang dulo ng buhay ko?

"Ama..." Isang malamig na tinig ang nagpamulat sa akin. Kumalabog ang aking dibdib nang makitang nakahinto ang dulo ng espada sa tapat ng aking leeg na handa nang gigilit sa akin. Habol ang hininga'y napatingin ako sa direksyon ng lalaking nagsalita.

Napasinghap ako. Bakit ganun? Ang mga mata niya...

Binawi ng hari ng mga neroians ang espadang nakatutok sa akin kaya nakahinga ako nang maluwag. Kinapa ko ang aking sarili upang masigurong buhay nga ako at halos ipagpasalamat ko ang pagdating ng lalaki.

"Oh, narito na pala ang kaisa-isa kong anak. Hindi ko alam na kinareer mo na talaga ang pagkampi sa mga dapat ay kalaban natin." Sabi niya kaya napataas ang isang kilay ko. What? Anak?

Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga at napatigil nang mapagtanto kung sino ang magkausap.

Isa siya sa mga lumalaban kanina sa neroians. Ano ang ibig sabihin nito?

YRRIAFADIA : A World of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon