Halos wala akong tulog nang sumikat na ang araw. Nakatulala lang ako sa kisame buong magdamag. Bagama't pagod ang mga mata ko at sinusubukang pumikit ay hindi ako dinalaw ng antok. Hindi ko maiwaksi ang bagabag na nasa dibdib ko.
Saka lang ako inantok nang makarating na kami sa classroom at hinihintay ang professor namin sa History Class. Sabi nga nina Emeline ay may pagkastrikto ang prof na iyon.
"Hoy, Vynette!" Bigla na lang may pumitik sa noo ko dahilan para maalimpungatan ako. Agad kong sinamaan ng tingin si Emeline. "Halatang hindi ka nakatulog kagabi eh, nuh?"
"Samahan mo ako mamayang break, ah?" Nagtaka ako sa bigla niyang anyaya.
"Saan?"
"Basta. Huwag ka na lang magtanong. Tss." Pagsusungit na naman niya at saka umiwas ng tingin. Lumingon at sabay namang ngumisi sina Noema at Jeanna na nakaupo sa dalawang upuan na nasa harapan namin.
"Naku! Hahanapin siguro si Prince Rey." Sabi ni Noema at napahalakhak naman si Jeanna. "May kasalanan yata ang ate ghorl mo."
"O baka naman magko-confess na siya. Yiiee." Nag-apir pa sila sa isa't isa at napahagikgik na parang sila pa ang kinikilig. Natawa naman ako at napatingin kay Emeline na ngayon ay masama ang tingin sa aming tatlo.
"Ay bet ko yan! Tapos naiimagine ko na ang sasabihin ni Emeline ghorl." Saad naman ni Noema.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para mapigilan ang tawa. Bahagya ko pang inilayo ang upuan ko mula sa kay Emeline dahil pakiramdam ko ay bigla niya akong sasabunutan. Napapatingin naman ang ilan naming kaklase sa aming direksyon dahil sa ingay namin.
"Sige nga, sizteret. Paano? Paano magco-confess ang isang Emeline? May pahampas at pag-irap bang kasama?" Nakatikim si Jeanna ng sabunot mula kay Emeline na ngayon ay lukot ang mukha.
"Tumigil nga kayo." Suway ni Emeline pero hindi nagpaawat ang dalawa.
Biglang tumayo si Noema at nagulat na lang ako nang may inilabas siyang bote ng alak mula sa bag niya. Lumagok siya ng ilang beses at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang bigla siyang kumanta. Dahil medyo tahimik ang classroom ay rinig na rinig namin ang boses niyang parang rockstar. Ginawa niya pang mic ang hawak na bote.
"Hindi ko maintindihan
Parang wala namang pupuntahan
Ayoko na ng ganito
Nahihirapan na ang puso ko"Napafacepalm si Emeline habang hindi ko naman maipaliwanag ang ekspresyong nakapinta sa mukha ko. Tawang-tawa si Jeanna at kitang-kita ko naman ang pag-iling ng mga kaklase namin at pagpipigil ng tawa. May iba namang nainis dahil busy sila sa pagbabasa ng notes nila.
Ilang sandali pa ay bigla na ring tumayo si Jeanna at sumabay sa pagkanta. Pinosisyon niya pa ang mga kamay niya na parang may hawak na gitara at nagsimulang magheadbang.
"Tayo na lang dalawa, tayo na lang magsama
Tayo na lang dalawa, tayo naman talaga
Tayo na lang dalawa, tayo na lang magsama
Tayo na lang dalawa, tayo naman talaga"Geezz...saang planeta sila galing?
Ganun na lang ang kaba ko nang makitang bumukas ang pintuan ng classroom namin at pumasok ang isang sopistikadong lalaki. Kapansin-pansin ang suot niyang kwintas na may naglalakihang kumikinang na bato. Napahinto siya nang makita ang kalagayan ng dalawa.
Huminto sa pagtawa ang ilan sa mga kaklase namin. Umayos sila ng pagkakaupo at patay-malisyang bumalik sa kaniya-kaniyang gawain na para bang walang nagcoconcert sa harapan nila.
Nagkatinginan kami ni Emeline at inabot ang laylayan ng damit nilang dalawa. Pilit naming patagong tinawag ang atensyon ng dalawa para tumigil sa kabaliwang pinaggagawa nila pero hindi nila kami napansin. Napatingin ulit ako sa prof.

BINABASA MO ANG
YRRIAFADIA : A World of Wizards
Fantasy[ON HIATUS]"Does it really take to lose your memories to forget who you really are?" Ten years ago, the Great War happened which almost led to the destruction of the Magic World. It threatened not only the lives and peace of the people but also the...