41

27 3 0
                                    

"Xyleah! What do you think you're doing?" Habang abala ako sa pamimitas ng bulaklak ay bigla na lang lumitaw si Neon sa tabi ko. I rolled my eyes.

"Can't you see? I'm picking flowers, duh!" Mahigpit kong hinawakan ang mga kumpol ng bulaklak sa kaliwa kong kamay saka tumayo't tinungo ang ilan pang mga bulaklak na nakakatawag sa pansin ko. Geezz... why are they so pretty? Ba't kase walang ganito sa kastilyo, hayst. Kaya sobra akong nabo-bore eh.

"Kailangan na nating bumalik. Baka may makakita pa sa iyo rito, master." Napangiwi ako nang marinig ang itinawag niya sa akin.

"And so? Hindi naman nila alam kung sino ako eh. At saka tayong dalawa lang naman ang naririto ah," I crossed my arms saka sinadyang lakasan ang boses, "at walang nakakaalam na ako ang Empress kundi tayong dalawa lang."

"Master!" Humalakhak ako nang makitang nataranta siya sa huling sinabi ko. Nahilamos na lamang niya ang palad sa mukha para kumalma.

"Huwag kang masyadong magpadalos-dalos sa binibitawan mong salita, master. Hindi naman natin nasisiguro na tayo lang talaga ang naririto." Seryosong aniya saka nilibot pa ang tingin sa paligid. "Ba't hindi ka ba nagmana sa babaeng iyon?" Bulong pa niya na narinig ko naman.

"Babae? Sino? And please, will you limit calling me master? Hindi naman kita pinipilit na tawagin akong ganyan ah." May halong pagkairita kong sambit. "At saka ba't ang seryoso mo ngayon? Sabog ka?"

Bumuntong-hininga siya. "Ang mabuti pa'y bumalik na tayo sa kastilyo, master. Kapag nalaman ni X na dumayo ka na naman dito sa Majica ay siguradong mapaparusahan ka na naman. Paniguradong hinihintay ka na rin ng tatlo para sa iyong pagsasanay."

Dahil sa sinabi niya'y napatayo agad ako mula sa pagkakasalampak sa damuhan. "Yeah, right."

Just thinking of X's punishment frightens me. Ayoko nang makulong sa loob ng nakakatakot na toreng iyon. Plus, wala sa kastilyo si Quinine para ipagtanggol ako mula sa kaniya.

Eversince nagkamalay ako ay madalas nilang pinapaalala sa akin kung sino at ano dapat ang responsibilidad ko. Ang pangalagaan ang kapayapaan at balanse ng mundo ng mahika. That might seem an easy job to do but like hell, it isn't.

I need to consider a lot of things. Looking at the bigger picture may be the best thing to do for the sake of everyone, but hindi rin naman pwedeng kaligtaan ang bawat anggulo ng sitwasyon.

"Daureen is looking for you." Natigilan ako sa biglang saad niya. Did I hear it right? Nang makabawi'y agad na nanlamig ang ekspresyon ko't sarkastikong napangisi.

"My so-called 'younger adelfi'?" Nanunuya kong sambit. "Ignore her. I don't have any business with her to start with." Malamig kong saad.

"But she's your sister!"

"She's. not. my. sister." I gritted my teeth. "I don't have any sister, Neon. Matagal na akong walang tinuturing na pamilya, and you're aware of that."

They are the ones who left me in the first place.

He fell silent. Mukhang may gusto pa siyang sabihin pero hindi na siya umimik pa. I sighed. Do I really have to connect with that person who claims that she's my sister? Nope. Never.

Why bother? Tsss...

Pababa na kami ng lambak nang may mapansin akong kakaiba. What's this?

Hindi ko na sana iyon papansin pero mas lalo lamang na lumakas ang pakiramdam ko. As though it's calling for my attention. Mataman kong sinuri ang buong paligid.

YRRIAFADIA : A World of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon