44

22 2 0
                                    

Vynette Alicia's POV

"We're going to fly, your highness." My eyes widened at his response.

"Lilipad talaga tayo?" Hysterical na ani ni Kelly na katulad ko'y tila hindi rin inaasahan ang kaniyang sinabi.

"It's the safest, I think?" Katwiran naman ni Drake. "The Valley is surrounded by a smoke-type spell. Hindi naman tayo makakadaan sa ilalim nito dahil sa mga nakakalasong halaman. The most harmless way to penetrate is through the air."

"Pero paano?" Takang tanong naman ni Brandon.

Maging ako'y hindi sigurado sa plano naming gawin. Hindi ito katulad ng Yrriafadia na may mga sasakyang Pegasus. Bigla ko tuloy naalala ang mga Royals. Are they going to take the path through air, too?

Ramdam kong binalingan ako ni Drake kaya napatingin din ako sa kaniya. "Do you know how to cast spells, Vynette? Specialty niyong mga taga-Yrriafadia iyan hindi ba?"

Mabilis akong umiling. "Kaunting panahon lamang ang inilagi ko sa academy. I never had the chance to learn how. I'm only rich in knowledge but not in skills."

Bukod pa roon ay iisang spell lamang ang kaya kong icast. Isang klase ng spell na nagpapalabas sa tunay kong kapangyarihan. Isang klase ng spell na hindi ko pa sigurado kung para saan. Ang tanging sigurado ko lamang ay ilang beses na ako nitong iniligtas sa kapahamakan.

Sabay-sabay kaming napahinga nang malalim.

Nang banggitin sa akin ang misyong ito'y hindi ko lubos akalain na magiging ganito ito kahirap. Sobrang dali lamang ng pagpitas ko noon ng bulaklak sa Yrriafadia, habang dito sa Majica'y nababalutan pa ng isang napakadelikadong spell para protektahan.

"I think may alam akong isang taong makakatulong sa atin." Bigla ay banggit ni Kelly pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.

Kumunot ang noo ko. Huh?

Mabilis niyang hinarap si Brandon. "You still remember that woman, Brandon?"

Nanlaki ang kaniyang mga mata."That woman? Seriously, Kelly? No way—"

"I think she lives somewhere here."

"Kelly, she's—"

"Narinig ko kay Dad na malapit lang sa Valley of Regret ang tinutuluyan ng babaeng iyon. Somewhere near the River of Innate Nature."

"Kelly! We don't need her help!" Bulyaw niya na halos ikatalon ko sa gulat. This is my first time seeing him this bothered. Pinagalaw pa ni Brandon ang sinasakyang kabayo para mas maharap si Kelly na ngayon ay tila walang pakealam sa sinasabi ng kausap.

"Ano ba, Brandon! We don't have any choice! Kung nag-aalala ka sa akin ay pwes kaya ko ang sarili ko. Move on move on din kapag may time 'no."

"Why are you so stubborn?"

Nagpapalit-palit ang tingin ko sa dalawa. Nagkatinginan pa kami ni Drake dahil hindi namin alam ang gagawin. Kung ako ang kaaway ni Kelly kanina, si Brandon naman ngayon.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at napailing-iling ako sa aking isipan.

Sinong babae ba ang tinutukoy nila at ganyan na lamang sila magtalo? Makakatulong ba talaga siya sa misyon namin? Pero ano ang dahilan ni Brandon sa pagtutol sa suhestisyon ni Kelly?

"Brandon..." Tawag ko sa kaniya. Salubong naman ang kaniyang kilay na bumaling sa akin. "Please don't let your emotions cloud your mind."

YRRIAFADIA : A World of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon