FESTUM DISTURBANCE ARC
Chapter 23 ~ Attacked
.......
Umihip muli ang malamig na hangin at ramdam ko ang pagtangay nito sa buhok kong nakapigtail.
Ano ang pakay nila? Bakit sa gitna pa ng pagdiriwang ng Festum sila sumalakay?Bakit kailangan nilang ifreeze ang mga tao na para bang alam nilang hindi tatablan ang mga Royals?
Ang mga Royals ba ang target? Si Neon ba? Ako ba o baka naman—
Nilingon ko si Emeline na ngayon ay seryoso ang mukha.
Kung siya nga, anong kailangan nila sa kaniya?
Humigpit ang pagkakahawak ko sa espada saka seryosong tiningnan ang mga Royals. Hindi na ako nag-abalang alamin ang plinano nila kanina at agad silang binalaan.
"There are hundreds of neroians. Kung tayo nga ang target nila, mas mabuting lumayo tayo kung saan walang mga taong madadamay."
Tumango silang lahat sa akin. Agad kaming naghiwa-hiwalay at umalis sa sentro ng Vier. Tila nawalan na ng saysay ang pinag-usapan nilang plano kanina dahil sa biglaang pagdating ng Neroians. Bahagya akong napailing nang mapagtantong naubos ang oras namin kakaalam sa pagkatao ni Ron.
Nangangamba ako para sa mga tao ngunit kung kaligtasan nga nila ang dapat naming unahin, kailangan naming tapusin ang laban sa lalong madaling panahon.
Agad naming nakita ang mga hukbo ng neroians at nakita kong nangunguna ang limang pamilyar na mukha. Agad kong nakilala sina Fawn, Craze, Blast, Xia at Zim dahil wala na silang suot na cloak. Pinaulanan nila kami ng atake kaya mas lalo kong binilisan ang pagtakbo at pag-iwas na rin sa mga icicles na nagkalat dahil sa nagyelong sahig.
Sinalubong ko ang mga atake nila gamit ang espadang hawak ko saka tinakbo ang sulok ng Vier. Nakasunod sa akin sina Emeline, Neon, at Genevieve na kagaya ko ay nakikipaglaban na rin sa mga neroians.
Iwinasiwas ko ang espada. Sa isang iglap ay halos sampu na ang napatumba ko. Bagama't nagtataka sa kakaibang kilos ng katawan ko na para bang sanay sa paghawak sa espada ay hindi ko na iyon pinansin. Hinayaan ko ang sariling gumalaw at makipaglaban sa kanila.
Kagaya ng dati ay nakasuot sila ng mga kalasag na kakulay ng maitim na ube. Ang kanilang mga armas ay mas pinatalas ng kanilang exousia na taglay ang elemento ng ice. Halata ito dahil sa tila mga yelong namumuo sa patalim ng kanilang espada at ang kataka-takang pag-usok nito.
Dumaloy ang exousia ko mula sa aking kamay papunta sa hawak na espada. Tila pinag-iisa kami nito dahil sumasabay sa paggalaw ng katawan ko ang pagwasiwas ko ng armas.
Ramdam ko rin na habang tumatagal ay mas tumatalim ito dahil mas lalong bumabaon ang espada sa kanilang kalasag na gawa sa metal. Parang tinutunaw nito ang materyal kapag nakakatagpo nito ang patalim.
Napahakbang ako paatras nang maramdaman ang pagdaan ng isang matalim na icicle sa aking pisngi. Napamura ako nang maramdaman ang unti-unting paggapang ng hapdi at ang pagdaloy ng dugo mula roon. Agad ko itong pinalis.
Hindi ko napaghandaan ang pagpapaulan ng atake ng isa sa kanila. Sinugod ko ito pero nabigla nang sa isang iglap ay bigla itong tumumba.
Sa aking tabi ay agad kong namataan si Emeline na kagaya ko ay nakikipagsabayan din sa pakikipaglaban. Kahit wala siyang hawak na armas ay dumedepende naman siya sa pagmamanipula ng mga halamang siya rin ang nagpapatubo.
Bumibitak ang yelong inaapakan niya dahil doon sumisibol ang mga halamang ginagamit niya sa pag-atake. "You should stay alert, Vynn." Paalala niya sa akin habang umiiwas sa atake ng kaharap. Agad akong tumango sa isipan ko at muling hinarap ang mga nakapalibot na sa aking mga neroians.
BINABASA MO ANG
YRRIAFADIA : A World of Wizards
Fantasy[ON HIATUS]"Does it really take to lose your memories to forget who you really are?" Ten years ago, the Great War happened which almost led to the destruction of the Magic World. It threatened not only the lives and peace of the people but also the...
