46

52 5 1
                                        

Vynette Alicia's POV

"Vynette..." Rinig kong usal ni Kelly nang makabalik na kami ni Mystica sa loob.

Hindi ko siya magawang pansinin dahil ang isip ko ay umiikot sa mga pinag-usapan namin. Now, everything is a bit clearer to me. Ang lugar na napaniginipan ko noong nasa tribong Leor kami ay ang mundong tinutukoy ni Mystica—ang orihinal na dimensyon ng mahika.

Hindi lamang iyon simpleng panaginip. Totoong buhay si Emeline sa lugar na iyon!

Kung pagtatagpi-tagpiin ko ang mga nalaman kong impormasyon, ang hindi ko pagkilos noon upang pigilan ang digmaan sampung taon na ang nakakaraan ay nagresulta sa pagkakaroon ng bitak sa gitna ng dimensyon. That stupid decision of mine led that world into mess.

When I realized it was a mistake, I felt so devastated that I wanted to fix everything as the Empress no matter what.

So, I rewinded the time.

The big and sudden changes made in this new timeline became the reason why the new world successfully separated itself from the original one. Kasama na ako roon.

The yin and yang properties of my whole self were left with no other choice but to be split into two. Ang Yin ay nanatili sa orihinal na mundo kasama ang mga alaala ko, habang ang Yang ay napunta sa bagong mundo kasama naman ng kapangyarihan ko.

At ang Yang—the light, shy, and transparent part of the whole—

—ay ako.

Naiintindihan ko na kung bakit ang personalidad ko sa memorya ko ay ibang-iba sa kinikilos ko.

I'm not the complete me.

Bukod pa roon, since I am not a timekeeper, messing with the world's timeline is considered a sin. I am bound to pay something big. Alam kong hindi ang mga alaala ko o maging ang paghihiwalay ng dalawang pagkatao ko ang kapalit na kabayaran sa nagawa ko.

Alam kong paparusahan ako ng kalikasan, at batid kong hindi pa siya nagsisimula.

I sighed. Hindi ako makapaniwala.

I already knew these consequences from the start. I already knew that this is just a gamble where everything might go wrong.

Kung ganun, what's the reason behind kung bakit ito ang napili kong gawin. I could've found a better option to protect Yrriafadia, to protect the whole magic world! What was I thinking?! Am I missing something?

Dahil sa rami ng mga tanong na bumabagabag sa akin ay hindi ko na namalayang nakaalis na pala kami roon at kasalukuyan na naming tinatahak ang daan patungong Valley of Regrets.

Kanina ko pa napapansin ang pagsulya-sulyap sa akin ng mga kasamahan ko gamit ang mga mata nilang may bahid ng pag-aalala. Ito ay dahil magmula noong bumalik ako mula sa pag-uusap namin ni Mystica'y hindi ko na magawang umimik dahil sa mga iniisip ko.

Mapipigilan ko pa kaya ang paparating na digmaan sa oras na makumbinsi ko ang isang ako na makipagsanib-pwersa sa akin?

Ngunit ano ang mangyayari sa dalawang mundo kung magawa ko silang pag-isahin muli? May pag-asa bang maibalik sa buhay si Emeline?

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Ito na kaya ang sinasabi ni Roela na mamamatay ako para sa kapakanan ng lahat?

Hindi ko napigilan ang sunud-sunod na paglunok dahil sa bara sa lalamunan ko. One thing is for sure, my goal right now is to convince that 'other me'.

Pero bago ang lahat ay kailangan muna naming tapusin ang misyong ito para makabalik na ako sa Yrriafadia. Iyon lang ang tanging paraan para mas lalo akong maliwanagan. Yrriafadia is the chosen land where wars are supposed to happen. I'm sure everything I need will be there.

YRRIAFADIA : A World of WizardsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon