Vynette Alicia's POV
Responsibility? Role?
Lahat nga ba ng nilalang sa mundo ay ipinapanganak nang may kaakibat na responsibilidad? Isang tungkuling dapat niyang gampanan?
Kung ang tungkulin ni Taia ay ang pangalagaan ang kalupaan ng Yrriafadia bilang isang Empress, kung ang responsibilidad ni Daureen ay ayusin ang mga mali sa kasaysayan, ang akin ba'y kamatayan para sa kapakanan ng lahat?
Bakit?
'Does it really take to lose your memories to forget your responsibility?'
Umalingawngaw sa isipan ko ang mga kataga ni Mang Erlyn. Wala sa sarili akong napangiti nang mapait. My responsibility, huh?
"You're about to die...soon... for the sake of your people. That's the role and responsibility you've been carrying from the start."
Akmang babawiin ko na nasa ang mga palad ko mula kay Roela nang mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa aking kamay. Pansin kong dumako ang tingin niya sa nakalitaw na mga simbolo sa papulsuhan ko. Ngumisi siya, bagay na nagpatindig lalo sa mga balahibo ko.
"The fusion of betrayal and friendship, the blazing yet cold love of a mate, and the endless questions of your identity. They will either be the cause of your death or the cause of your misery."
Napamaang ako habang ramdam ang kakaibang kabang unti-unting gumagapang sa sistema ko. What's she saying?
Mas lalong lumakas ang mga tambol sa paligid namin at sa kaniyang mukha'y hindi magkamayaw ang mga aninong dala ng mga nagsasayawan sa paligid ng apoy.
"You have to be strong. You're a powerful wizard, afterall."
Napaiwas ako ng tingin. How could just anyone say that I am powerful? Alam ba nila ang pinagsasabi nila? Hindi ko nga magawang protektahan ang mga dapat kong protektahan because I'm too weak!
Pakiramdam ko'y lumamig ang ekspresyon ko sa mga narinig.
"Powerful wizards can be weak, too." Biglang sabi ni Roela na tila nabasa ang laman ng isipan ko. "Maraming punto sa buhay na magiging mahina ka kahit gaano ka pa kalakas, but those will mold you to a stronger you."
Muli niyang inabot niya ang mga kamay ko na hindi ko namalayang nanginginig na pala. "You are powerful, young lady, because you are destined to be."
If I am destined to be powerful, bakit hindi ko nagawang protektahan si Emeline? Kung totoong makapangyarihan ako, bakit pakiramdam ko'y may pumipigil sa mga dapat kong malaman? Bakit tila nakagapos ang mga kamay ko kaya hindi ko magawa ang mga dapat kong gawin?
Destiny? Does it even matter?
Does it even matter kung alam kong may isang nilalang sa mundong ito na kayang baliktarin at kontrolin iyon?
Magsasalita na sana ako nang may mamataan akong tila pulang tela na nasisilip ko sa braso ni Roela. Kumunot ang noo ko. "What—"
Marahas kong inabot ang shawl na bumabalot sa kaniyang kaliwang balikat at ganun na lang ang pagkabigla ko nang makita ang pamilyar na pulang sintas na kagaya ng mga dumakip sa amin.
"You're one of them." Gulantang kong sambit. Hindi makapaniwala sa natuklasan. Namilog naman ang mga mata niya't agad tinakpan ang braso. "How come—bakit ka kinulong ng kapwa mo katribo?"
"You're a Leor member?!" Biglang sabat ni Kelly. Saglit ko siyang tinapunan ng tingin at maging sina Drake at Brandon ay tila naalimpungatan sa tinis ng boses niya.
BINABASA MO ANG
YRRIAFADIA : A World of Wizards
Fantasy[ON HIATUS]"Does it really take to lose your memories to forget who you really are?" Ten years ago, the Great War happened which almost led to the destruction of the Magic World. It threatened not only the lives and peace of the people but also the...
