6 ~ A Secret

107 8 0
                                    

"S-sino?" Nang-uusisang tanong ni Emeline habang nakahawak ang isang kamay niya sa bewang niya. Napahinga ako nang malalim. "At bakit basang-basa ka? At ano iyang hawak mo?"

Napatingin ako sa hawak-hawak kong itlog. May kalakihan siya dahil halos yakapin ko na ito habang binibitbit.

Inalala ko ang lahat. Mula sa tila intensyon niyang patayin ako kaya nauwi iyon sa labanan, hanggang sa biglang may malaking ibon na bigla-bigla na lang sumulpot at nahulog si Ron sa lawa kaya iniligtas ko naman siya mula sa mga neco-type weeds.

Kwinento ko kay Emeline ang lahat ng nangyari lalo na ang tungkol sa sagupaan namin. Ewan ko ba kung itutuloy ko ang pagke-kwento o tatawa na lang sa mga reaksyon niya. Hindi ko nga rin alam kung sino ang kinakampihan niya eh base sa mga komento niya.

"Ano?! Binalak kang patayin ni Ron?!"

"Ano ka ba naman, Vynette. Tinulungan mo na sana siya nang makita mong nahihirapan na siya sa pakikipaglaban. Nagtago ka pa sa puno!"

"Bakit ka tumalon at sumunod kay Ron?! Hinayaan mo na lang sana para mamatay na siya."

"Hay naku! Mabuti na lang talaga at nagkita kayo. Kung hindi, baka hindi ko na alam kung saan ka hahanapin."

Iyan lang naman ang ilan sa mga sinasabi niya. Napangiti ako. Mabuti na lang talaga at siya ang nakakita sa akin noon. Kahit ilang araw pa lang kasi kaming magkakilala ni Emeline, feeling ko matagal na kaming may samahan.

Ewan ko ba. Hanggang ngayon tanging pangalan ko pa lang ang natatandaan ko. Ni isang alaala ay wala. Kapag naman pinipilit kong halukayin ang memorya ko para malaman ang lahat ng nangyari bago ako napunta kina Emeline ay bigla-biglang kumikirot ang ulo ko at minsa'y nawawalan pa ako ng malay.

"Tara na. Bilisan natin para hindi tayo maabutan ng gabi." Saad ni Emeline na hindi ko na tinutulan. Hinawakan niya ang braso ko na tila sinisiguradong hindi na ako mawawala. Napangiti ako.

Mataas na rin ang sikat ng araw at alam naming ilang oras na lang ay papalubog na naman ito. Nang makaramdam kami ng gutom ay namahinga kami saglit habang kumakain ng baon naming pagkain. Pumitas din ako ng ilang mga mansanas na matatagpuan sa paligid.

Sagana nga ang bundok na ito. Pwede ngang tirhan ng mga tao rito kung hindi lang sa mga kakaibang halimaw na bigla-biglang lumilitaw sa ayaw at sa gusto mo.

Gaya ng inaasahan, papalubog na ang araw nang makarating kami sa harap ng isang bahay. Napatigil ako sa paglalakad kaya tiningnan ako ni Emeline.

"Bakit?" Kunot-noong tanong niya. Hindi ko siya sinagot bagkus ay inilibot ko lang ang paningin sa paligid. Nagtaka ako.

Parang may exousía (kakaibang enerhiya) na pumapalibot sa bahay na siyang dahilan para magmistula itong tahanan ng isang makapangyarihan na diwata. Kahit may mga kaunting baging na nakasabit sa kahoy na pader na ito ay hindi ito nakabawas sa ganda ng bahay. Mas lalong naging misteryoso at mahiwaga. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit ni isang hayop ay walang naglalakas-loob na lumapit o magtangkang pumasok.

"Emeline..." Tawag ko kaya napalingon siya sa akin.

"Ito ba talaga ang bahay ni Mang Erlyn?" Takang tanong ko.

"Ito nga. Naaawa na nga ako sa kaniya eh. Palagi kong sinasabi sa kaniya na iwanan na niya itong bahay dahil lumang-luma na at sira-sira pa. Niyaya kong sa bahay ko na lang siya patuluyin pero palagi siyang tumatanggi." Salaysay niya kaya napakunot ang noo ko.

Luma? Sira-sira?

"Mabuti na lang talaga at hindi lumalakas ang bagyo rito. Dahil kapag nagkataon, naku naku! Isang malakas na hangin lang ay tatangayin na."

YRRIAFADIA : A World of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon