Totoo ba itong nakikita ko? Bakit kamukha ni Neon ang isa sa mga mandirigmang nasa harap ko? Anong koneksyon niya sa Empress? Anong koneksyon niya sa akin? Anong koneksyon niya sa nangyaring digmaan sampung taon na ang nakakaraan?
Napahakbang ako paatras habang nanlalambot ang magkabilang binti ko. Natawag ng pansin ko ang suot kong chain bracelet na bigay sa akin ni Mang Erlyn. Kumikinang ito at ilang sandali pa ay may kakaibang liwanag na nagmula rito ang bumalot sa buong paligid ko.
Hindi ko maiwasang mag-alala dahil para akong binulag ng liwanag. Nang imulat kong muli ang mga mata ko ay ang nag-aalalang mukha ni Emeline ang bumungad sa akin. Naramdaman kong muli ang pagbagsak ng tubig sa buong katawan ko at doon ko lang napansin na nasa Tree Gym na ako.
Nakabalik na ako sa reyalidad..
"Vynette! Ayos ka lang?" Bigla ay tanong niya sa akin. Hindi ko alam pero para akong lantang gulay na tumango. Bahagya pang nanlalabo ang mga mata ko habang inililibot ko ang tingin sa paligid.
Doon ko lang napansin na pinalilibutan na ako ng mga kaklase namin at katabi ni Emeline si Miss Plume na ngayon ay kunot-noong nakatingin sa akin. Nagtaka ako.
"B-bakit? Anong nangyari?" Kapos ang hininga kong sambit. Nanghihina ang buong katawan ko at hindi ko matukoy kung bakit. Hinahabol ko rin ang hininga ko na siyang ipinagtaka ko.
Hawak ni Emeline ang kanan kong kamay kung saan suot-suot ko ang gintong bracelet. Tumitig siya roon saka muling inilipat ang nag-aalalang tingin sa akin. "Habang nasa ilalim ka ng tubig ay bigla kang nagliwanag. Hindi ako sigurado pero nakita kong sa bracelet na ito nanggaling ang liwanag na iyon."
Muli akong tumingin sa papulsuan ko at biglang naalala ang sinabi sa akin ni Mang Erlyn na kahit anong mangyari ay huwag na huwag ko raw ito tatanggalin sa kamay ko.
Nagbubulong-bulungan naman ang mga kaklase ko na pinaliligiran ako. Bigla ay napatingin ako kay Miss Plume nang ilagay niya ang kaniyang palad sa noo ko.
"Sometimes, meditation can bring you too much fatigue kapag nasobrahan ang lalim ng focus mo. When you have too many questions na gusto mong malaman at once, there's a possibility that your exousia may release from your body without your control." Umalingawngaw ang boses ng guro sa buong gym. "So guys, be careful. Meditation is not that hard but it's not that easy also. Class dismissed."
Isa-isa ay nagsialisan na silang lahat hanggang sa tatlo na lang kami ang natira. Muli ay tumitig sa akin si Miss Plume at pinaningkitan ng mga mata. "You should rest."
Wala sa sariling tumango ako at tumayo. Agad akong napahawak kay Emeline nang halos wala akong maramdaman sa binti ko. Nang makaahon na ako sa tubig ay parang bigla akong naubusan ng enerhiya. Fudge!
"Vynette!"
"Sh-t."
Parang biglang humina ang pandinig ko at nagdidilim ang paningin ko. Naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa sahig at hindi na ako nanlaban pa sa dilim na humihila sa akin.
~~~~~✿✿✿~~~~~
Nang magising ako ay ang purong puting kisame ang bumungad sa akin. Hindi na ako nagtaka pa dahil base sa amoy ng paligid ay nasa Infirmary ako ng academy. Unti-unti akong bumangon mula sa pagkakahiga at napapikit nang mariin nang maramdamang muli ang kirot ng sentido ko.
Nang makabawi ay agad kong tingnan ang sulok ng silid ng kinaroroonan ko nang maramdaman ang isang presensya roon. Akala ko ay si Emeline pero nagulat ako nang makita ang pamilyar na pigurang nasa harap ko.
"I'm glad you're awake." Malamig na aniya. Napatitig ako sa walang bakas ng emosyon niyang mukha.
"Hindi naman halata." Bulong ko. "Anong ginagawa mo rito? Si Emeline?"
![](https://img.wattpad.com/cover/95043516-288-k183660.jpg)
BINABASA MO ANG
YRRIAFADIA : A World of Wizards
Fantasy[ON HIATUS]"Does it really take to lose your memories to forget who you really are?" Ten years ago, the Great War happened which almost led to the destruction of the Magic World. It threatened not only the lives and peace of the people but also the...