Vynette Alicia's POV
"Ang pagsibol ng buwan ay siyang pagsibol ng nakaraan,
Masalimuot na pag-ibig, muling uusbong sa kapalaran,
Aniya'y sa pusong nagsisisi, luha ang dapat na kabayaran,
Binaon man sa limot, muling itatatak sa isipan."Napakurap-kurap ako sa tulang paulit-ulit na binabanggit ni Kelly habang nakasiksik ang mga katawan namin sa mga sariling sleeping bags at hinahabol ng antok.Kanina pa niya iyon binubulong sa hangin at halos makabisado ko na ang bawat salita.
"Ang pagsibol ng buwan ay siyang pagsibol ng nakaraan," huminto siya saglit para humikab saka muling pinagpatuloy ang pagsasalita, "Masalimuot na pag-ibig, muling uusbong sa ka—"
"Ano iyan?" Putol ko sa kaniya dahil nagsisimula nang marindi ang tenga ko.
Humalakhak naman si Brandon nang hindi siya agad nakasagot. "Itigil mo na nga kase iyan, Kelly. Para kang nagrorosaryo. HAHA!"
Natawa na rin si Drake saka nakipag-apir sa kaniya. Nagtaas lamang ako ng kilay. Mukhang magkasundo sila, ah.
"HAHA~" Panggagaya naman sa kaniya ni Kelly. "Huwag mo nga akong matawa-tawanan dyan e alam mo namang hindi ako nakakatulog nang hindi ko iyon china-chant."
Nagsalubong ang kilay ko.
"Chant iyon? Parang hindi naman ah. Pftt—" Nanunuyang sabat ni Drake habang hindi mabura ang mapaglarong ngiti sa kaniyang mukha.
Dahil sa inis ay napabangon si Kelly saka pinagtuturo ang dalawa. "Alam niyo, anong problema niyo sa aking dalawa ah? Ganiyan na ba kaclose ang unggoy at kabayo ngayon kaya pati ako dinadamay niyo?!"
Kinagat ko ang sariling dila para pigilang matawa. Hindi ko rin maintindihan kung bakit palagi na lang na nag-aasaran ang mga nakakasama ko. Ganiyan lang ba sila kapag kasama ako o sadyang topakin lang talaga sila?
Bigla ko tuloy naalala sina Jeanna at Noema. Mga baliw din ang mga iyon eh.
"What do you mean hindi ka nakakatulog kapag hindi mo iyon binibigkas?" Singit ko para matapos na ang bangayan nilang tatlo. Ngumuso siya saka bumalik sa pagkakahiga.
"I don't know," kibit-balikat na aniya, "Eversince bata pa lang ako ay iyon na ang nakagawian ko."
"Where did you learn that?" Usisa kong muli.
Napaisip siya't napakunot ang noo na mukhang ngayon lang iyon dumako sa isipan niya. "Oo nga, nuh? That's weird. Saan ko iyon natutunan? Imposibleng kay Ama iyon dahil palagi naman siyang wala."
Naningkit ang mga mata ko. Hindi na ulit nagsalita pa ang mga kasamahan ko dahil mukhang dinalaw na rin sila ng antok. Bumaling ako patalikod sa apoy na unti-unti na ring nauupos habang papalalim ang gabi.
As I try to recall the poem again, for a moment, I feel like I've already heard it somewhere before.
.....
Kinabukasan ay mabilis kaming kumilos para muling ipagpatuloy ang paglalakbay namin.
"Wala na bang ibang paraan para maiwasan natin ang mga halamang may lason sa Valley of Regret?" Bigla ay tanong ni Brandon.
Napatingin naman ako kay Drake na tila napaisip. "Spill it." Utos ko nang mapansing nagdadalawang-isip pa siya kung sasabihin niya o hindi.
"Ayon sa pagkakatanda ko ay may dalawa pang ibang paraan," panimula niya. "Dahil napapalibutan ang lambak ng bundok ay pwede tayong dumaan sa mga lumang minahan o sa mga kwebang ginawa na noon ng mga naunang naglakbay para kumuha ng moonflowers para marating agad ang gitna."
BINABASA MO ANG
YRRIAFADIA : A World of Wizards
Fantasy[ON HIATUS]"Does it really take to lose your memories to forget who you really are?" Ten years ago, the Great War happened which almost led to the destruction of the Magic World. It threatened not only the lives and peace of the people but also the...