"Moonflower Quest?" Alanganin kong sambit saka napahawak sa alahas na nasa leeg ko. For a moment, naalala ko si Emeline.
"Pamilyar ka naman sa moonflower diba?" Tumango ako.
"It's one of the rarest flowers in the magic world. Marami ang naghahanap dahil sa kakayahan nitong manggamot ng mga malulubhang sakit pero iilan lamang ang nagtatagumpay na makakuha nito." Salaysay ni Miss Lydia habang nakahalukipkip na nakasandal sa pisara. Si Miss Plume naman ay umupo sa isa sa mga upuan na nasa harapan ko.
"Good luck on your journey with your team."
"Team? Para saan pa if I could do it myself alone."
"When did you become so cocky?" Napairap ako sa sinabi ni Miss Plume. Natawa na lamang siya sa natanggap na sagot mula sa akin.
"Well, missions are done in teams, Vynette." Turan naman ni Miss Lydia. "Don't worry 'cause you'll only have two teammates."
"Kelly and Brandon?" Tanong ko kahit alam ko na ang sagot. Napabuga ako sa hangin. Mukhang wala na akong mairarason para tumanggi.
"You've met them already?" Nasisiyahang ani ni Miss Plume. "Sa wakas naman ay may kilala ka na rito kahit papaano. Sobrang antisocial mo eversince lumipat ka rito. Imbes na makipagkaibigan ay madalas ko pang naririnig na napapaaway ka."
"Kung sa Axial Royal Academy noon ay suki ka ng Infirmary, ngayon namang nandito ka sa Majica Academe ay sa guidance ang palaging bagsak mo." Dagdag pa niya. Natawa na rin si Miss Lydia habang hindi ko naman mapigilan ang sariling mapangiwi.
Kasalanan ko bang nagkalat pala ang mga bully sa eskwelahang ito? Hindi ko na nga sila pinapansin, mas lalo pa silang nagpapapansin. Naiintindihan kong maraming nagkakainteres sa kung sino ako dahil bago ako sa kanilang paningin pero ang apihin ako't tawagin ng kung anu-anong mga salita ay sumusobra na.
I don't have anyone else here other than myself. Wala na si Emeline para ipagtanggol ako. Wala rin rito sina Noema, Jeanna, at Neon para kampihan ako at mas lalong wala rito ang Royals at si Ron para iligtas ako.
Napayuko ako't nakagat ang pang-ibabang labi. I realized na masyado pala akong naging dependent kay Emeline noon. Naiintindihan ko na kung ano ang ikinaiinis nina Alexa at Genevieve sa akin. Wala akong tiwala sa sarili ko which is a major factor why I am so weak.
Now that I've learned how to control my exousia properly, I'm starting to gain my confidence. One thing that I've learned in my stay here is to be independent enough to protect and stand up for myself.
Nang makabalik ako sa silid ko sa dorm ay inihanda ko na ang mga gamit ko para sa paglalakbay namin bukas. As if I have a choice. Ayoko rin namang biguin sina Miss Plume at Miss Lydia.
Habang naghahalughog ng mga gagamitin ay hindi ko sinasadyang mahalungkat ang isang pamilyar na lumang kwaderno. Napatitig ako roon. It's Taia's diary.
Ilang panahon na rin ang nakalipas magmula noong huli kong mabasa ang kwadernong iyon at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha ang ibig sabihin ni Mang Erlyn tungkol rito. Ang sabi niya'y kakailanganin ko ito, pero para saan? at kailan?
Nang buklatin ko ang kwaderno ay agad namang sumalubong sa akin ang mga gintong letrang sumisimbolo sa kaniyang mga karanasan sa paglalakbay sa iba't ibang panahon at iba't ibang dimensyon.
Ilang beses kong nabasa ang pangalan ni Morphine sa kaniyang mga engkwentro sa mga lugar na binanggit niya at hindi ko maiwasang magtaka kung bakit ganun na lang ang paghanga ni Taia sa babaeng iyon.
Lumalalim na ang gabi at alam kong dapat ay natutulog na ako ngayon pero nagpatuloy pa rin ako sa pagbabasa.
Wala sa sarili kong pinadaan ang aking daliri sa napansing ilang mga punit na pahina na tila sinadyang gawin iyon para hindi na muling mabasa. Halos nasa gitna na ako ng laman ng notebook pero wala akong nakitang sagot ni isa sa mga katanungang naglalaro sa isipan ko.
BINABASA MO ANG
YRRIAFADIA : A World of Wizards
Fantasi[ON HIATUS]"Does it really take to lose your memories to forget who you really are?" Ten years ago, the Great War happened which almost led to the destruction of the Magic World. It threatened not only the lives and peace of the people but also the...
