4 ~ Encounter

120 6 0
                                        

"Empress..."

H-huh?!

"Empress..."

"Empress, we'll wait for you."

Hindi ko maiwasang kumunot ang noo ko nang may marinig akong mga boses. Mga boses na sobrang pamilyar sa akin ngunit hindi ko maalala kung saan ko narinig. Pilit kong hinagilap ang mga nagmamay-ari niyon ngunit tanging kadiliman ang sumasalubong sa akin.

"If that's what you wish, Master."

Master? Empress? Sino sila? Bakit pakiramdam ko'y para sa akin ang mga salitang yaon? Inilibot kong muli ang aking paningin kahit alam kong ang walang hanggang dilim lang ang makikita ko.

"This is for the best that I can do to protect Yrrafadia."

Yrrafadia? Bakit kailangang protektahan ang kalupaan ng mahika?

Kahit mahirap ay nagawa kong maihakbang ang kanang paa ko nang isang beses nang biglang binalot ng liwanag ang kadiliman sa paligid ko. Nasilaw ako at napapikit.

Nang maimulat kong muli ang aking mga mata'y natagpuan ko na lang ang sariling nakatanaw sa malaking lupa ng Yrrafadia. Kahit iba ang itsura nito sa nakasanayan ko'y alam kong ito nga ang iyon. Nakikilala ko ang mga puno sa paligid nito at ang kakaibang lamig na hatid ng simoy ng hangin na nanggagaling rito.

Sinakop ng aking pandinig ang sigaw ng mga mamamayan, pagsabog, at mga iyak ng mga humihingi ng tulong. Nanlaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang malaking usok na nagmumula sa mga nasusunog na bahayan. Tinutupok ng apoy ang bayan!

May mga mandirigmang nakasuot ng mga kalasag na kulay puti at itim at may hawak na iba't ibang klase ng mga armas. Isang labanan... digmaan...

Sa ere nama'y nakasakay sila sa mga kabayong may malalaking pakpak habang ang iba'y sakay ng mga dragon. Kitang-kita ko kung paano nila gustong patayin ang isa't isa. Nakapinta ang lahat ng iyon sa kanilang mga mukha.

Napahakbang ako paatras.

"I-ito a-ang... H-hindi maaari—" Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko.

"Are you sure about your decision, Master?"

"We have no other choice, Guardians. This is the only way to save the land of magic."

Nilingon ko ang pinanggalingan ng mga boses na iyon. Nakita ko ang isang babaeng nakasuot ng isang kumikinang na kulay-puting kasuotan na may mga palamuting ginto. Sinasayaw ng hangin ang kaniyang kulay rosas na buhok at sa hindi malamang dahilan, nakaramdam ako ng kakaiba. Nostalgia?

Pinapalibutan siya ng apat na mandirigma na pare-parehong nakasuot ng armor. Dalawa ang lalake at dalawa ang babae. Lahat sila'y nakatalikod sa direksyon ko at tinatanaw rin nila ang lupaing unti-unti nang nasisira.

Ang kulay kahel na langit dala ng papalubog na araw ay nagdala ng mas lalong kalungkutan sa aking sistema. Pinilig ko ang ulo ko para masulyapan ang tila diyosang babaeng nasa harapan ko ngunit agad ding napaatras nang biglang lumiwanag ang kaniyang kasuotan at napalitan ng isang kalasag.

Nabahala ako nang maramdaman ko ang kakaibang aura na bumabalot sa kanila. Ramdam ko kung gaano sila kalakas.Ramdam ko ang nag-uumapaw na kapangyarihang nagmumula sa kanila. Who are they? Sila ba ang may pakana sa kaguluhang ito?

Unti-unti na ring nilamon ng dilim ang aking paligid at nang maimulat kong muli ang mga mata'y nasa isang pamilyar na silid na ako.

Panaginip?

Napahawak ako sa ulo ko. Imposible. Bakit sobrang linaw na aakalain mong totoo?

"Vynette!" Tiningnan ko si Emeline na nakaupo sa gilid ng kama ko. "Mabuti naman at gising ka na!"

YRRIAFADIA : A World of WizardsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon