Chapter 22 - Who's Aria?

3.9K 62 37
                                    

"Puntahan ko muna si kath. Ang tagal nya ata."sabi ni Katsumi kay Julia.

"Go. At sana... di na kayo bumalik." pahina ng pahinang sagot ni Julia sabay irap. Umalis si katsumi at dumerecho sa 2nd floor kung nasaan ang CR.

"Kath..." mahinang sabi niya. Napalingon at nagulat ako ng makita ko si Katsumi. Lumayo agad ako at umalis sa pagkakayakap ni Dj.

"Bumaba na lang kayo pagkatapos para matapos na tayong kumain." seryosong sabi ni katsumi sabay alis. Hinabol ko sya at hinawakan sa braso.

"Kats, saglit lang." sabi ko. Inalis ni Katsumi ang pagkakahawak ko. At saka umalis.

"Ikaw kase eh! Ikaw may kasalanan nito!" naaasar na sabi ko kay Dj na sumisipol sipol pa.

"Anong kasalanan ko sa'yo? Niyakap lang naman kita! Kasalanan ko bang makita nya? sabi ni Dj.

"Ayun na nga e! payakap yakap ka pa kase!" inis na sabi ko sabay irap.

"Kunwari ka pa ginusto mo din naman." sabi ni DJ sabay ngiti.

"Wow naman. Ang hangin, sobra." sagot ko. Nilapit ni Dj ang mukha nya sa kin.

"Gusto mo kiss naman?" nakangising sabi ni Dj. Bahagya kong tinulak ang mukha nya papalayo sa kin.

"Tse! Bumaba na nga tayo!" sabi ko sabay alis. Ngumiti lang si Dj at saka sumunod para bumalik sa table.

"Ehem. Bakit kayo magkasama?" mataray na tanong ni Julia. Walang sumagot sa ming dalawa. Umupo na ulit kami at nagsimulang kumain. Walang kumikibo, walang nag-uusap. Hindi din ako pinapansin, ni tinitignan ni katsumi.

Pagkalipas ng ilang minuto ay natapos na din kaming kumain.

"Una na kame ah. May pupuntahan pa pala kame ni Dj." pagpapaalam ni Julia. Hinawakan nya ang kamay ni Dj at pasimpleng umirap sa kin saka sila umalis.

"Hmm. Kats." sabi ko. Di pa din ako pinapansin ni Katsumi. Tumayo sya at lumabas sa restaurant. Sumunod ako sa kanya.

"Teka lang kats! Hayaan mo naman ako mag-explain." sabi ko sabay hawak sa braso nya.

Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon