Chapter 12 - Broken-hearted.

4.2K 63 22
                                    

Medyo tinanghali na kong nakapasok sa ospital kinabukasan. Pagpasok ko sa kwarto ni Dj ay nagtatanghalian sya.

"Wow. ang aga mo ah!" sarcastic na sabi ni Dj habang kumakain.

"Sorry kung ngayon lang ako nakapasok. Medyo hindi kasi maganda pakiramdam ko ngayon, siguro napagod ako kahapon." sabi ko sabay upo sa upuan sa tabi ng kama ni Dj.

"Napagod saan? Napagod sa date nyo ng 'BABE' mo?" sabi ni Dj sabay padabog na lapag ng kutsara at tinidor sa plato. Umirap lang ako. Masama talaga ang pakiramdam ko ngayon kaya ayokong makipagsagutan.

"O bakit di ka makasagot ha? Saan ba kayo nagdate at pagod ka ata?" pang-iinis ni Dj. Tumingin ako ng masama sa kanya.

"SPG ba ang ginawa nyo ng 'BABE' mo kaya di mo makwento?" dagdag pa ni Dj. Pumikit ako saglit at bumuntong hininga.

"Pwede bang itigil mo na yang pagiisip mo ng madumi dyan! Tska ano bang pakealam mo kung saan o ano pa ang ginawa namen. Bat di na lang yang Julia mo intindihin mo." pikon kong sagot. Biglang ngumiti si Dj.

"Tsk tsk. Nagseselos ka kay Julia noh! Aminin mo na! Alam ba ni Kats yan ha?" nakangising pang-aasar ni Dj.

"HA?! Ako nagseselos? Ang kapal naman talaga." sagot ko. Sabay irap.

*Kring kring* -JULIA CALLING

"Oops! Teka lang ha. Si 'Julia' kasi tumatawag." nakangising sabi ni Dj sabay sagot ng phone. Umirap ako. Nakakagigil na talaga!

"Ah. Pupunta ka na dito? Ok sige. aantayin kita. Bye." malakas na sabi ni Dj na parang binobroadcast.

"Pupunta na daw si Julia. Namimiss na ata ako." nakangiting sabi ni Dj habang inaayos ang buhok.

"Edi pumunta sya." pikon kong sagot. Ngumiti ng pang-asar si Dj.

Ilang minuto lang ay dumating na si Julia.

"Hi Dj... o Kath, you're here na. Buti di ka na day-off." sabi ni Julia sabay upo sa tabi ng kama.

"Nag-date sila ni Katsumi kahapon. Tignan mo may hang-over pa." nakangiting pang-aasar ni Dj.

"Oh is that true Kath? Nice. Tayo kaya Dj noh, kelan makakapagdate?" pa-sweet na tanong ni Julia.

"Once na makalabas na ko dito, magdadate tayo." nakangiting sagot ni Dj sabay tingin sa kin. Wala kong reaksyon. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang nagpapasweet-an sa isa't isa. 

"Excuse me lang ah, labas lang ako." mahinang sabi ko.

"Wag kang umalis. Kakapasok mo pa nga lang. Tska hindi mo naman siguro minamasama na magkasama kami ni Julia." nakangising sabi ni Dj na halatang nanadya.

"Oo naman syempre. Sige, dito na lang ako pero makikinig ako ng mp3 para naman makapag-usap kayo." sabi ko na may pekeng ngiti. Nilabas ko ang mp3 ko at saka nagheadset pero sa totoo, wala naman akong pinapatugtog.

"By the way Dj. San naman tayo magdadate pag labas mo?" tanong ni Julia.

"Hmm. Siguro sa beach. Gusto ko sa lugar na tahimik. yung tipong tunog lang ng alon yung maririnig." sagot ni Dj.

"Beach. Naalala ko dati ng tanungin ko din nun si Dj at hanggang ngayon yun pa din ang gusto nyang puntahang lugar. Walang nagbago maliban sa isang bagay - na hindi na ako ang babaeng gusto nyang isama sa lugar na yun."sabi ko sa sarili ko.

"Aww. that's so romantic! I'm gonna shop for the perfect clothes to wear. Ano ba gusto mo Dj? Shorts? Pants? Skirts?" nakangiting sabi ni Julia.

"Dress. Gusto ko pag naka-dress ang babae." seryosong sagot ni Dj.

"Dress. Nasabi na sa kin yun ni Dj dati. Maganda at para daw masarap alagaan at alalayan ang mga babaeng palaging naka-dress. Walang nagbago maliban sa isang bagay - na hindi na ako ang babaeng gusto nyang magsuot nun." sabi ko sa sarili.

"You like girls who wear dresses pala. Ok noted." nakangiting sabi ni Julia. Tumahimik si Dj na parang may malalim na iniisip.

"Dj? Are you ok? My problem ba?" tanong ni Julia. Umiling si Dj.

"Naisip ko na naman yung babae na palagi kong napapanaginipan. Naka-dress din sya nun. Mahaba ang buhok. Balingkinitan ang katawan. Napaisip ako... sino kaya ang babaeng yun? Sino kaya sya sa buhay ko?" seryosong sabi ni Dj habang nakatingin kay Julia. Naramdaman nyo na ba na parang pinipisil ang puso nyo? yung halos di kayo makahinga. Ganon ang nararamdaman ko ngayon.

"Malay mo, it's me." nakangiting sagot ni Julia. Tumayo ako, tinanggal ang headset ko at tahimik na lumabas sa kwarto. Ayoko ng makarinig pa ng isang salita sa kanilang dalawa.

"Yo." matipid na tawag ni Katsumi habang papalapit sa kin.

"Kats! Bakit nandito ka?" mahinang tanong ko. Hindi ako tumitingin sa kanya dahil ayaw kong makita nyang naiiyak ako.

"Naramdaman kong di ka ok kaya nandito ko. May problema ba kath? Parang namumutla ka." sabi ni Katsumi. Umiling ako.

"Kats, pwede ba tayong pumunta ulit dun sa restaurant? parang gusto kong ikaen ng ikaen tong nararamdaman ko." mahinang sabi ko sabay punas sa nangingilid na luha ko.

"Kung yan ang makakagaan sa loob mo. Gusto mo ako na kumuha ng bag mo sa loob?" tanong ni katsumi. Umiiling ako at bumalik sa kwarto ni Dj. Pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko si Julia na nakayakap kay Dj.

Unti-unting umikot ang paningin ko. Humina ang pandinig ko. Para akong lumulutang. Wala akong ibang malinaw na makita kundi sila Dj at Julia. Dahan-dahang nagdilim ang paningin ko at bumagsak sa sahig.

"Oh my gosh! Kath! What happened to you? Help!" sigaw ni Julia.

"Kath? Ok ka lang ba? Kath? Kath!" sabi ni Dj habang hinahawakan ang braso ko.

Narinig kong bumukas ang pinto at naramdaman ko na may bumuhat sa kin.

"Ako na bahala sa kanya." boses ni Katsumi. Buhat nya ko, lumabas kami sa kwarto at tuluyan ng nagblangko ang paningin at pandinig ko.

Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon