Chapter 18 - Revealed Identity.

4.2K 55 28
                                    

*KATH POV*

Ilang oras ay inilabas na din si Katsumi sa ER at dinala sa room 104. Sabi ng mommy ni Kats ay mamayang hapon pa daw siya makakapunta kaya kami nalang muna nila Seth, Lester at Jc ang nagbantay sa kanya. Nagkekwentuhan kaming apat ng mapansin ni Seth na nagising na si Katsumi.

"Yo! Good morning!" active na bati ni Seth. Bahagyang ngumiti si Katsumi. Lumapit si Lester sa kanya at pabirong pinitik ang noo nito.

"Para yan sa pagpapaalala sa ming lahat. Saka na yung suntok pag magaling ka na." nakangiting sabi ni Lester. Bahagyang itinaas ni Katsumi ang kaliwang kamay nya at saka nag-aprub sign.

"Challenge accepted p're." matipid na sabi ni Katsumi. Biglang nabaling ang tingin nya sa kin pero inalis din nya kaagad.

"Ehem, ehem. Seth, Lester! Tara muna sa canteen! Balita ko may magandang mga nurse dung nakatambay." nakangiting sabi ni Jc sabay patagong kindat sa kin.

"Ayos! Mahilig ako sa nurse! Hahaha!" tumatawang sabi ni Seth. Binatukan ni Lester.

"Aray pare ha! Si Kats din naman mahilig sa nurse ah! Sa nagpapanggap na nurse nga lang." nakangising pang-aasar ni Seth. Ilang sandali lang ay umalis na din silang tatlo. Naiwan kame ni Katsumi ng solo.

"Beep..beep." sabi ko habang imaginary na inaayos ang anthena sa ulo ko.

"Ano yan?" matipid na tanong ni Katsumi.

"Inaayos ko ang "Katsumi's Radar" ko para next time di na madelay ng tunog. Para malaman ko agad na may masamang mangyayari sayo." sagot ko. Ngumiti si Katsumi. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi ng kama.

"Sobra akong nag-alala sa'yo. Alam mo ba yun?" sabi ko sabay hawak sa kamay nya. Bahagya syang ngumiti.

"Wala sa king mangyayaring masama. Pano na lang kita poprotektahan... Kaninong payat na braso ka na lang sasandal pag naiiyak ka. Di pwedeng mawala ako." sabi nya. Ngumiti ako at lalong hinigpitan ang hawak sa kamay nya.

"Pwede bang kiligin?" nakangiting sabi ko.

"Hmm. Pag-iisipan ko pa." matipid at seryosong sagot ni Katsumi sabay irap. pabiro ko syang kinurot sa pisngi at saka kami napatawa.

"Si Dj.. kamusta?" biglang tanong nya. Natigilan ako, inalis ko ang hawak ko sa kamay nya at umayos ng pagkakaupo. Iniisip ko na pag sinabi ko kay Katsumi ang last chance na ginawa ko para maalala ako ulit ni Dj sa kabila ng lahat, alam kong masasaktan ko sya lalo na ngayon na sinabi nyang gusto nya ko... Ayokong saktan si Katsumi.

Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon