Chapter 26 - Manhid

4.1K 68 50
                                    

Walang tao sa bahay pagkauwi ko. Pumasok sa siguro si mommy sa trabaho. Pumanik ako at nagkulong ako sa kwarto. Hindi ko alam kung ano ba ang tawag sa nararamdaman ko ngayon. Naiinis ako kay Dj sa mga nasabi nya pero ang totoo, mas naiinis ako sa sarili ko dahil nasasaktan ako sa pag-alis ni Katsumi.

*ding dong* Ayokong bumaba para tignan kung sino sya. *ding dong* AYOKONG BUMABA. *ding dong ding dong ding dong* Ok fine! Bababa na!

Inis na bumaba ako at binuksan ang gate. Laking gulat ko ng makita ko si Dj sa labas. Sinara ko ang gate pero inipit nya ang kamay nya.

"Umalis ka na nga! Shoo! Shoo!" sabi ko sabay sara ng gate. Pero binuksan nya ulit at siningit ang ulo nya.

"Kath naman! Sorry na! Kausapin mo naman ako! 5 minutes!" sabi nya. Bigla kong binuksan ang gate kaya halos masubsob sya. Nakakatawa ang mukha nya. Hahaha! Bahagya akong natawa pero pinigilan ko.

"Ehem. Ano ba yung sasabihin mo?" sabi ko habang pigil na pigil ang tawa. Pumasok sya sa gate habang inaayos ang t-shirt nya.

"Nasabi ko na kanina." matipid na sabi nya.

"Sinabi na?" sabi ko. Tumingin sya sakin ng masama.

"Nananadya ka ba? Nagbibingihan? Di ba nagsorry na ko kanina? O ayun na. Sorry! Di ko sinasadya na sabihin yun." sabi ni Dj na hindi makatingin sa kin. Napangiti ako dahil mataas ang pride ni DJ at eto sya ngayon na nagsosorry.

"Ok na yun. Di naman ako masyadong nabadtrip sa sinabi mo e sa mukha mo talaga ko nainis." nangingiting sabi ko.

"Wow ha! WOW! Etong mukha to? Kinakainisan? Sus! Kunwari ka pa. Sa sobrang gwapo ko nga e sinampal mo ko. Tignan mo oh! Ang pula." sabi nya sabay turo sa namumula nyang pisngi.

"Sorry nga din pala. Nabwisit lang talaga ko sa mukha mo e kaya nasampal ko." nakangiti kong sabi.

"Hindi ko tatanggapin ang sorry mo. Sumama ka sa kin." maangas na sabi nya sabay hawak sa kamay ko.

"Ang kapal ha! Ikaw pa talaga ang ayaw magpatawad! Kung gusto mo e pantayin na lang naten!" sabi ko sabay irap. Ngumiti lang si DJ at saka tumayo. Hatak-hatak ang kamay ko.

"Hoy payatot! Bitiwan mo nga ko! San ba tayo pupunta?" sabi ko. Di sya kumikibo si DJ at nagpatuloy lang sa paglakad.

Napapalayo na ang paglalakad namen. Hawak-hawak nya ako kaya wala akong magawa kundi sundan sya.

"Hoy Dj! Dj! Dj! Kanina pa tayo lumalakad! San ba talaga tayo pupunta?" sigaw ko. Tumigil sa paglalakad si Dj at tumingin sa kin.

"Di ko alam. San mo ba gusto?" matipid na sabi nya.

"HA?! Ibig sabihin trip mo lang akong kaladkalarin ng walang patutunguhan? Umuwi na tayo. Yun ang gusto ko." inis na sabi ko. Biglang kinurot ni Dj ang pisngi ko.

"Ang laki pala talaga ng pisngi mo noh? Monay na monay lalo na pag naiinis ka!" nakangising sabi nya. Hinampas ko ang braso nya sa pagkabwisit. Aalis na sana ako pero bigla nya akong hinila papalakad ulit.

Pumunta kame sa may bakanteng lote sa likod ng plaza. Maaliwalas at mahangin sa lugar. Umupo kame sa damuhan.

"Bakit mo ba ko dinala dito?" sabi ko habang nakatingin sa langit.

"Gusto kita pasayahin." matipid na sabi ni Dj. Napatingin ako sa kanya.

"Ahh.. ang ibig sabihin ko. Alam kong miss mo na agad si Katsumi kaya eto, binabalik ko sya sayo." sabi nya sabay talikod. Pagharap nya ay sinisingkit nya ang mga mata nya at kunwaring nagigitara.

"Na miss mo ba ko Kath?" sabi nya habang ginagaya pa ang boses ni Katsumi. Natawa ako.

"Hindi ganyan! Mas singkit pa sya! Ganito oh! Tapos madalas ukelele lang ang gamit nya! Kaya maliit lang." nakangiting sabi ko habang sinisingkit din ang mata ko at ginagaya ang pagtutog nya sa ukelele.

Biglang umayos si Dj. Tinigil ang panggagaya kay Katsumi.

"Bili lang ako ng ice cream." matipid na sabi ni Dj sabay tayo. Nagbago bigla ang mood nya. Pagbalik nya ay inabot nya sakin ang chocolate ice cream.

"Ube flavor ang pinakagusto ko sa ice cream." sabi ni Dj sabay dila sa ice cream nya.

"Ahh. Magkaiba pala kayo ni Katsumi, sya naman ayaw nya ng ube. Gusto nya cheese flavor. Parang daga lang." natatawang sabi ko sabay dila sa ice cream ko. Natahimik kameng dalawa kaya nagsalita ulit ako.

"Kamusta na pala kayo ni Julia? Di ko na ata sya nakikita masyado?" tanong ko.

"Ok lang naman. Palagi nga yung nakadikit sa kin. Minsan tuloy naiinis ako." nakakunot noong sagot ni Dj.

"Alam mo ba, di magaan ang loob ni Katsumi kay Julia kase daw medyo maarte. Hahaha. Nako, ang daldal ko." natatawang sabi ko habang kunwaring zizipper ang bibig ko. Tumigil sa pagkain ng ice cream si DJ at saka tumingin sa kin.

"Far-sighted ka ba?" tanong ni Dj.

"Teka lang ha! Pick-up ba yan? Sus! Dapat galingan mo ha! Magaling si kats dyan. Sige bakit?" sagot ko.

"Di ko na pala itatanong dahil far-sighted ka talaga kase kung saan-saan ka pa tumitingin eh nandito lang naman ako sa tabi mo." mahinang sabi ni Dj sabay tayo at lakad papalayo. Tumayo ako at sinundan sya.

"Hoy Dj! Ano ba? Saan ka pupunta? Aalis ka na?"tanong ko sabay hawak sa braso ni Dj. Tumigil sya sa paglakad at tumingin sa kin.

"Oo aalis na ko! Wala ka namang bukambibig kundi Katsumi, kats, mga hilig ni katsumi. Lahat na lang katsumi! Sigurado akong kanina pa nun nakakagat dila nya!"maangas na sabi ni DJ.

"Ok nga yun e para malaman nya na may nakakaalala sa kanya." sagot ko. Dumerecho sa paglakad papalayo si Dj.

"Hoy Dj! teka nga lang! Dinala dala mo ko dito tapos iiwan mo ko?!" sigaw ko sabay habol kay Dj. Tumigil ulit sya sa paglakad pero di na sya humarap sa kin.

"Alam di ko alam kung manhid ka o nananadya e. Sa tingin mo ba susundan kita sa pagwawalkout mo, ibababa ang pride para mag-sorry, mag-eeffort na bilihan ka ng ice cream, na patawanin ka para lang sa wala? Hindi ako stuffed toy Kath, na paglalabasan mo ng pagkamiss mo kay Katsumi. Hindi ako stuffed toy na walang damdamin." seryosong sabi ni Dj sabay alis.

"Teka nga lang Dj! Bakit ka ba nagagalit dyan? Wag mong sabihin na nagseselos ka?" sabi ko habang hinahabol si Dj. Tumigil si Dj at saka humarap sa akin.

"Tanong ba yun? Sa tingin mo ba maiinis ako ng ganito dahil wala lang? Trip trip lang? Syempre NAGSESELOS AKO!" sabi ni Dj. Tumalikod ulit sya at saka nagpatuloy lumakad.

"DJ!!!!!! hoy teka!! Di kita magets!" sigaw ko.

"Tanungin mo yang kapatid mong bato!!!" sigaw ni Dj. Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang pag-alis ni Dj.

Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon