Chapter 31 - Glimpse of his past.

3.9K 80 40
                                    

*DJ POV*

"Kats! Welcome back. Namiss kita." mahinang sabi ni Kath sabay yakap kay katsumi. Bigla syang napatingin sa akin. Inalis ko ang tingin ko at umalis.Nakatingin lang sya at saka umalis.

"Dj! San ka pupunta?" sabi ni lester. Di ako sumagot at nagpatuloy sa paglakad papaalis. Hinabol ako ni Kath.

"Hoy Dj. Aalis ka na ba? Kumain muna tayo tska kakadating lang ni Kats." sabi nya. Nainis ako sa mga sinabi niya. Humarap ako sa kanya.

"Mukhang makakaistorbo lang ako dito. Tska Kats! P're! Welcome back! Masaya ko na bumalik ka na. Masayang masaya ko." sabi ko. Pinilit kong ngumiti.

"Dj!" sumigaw si Kath. Di ako humarap sa kanya. Buong akala ko hahabulin nya ako pero hindi.. Syempre si katsumi na yun e, sino ba naman ako?

"Dj! Saglit lang!" sigaw ni Jc. Tumigil ako sa paglalakad at humarap.

"Pwede naman nateng pag-usapan yan p're." sabi ni Jc. Pumunta kami sa isang bakanteng waiting shed at saka umupo.

"Umalis ka ba dahil nagseselos ka?" tanong ni Jc.

"Oo. Alam mo brad. Sa maniwala ko o hindi, hindi ko din alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko." seryosong sagot ko. Tinapik ni Jc ang balikat ko.

"Dahil ba yan sa mga nalimutan mo?" sabi ni Jc.

"Hindi ko alam. Siguro, pwede, oo." matipid na sagot ko. Bumuntong hininga si Jc at saka nagsalita.

"Kung sasabihin ko bang mahalaga si kath sa dating dj... maniniwala ka? Aalalahanin mo ba sya?" mahinang sabi ni Jc. Napatingin ako sa kanya.

"Anong ibig sabihin mo Jc?" naka-kunot noong tanong ko.

"Hypothetical question. Kunwari si Kath ay isang mahalagang babae dati sa buhay mo pero dahil sa amnesia mong yan, di mo sya maalala. Pag nalaman mo ba yun ngayon sa tingin mo may magbabago?" seryosong tanong ni Jc. Tumingin ako sa langit at saka saglit na pumikit.

"Alam mo p're. Sa totoo lang... Naiisip ko ang bagay na yan. Pero sa tuwing nagfflash sa isip ko ang isang babae na may kasamang lalake sa park. Isang scenario na alam kong totoong nangyare dati. Hinihiling ko na hindi si Kath ang babaeng yun." sabi ko.

Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon