Ilang minuto ay bumaba na din kami ni Katsumi sa rooftop at ngayon ay nasa tapat kami na pinto sa kwarto ni Dj.
"Kath, siguro mas mabuti sa ngayon kung aalis na muna ko. Kilala ko si Dj, kapag napikon sya sayo. wag ka munang magpakita." seryosong sabi ni Katsumi.
"Sige. Tawagan na lang kita mamaya pag nakauwi na ko. Ingat." sagot ko. Umalis si katsumi kasabay ng paglabas ni Julia sa kwarto.
"Oh Julia! Aaalis ka na?" tanong ko.
"Di ba obvious? Pinainit kasi nung 'boyfriend' mo yung ulo ni Dj kaya eto ayaw nya ng may kasama. So if I were you, you better go home as well." mataray na sagot ni Julia.
"Hindi ako pwedeng umuwi. FYI. Personal nurse nya ako. So paano ba yan, ingat na lang sa pag-uwi." sagot ko na may sarcastic na ngiti.
"Whatever. Just take care of 'my' Dj." sagot ni Julia sabay alis.
" 'my' Dj?! Mukha mo noh."naiinis na sabi ko. Bumuntong hininga ako at saka binuksan ang pinto.
"Ehem ehem ehem." pagpapansin ko. Umupo mula sa pagkakahiga si Dj.
"O bakit nandito ka pa? Di ba ulit kayo magyayakapan ng Katsumi mo?" maangas na sabi ni Dj habang nakakunot ang noo.
"Ha? Anong sinasabi mo dyan?" sagot ko sabay upo sa tabi ng kama ni Dj.
"Nakita ko kayong magkayakap sa rooftop. Tapos kanina naman magkalapit mukha nyo, ano na susunod nyong gagawin ha?" mas maangas na sabi ni Dj sabay irap sa kin.
"Ang dumi mo ding mag-isip eh noh! Tska teka nga! bakit ka ba dyan nagagalit?" naiinis na tanong ko.
"Di ko alam. Basta! Nakakabwisit. Di ko maintindihan." sagot nya sabay tingin ng masama sa kin. Umirap lang ako.
"Kayo na ba ni Katsumi?" seryosong tanong ni Dj. Bigla kong naalala yung sabi ni Katsumi tungkol sa nararamdamang selos ni Dj.
"Eh ano naman kung kami na? Ano naman sa'yo?" sagot ko.
"Edi kayo na nga! Easy-to get!" pasigaw na sabi ni Dj
"Hoy! Sumosobra ka na ha! Hindi ako easy-to-get! Tska hindi naman talaga kame ni Katsumi! Sadyang madumi lang yang utak mo!" pasigaw ko ding sagot. Nakakapikon!
"Ibig sabihin di mo sya gusto?" biglang huminahon si Dj.
"Kaibigan ko lang sya. Tuwing may problema ako. O kaya malungkot, lagi syang nandyan para sa kin. Tska nalimutan mo din ba na mabuti syang kaibigan sayo. Kaya kung may madudumi ka pang iniisip dyan e mabuti ng alisin mo." sagot ko. Biglang ngumiti si Dj.
"Ano nginingiti mo dyan? Para kang baliw. Dapat ata sa mental ka naka-confine e." sani ko sabay irap. Pumitas si Dj ng isang bulaklak sa vase at inabot sa kin.
"O peace offering sa pagsabi ko ng easy-to-get ka." matipid na sabi nya habang inaabot ang isang bulaklak. Kinuha ko ang bulaklak at tinago sa bulsa ko. Kinikilig ako!
"Nood pa tayo ng ibang movies na dala mo. Gusto kita ulit makitang umiiyak dahil sa isang movie." nakangising sabi ni Dj. Ibang-iba sa badtrip na mood nya kanina.
Di namin namalayan ang oras sa panonood. Ibang-iba si Dj ngayon. Parang bumalik yung Dj dati. Masaya at masigla. Tumatawa at minsan kinakausap nya ko sa pinapanood namen. Kung ang buhay movie lang, kanina ko pa to i-pinause para tumagal ang masayang oras namin ni Dj.
Ilang sandali ay kumatok ang isang nurse dala-dala ang dinner ni Dj. Dun ko lang narealized na gabi na pala at oras na para umuwi.
"Ah. Dj, after mo dyan kumaen at uminom ng gamot. Uuwi na ko. Gabi na pala, kailangan ko ng umuwi." sabi ko. Biglang hinawakan ni Dj ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya at nakatingin din sya sa kin.
"Wag kang umalis. Samahan mo muna ko dito... Kath." seryosong sabi ni Dj sa kin.
"Pero kasi.." aalisin ko sana ang kamay ko pero mas hinigpitan ni Dj ang paghawak.
"Di ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko. Kaya habang di ko pa maintindihan kung ano to.. Dito ka muna kath." sabi ni Dj habang hawak ang kamay ng babaeng nalimutan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/2452684-288-k886043.jpg)
BINABASA MO ANG
Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |
FanfictionHow far would you go, to remember the one from long ago? "Did you FORGET everything i'll always REMEMBER?" </3 A story about love, memories, mysteries and second chances. *Soft copies available* (see writer's profile for the instructions)