Chapter 3 - Nurse Chandria.

5.1K 66 13
                                    

Alas sais pa lang ng umaga ng sinundo ako ni Katsumi sa bahay gamit ang black sports car niya. Nakasuot na ako ng uniform na ibinigay sa kin ni Jc kahapon. Maayos na nakapusod ang mahabang buhok ko na may white cap na pang nurse.

"Bagay sa'yo." matipid na sabi ni katsumi habang nagdidrive

"Thanks." nahihiya kong sagot habang nilalaro-laro ulit ang bracelet sa kaliwang kamay ko.

"Nararamdaman ko na maaalala ka na ni Dj." sabi ni katsumi na derecho ang tingin sa dinadrive.

"Sana nga." matipid na sagot ko na may ngiti.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa ospital. Iniliko at pinarada ni Katsumi ang kotse sa bandang gilid.

"Eto na. Baba na dyan Kath, este nurse Chandria. Puntahan mo na si Dj." nakangiting sabi ni Katsumi

"Kinakabahan pa din ako. Paano ako papasok..." sabi ko na may pagbuntong hininga sabay tingin sa labas ng bintana ng kotse.

"Pano papasok? Basta ipakita mo lang yung ginawang pass ni Jc sa guard." sagot ni katsumi

"Hindi yun. Iniisip ko kung paano ako papasok sa kwarto ni Dj na ganito yung sitwasyon, na isa akong nurse na kunwari hindi alam kung sino ba yung nalimutan niya pero hindi ko alam kung magagawa ko ba yun ng maayos. Kats, alam ko na ginagawa naten to para tulungan si Dj na maalala yung dapat niyang maalala pero hindi ko masiguro kung kaya ko bang magpanggap ng ganito." sabi ko habang hindi pa din inaalis ang tingin sa labas ng bintana

"Magiging maayos ang lahat. Magtiwala ka lang sa sarili mo, at pati na din kay Dj." sagot ni katsumi sabay tanggal sa seatbelt ko.

Ang lapit ng mukha niya sa kin. Lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko namumula ako na halatang halata dahil sa puting puti kong damit. Kaya dali-dali akong bumaba sa kotse, nagpaalam at pumasok na sa loob ng hospital.

"Hoo. *hawak sa dibdib* kinabahan ako dun ah. Okay. Inhale, exhale. Kath, mas kakabahan ka sa gagawin mo ngayon pero dapat kang maalala ni Dj. Okay. Fight." bulong ko sa sarili ko habang papalakad papunta sa kwarto ni Dj.

*tok tok* walang sumagot. *tok tok* wala pa din. Tulog pa siguro si Dj. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok.

"good morning." halos pabulong kong bati. Tama nga, tulog na tulog pa si Dj. Kaya umupo muna ako sa tabi ng kama at pinagmasdan siya.

"Hoy. Dj. hoy hoy. Alalahanin mo na ko oh. Nakakainis ka naman e." binubulong ko sa kanya. Pagkatapos ng ilang minuto ay unti-unti ng dumilat ang mga mata niya. kaya inilayo ko agad ang mukha ko.

"Aahhh. Sir, Sir Dj. Good morning po." kinakabahang bati ko sabay tayo sa upuan

Nag-unat si Dj. Kinuskos ang mga mata at tinignan ako ng maigi.

"Ikaw yung babae kahapon di ba? Ano na naman ginagawa mo dito?" maangas at garalgal na tanong niya

"Ah. Ano po kasi... ahh. ano..." nauutal at kinakabahan ako.

"ANO?!" pasigaw niyang tanong.

"Nurse niyo po ako. Personal nurse. I'm sorry sa mga nasabi ko kahapon. kasi, kasi.." mas nauutal at kinakabahan ako ngayon.

"KASI ANO?!" pasigaw niya ulit na tanong.

"Nabigla lang ako na hindi niyo ko maalala kahapon. Kasi po, bago kayo maaksidente nagkita na tayo kaya nagulat ako na hindi niyo ko maalala pero pinaliwanag naman ni doc sa kin na may selective amnesia kayo tska siguro din po kahit naman wala kayong selective amnesia, hindi niyo pa din ako matatandaan." sagot ko na medyo maayos na.

"Kilala kita? tska ikaw ang personal nurse ko? Girlfriend ka ba ni kats? O ni Seth? Lester? Jc?" sunod sunod na tanong niya.

"Tulad po ng sabi ko kanina, nagkakilala tayo dati pero saglit lang yun. Tama po, ako na ang magiging personal nurse nyo ngayon at sa tanong na girlfriend ako nila Katsumi, Seth, Lester o Jc. Hindi ang sagot ko." sagot ko na hindi makatingin sa mga mata ni Dj.

"Ayoko sayo." matigas na sabi ni Dj sabay hagis sa kin ng unan. Sakto sa mukha ko ang unan kahit na malambot parang nasaktan pa din ako. siguro dahil nagulat ako sa ginawa niya.

"bakit mo ko binato?" naiinis na tanong ko.

"Kasi gusto ko. Umalis ka nga dito. Ayoko na ikaw ang personal nurse ko. Alis." maangas na sagot ni Dj sabay tagilid sa kama.

Lumabas ako sa kwarto na inis na inis ng bigla akong mabangga.

"Sorry po, sorry. Di ko sinasadya."

"Ok lang yun. Di naman ako nasaktan. Ikaw? Ok ka lang ba?" mahinhing tanong ng babae. Tumingin ako sa kanya at para akong nakakita ng isang dyosa. Ang ganda niya.

"Ah. Ok lang ako." sagot ko habang pinagmamasdan ang mukha niya

"Ok kung ganun. Sige, i'll go. Ingat sa susunod." sabi niya habang nakangiti at saka sya umalis.

"Wow! Ang ganda ganda niya. Para siyang anghel na bumaba dito sa hospital na to. Ano kayang pangalan niya? Bakit kaya sya nandito?" tinatanong ko ang sarili ko.

Pumunta ako sa vending machine at bumili ng coke in can. Umupo ako sa katabing upuan at saka ininom ang coke.

"Yo." matipid na bati ni Katsumi sabay tabi sa upuan ko.

"Ah. Yo. Di ka pa pala umuuwi?" tanong ko.

"*iling* Bakit nandito ka? Di ba dapat binabantayan mo yung pasyente mo?" tanong niya.

"Ayaw nya daw sakin. Alam mo, nabibwisit na talaga ko sa Dj na yan! Inuubos niya ang maliit na pasensya ko." nanggigil na sagot ko.

"Hahahaha. Ibig sabihin ba nyan sumusuko ka na?" natatawang tanong ni Katsumi.

"Gusto ko na nga e." sagot ko sabay irap

"Ikaw si kath. At ang kilala kong kath, di basta basta sumusuko. Lalo na si Dj ang usapan." sagot ni Katsumi na nakatingin sakin.

"Salamat. Tama ka, bawal sumuko. Kakasimula pa lang ng laban." sagot ko sabay ngiti. Nag-aprub sign si katsumi at ngumiting pabalik.

"O sige. Babalik na ko dun. Pupuntahan ko na ulit ang pasyente ko. bbye." sabi ko sabay alis at punta sa kwarto ni Dj.

*tok tok*

"Kamusta na po ang pakiramdam niyo?" tanong ko habang binubuksan ang kurtina ng bintana.

"Ikaw na naman?! Di ba sabi ko na sayo, ayaw kong ikaw ang nurse ko." maangas na sagot ni Dj.

Tinignan ko sya ng masama. Huminga ng malalim. Pumikit ng saglit.

"Pwes, wala po kayong magagawa. Ako ang personal nurse niyo. At ako ang mag-aalaga sa inyo hanggang nandito kayo sa hospital. kaya kung ayaw niyo na kong maging nurse nyo edi magpagaling na kayo. Nagkakaintindihan ba tayo?" matigas na sabi ko. nanggigigil talaga ko sa mokong na to.

Tumagilid siya sa kama at tinalukbong ang unan sa mukha niya. Hindi ko talaga magets kung bakit to iritang irita sa kin. Nako. Kung alam lang nya ang mga nalimutan niya.

"Good boy. Dadalahan na kita ng pagkain dito." sabi ko na may kasamang ngiti.

"Hoy. Ano bang pangalan mo?" bigla siyang tumawag at inalis ang unan sa mukha niya.

"Ako? Ah. Chandria. Ako si Nurse Chandria." sagot ko habang nakatingin sa mga mata niya.

"Chandria? Pamilyar na pangalan. pero di ko gusto, ang panget." maangas na sagot niya sabay talukbong ulit ng unan sa mukha.

 Ngumiti lang ako sa sinabi niya at saka lumabas ng kwarto para ikuha siya ng makakain.

Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon