Chapter 37 - A love worth remembering.

4K 67 11
  • Dedicated kay readers!
                                    

*KATH POV*

"Tita karla.." sabi ni Lester sabay yakap kay Tita. Sumunod na ding lumapit sina Seth at Jc.

"Everything will be fine. Nangyare na to dati di ba? Makakaya ulit yan ni Dj!" nakangiting sabi ni Lester. Ngumiti ng bahagya si Tita at saka umupo.

Pumunta ako sa cafeteria ng ospital. Ayokong umiyak ulit, ayoko ng masaktan...

"Kath." lumingon ako at nakita si katsumi.

"Ah kats. Ikaw pala yan." matipid na sabi ko. Lumapit sya at umupo sa harap ng lamesa kung san ako nakaupo.

"Anong nararamdaman mo ngayon Kath?" tanong ni Katsumi. Bahagya akong ngumiti at nilaro laro ang bracelet na suot ko.

"Ok lang. Wala naman akong dahilan para malungkot." sabi ko. Hinawakan ni Katsumi ang kamay ko pero inilayo ko agad.

"Di ko kailangan malungkot... dahil maaalala nya ko Kats. Naniniwala ako." sabi ko. Bahagyang tinapik ni Katsumi ang ulo ko. At saka ngumiti.

Ilang sandali lang ay nagmamadaling pumunta si Seth papalapit sa min.

"Kath! Nagising na si Dj!" hinihingal na sabi ni Seth. Nanlaki ang mata ko sa marinig ako at saka nagmadaling pumunta sa kwarto ni Dj.

May mga konting gasgas siya sa mukha, sugat sa braso at binti pero sa tingin ko ay hindi naman gaanong malala ang natamo nya sa aksidente.

"Dj." nakangiting sabi ko. Lumapit ako sa kanya at hinaplos ng banayad ang ulo nya.

"Pinag-alala mo ako ng sobra." sabi ko. Kumunot ang noo nya.

"Ha? Sino ka?" kunot-noong sabi nya. Nagkatinginan sina Seth, Lester, Jc at Katsumi.

"Dj, seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo?" tanong ni Seth. Kumunot lalo ang noo ni Dj at saka pumikit.

Bumalik ba ang oras? Ni-rewind ba ang buhay ko? Bakit ganito? Ang daming tanong sa isip ko pero sa kabila ng daan-daang tanong sa isip ko, isa lang ang malinaw sa akin ng minutong ito... MAHAL KO SI DJ AT HINDI AKO SUSUKO SA KANYA.

Nilapitan ako nila Katsumi, Jc, Seth at Lester. Tumingin ako sa kanila at saka ngumiti with aprub sign pa. Lumabas kaming lima sa kwarto at pumunta sa rooftop.

"Kath.." pagsisimula ni Jc pero bago pa nya ipagpatuloy ay nagsalita ako.

"Mahal ko si Dj kaya hindi ako agad-agad susuko. May naisip na kong paraan pero kakailanganin ko ng tulong nyo." nakangiting sabi ko.

"Kath, naiintindihan kita pero baka masaktan ka lang ulit." sabi ni Seth sabay tapik sa balikat ko.

"Ok lang na masaktan ako ulit, ulit, ulit ng paulit ulit... para kay Dj. Handa akong kalabanin yang pesteng amnesia na yan para sa kanya." sabi ko sabay punas sa namumuong luha sa mata ko. Nagtinginan silang apat at saka umupo para makinig sa plano ko.

"Ipapaalala ko sa kanya ang lahat. Mga bagay na impossibleng manakaw ng amnesia sa ming dalawa. " panimula ko, kasunod ko ng sinabi ang mga detalye ng gagawin namin.

"Sigurado ka ba dyan Kath?" tanong ni Jc. Tumungo ako.

"Operation, remember Kath part two!" sigaw ni Lester.

"Go!" nakangiting sagot ni Seth.

"Magiging maayos ang lahat." mahinang sabi sa kin ni Katsumi. Tumingin ako sa langit, bumuntong hininga at saka ngumiti.

***

Kinabukasan ay handa na ang lahat sa plano namin. Ayos na ang parke kung saan namin sya dadalhin. Ayos na din sa doctor nya na ilabas sya saglit.

Naka-white dress ako na iniregalo nya sa kin dati. Nakakalat sa lugar ang mga pictures naming dalawa kasama ng mga petals ng bulaklak. 

Susunduin nila Seth, Lester at Jc si Dj samantalang kami naman ni Katsumi ang magkasama sa parke.

"Kath, nagtext si Seth. Malapit na daw sila nila Dj." sabi ni Katsumi. Bigla akong nakaramdam ng kaba pero pinilit kong ngumiti kay katsumi.

"Kats, I'm sorry." bigla kong nasabi. Tumingin sa kin si Katsumi.

"Para san?" matipid na tanong nya. Lumapit ako at inikot ang kamay ko sa braso nya.

"Kung nasaktan kita. Sa lahat ng ginawa at sinabi mo, ang tigas pa din ng ulo ko. Nagpapaka-masokista pa din ako para kay Dj." sabi ko. 

"Siguro kahit kelan, hindi ko magagawang magalit sa isang taong handang ipaglaban ang taong mahal nya. Maswerte si Dj sayo Kath. Maswerte sya na may taong handang ipaglaban sya hanggang sa huli. Isang taong handang masaktan ng paulit ulit para sa kanya." sagot ni Katsumi. Bahagya kong sinandal ang ulo ko sa balikat ni Katsumi.

"Masaya ako na masaya ka Kath. Kuntento ako na masaya ka pero higit sa lahat, masaya ako na nagmamahal ka ng totoo." sabi ni Katsumi. Yayakapin ko sana sya pero lumayo sya sa akin.

"Baka makita tayo ni Dj, maulit na naman ang aksidente for the 3rd time." nangingiting sabi ni Katsumi. Pabiro ko syang kinurot sa pisngi at saka ngumiti pabalik sa kanya.

Bahagya akong tinapik ni Katsumi at sumenyas na papalapit na sina Dj.

"Nagkaka-amnesia ang utak pero hindi ang puso. Kaya mo yan Kath, nandito lang kame." mahinang sabi ni Katsumi. Iniwan nya ako sa kinatatayuan ko at lumapit kina Seth.

"Ano ba to mga pre?" tanong ni Dj. Walang sumasagot sa kanya. Napatingin sya sa mga pictures na nakakalat. Pumulot sya ng isa at isa pa. 

Bumungad sa kanya ang mga larawan naming dalawa.

"Paano nga kaya nagagawang malimutan ng isang tao ang mga alaala na palagi kong natatandaan?"

"Isang amnesia lang ba ang magpapasuko sa kin para bitawan ko ang pagmamahal ko para sa kanya?"

Tumingin sa kin si Dj. Naglakad sya ng dahan-dahan papalapit sa kinatatayuan ko.

"O isa pa ulit na amnesia para sumuko na ako ngayon? Dj.. Dj...Dj... ikaw ang pang-asar, bully na kakilala ko noon. Naging astig na kaibigan... sweet na manliligaw... maangas pero mapagmahal na lalaking nagpahalaga sa akin ng sobra... Hindi mo ba yun matandaan?" naiiyak na sabi ko.

Nakatayo sa harap ko ngayon si Dj. Nakatingin sya sa mga mata ko na tila ba doon kinukuha ang bawat salitang isasagot nya.

"Mahal kita. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal... Uulit-ulitin ko para di mo yun malimutan." pahina ng pahinang sabi ko habang banayad na tumutulo ang mga luha.

Hinawakan ni Dj ang pisngi ko at saka pinunasan ang mga luha ko. Nakatingin sya sa mga mata ko.

"WALA KONG MATANDAAN. HINDI KO MAALALA.. pero alam ko... alam ko na mahal din kita. Meron sa puso ko, meron dito *points to the chest* sa kinailaliman nito na nagsasabing mas mahal kita, pinakamamahal kita." sabi ni Dj. Di ko napigilan ang mga luha ko. Niyakap ko sya ng napakahigpit.

"Yo!" sabay-sabay na sabi nila Jc, Lester, Seth at Katsumi habang papalapit sa ming dalawa.

"Ok na ba?" tanong ni Seth na walang tunog. Ngumiti ako sa kanya at saka ng disapprove sign. Lumapit si katsumi sa ming dalawa.

"Dj meet kath. Kath meet Dj." natatawang sabi ni Katsumi.

Hinila ako ni Dj papalapit sa kanya at saka niyakap ulit.

"Kilala sya ng puso ko. Kilalang kilala." sabi ni Dj sabay halik sa noo ko.

Sa minutong iyon, hindi na mahalaga kung hindi nya lubusang maaalala ang lahat, sapat na sa akin ang malaman at maramdaman na kahit anong mangyari, ilang amnesia pa ang tumama o ilang pagbaliktad pa ng mundo ang maganap... MANANATILI AKO SA PUSO NI DJ. ♥

Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon