*KATH POV*
Dere-derecho kami ni Katsumi sa kotse nya. Walang nagsasalita, walang umiimik. Binitawan ni Katsumi ang kamay ko at saka sya nag-drive.
"Kats... I'm sorry." mahinang sabi ko. Hindi kumibo si katsumi, ni hindi nya ako tinignan.
"Kats, galit ka ba sa kin?" tanong ko. Hindi pa din ako pinapansin ni Katsumi. Nagsimulang mag-ipon ng luha ang mga mata ko.
"Uy. Wag ka ng magalit sa kin. Kausapin mo naman." naiiyak na sabi ko. Tinigil ni Katsumi ang kotse at pinark sa tabi. Tumingin sya sa kin.
Blanko ang ekspresyon ng mukha nya. My dugo sa labi nya. Pupunasan ko sana ang dugo pero nilayo nya ang mukha nya sa kin.
"Hanggang kelan mo ba balak saktan ang sarili mo Kath?" sabi ni Katsumi.
"Kats.."
"Hindi ka na nya naaalala. At kung maalala ka nya, iba na ang sitwasyon. Meron na syang Julia. Kailangan ko bang ulit-ulitin yun para matauhan ka Kath?" dagdag pa ni Katsumi.
"Pero-"
"Nandito naman ako para sayo di ba? Gamitin mo ko. Gamitin mo ko para malimutan si Dj. Ok lang naman sakin yun e." sabi ni Katsumi.
"Hindi ako manggagamit ng tao para malimutan ang isang tao." matipid na sabi ko. Biglang natawa si katsumi. Tawang nakakainsulto.
"Bakit Katsumi? Ganun ba yung ginawa mo? Gumamit ka ng iba para makalimutan ang mahal mo? Ginamit mo lang ba ko Kats?" sabi ko. Tumingin si Katsumi sa kin pero wala syang nasabi.
"Ano sumagot ka Kats... Ginamit mo lang ba ko para maging panakip butas ha?" tanong ko. Tumingin sya sa labas ng bintana at saka nagsalita.
"Gusto kita Kath. Bago ka pa magustuhan ni Dj, ako ang unang nagkagusto sayo pero ayokong masaktan si Dj at... at iniisip ko... iniisip ko na masasaktan si Aria pag nalaman nya na my gusto akong iba. Nakakatawa di ba?" sagot ni Katsumi sabay ngiti. Nakatingin lang ako sa kanya.
"Ihahatid na kita pauwi." sabi ni Katsumi sabay drive ng kotse. Walang nagsasalita sa ming dalawa. Ilang minuto pa ay nakarating na din kami sa bahay. Nauna syang bumaba, binuksan ang pinto ng kotse at saka ako hinatid sa gate namin.
"Sorry Kath kanina kung nagalit ako. Alam mo namang ayoko lang na nasasaktan ka." sabi ni Katsumi. Ngumiti ako sa kanya at saka sya niyakap.
"Thank you..." bulong ko. Hinalikan nya ang noo ko at saka ako tinapik sa ulo tulad ng lagi nyang ginagawa. Ngumiti sya at saka umalis.
Pagpasok ko sa bahay ay nagulat ako na nandoon na si Jc. Nalimutan ko na magkikita nga pala kaming dalawa.
"Hi! Pinapasok na ko ni manang dito sa loob. Inaantay kita." nakangiting bati ni Jc.
"Nakasama pala namen ni Kats sina Dj at Julia kanina." sabi ko sabay upo sa tabi nya.
"Actually, tungkol nga sa inyong apat ang gusto ko sanang pag-usapan."sabi ni Jc. Tumingin ako kay Jc na para bang nagsasabi na simulan na nya ang sasabihin nya.
"Dj remembers you. He remembers you completely, Kath. Hindi nya maalala ang mukha mo pero nararamdaman nya ang lahat ng tungkol sa'yo... tungkol sa inyo."
"Jc, di ko maintindihan. Anong naaalala? Pano nangyari yun." naguguluhang tanong ko. Lumapit si jc sa akin at saka ako tinapik sa likod.
"Kath, nakausap ko si Dj dati. Nasabi nya ang mga bagay na naaalala nya, mga bagay na nangyare bago sya maaksidente. Alam kong di sa kin to dapat manggaling pero Kath, sa nakikita ko sa nangyayare sa inyo nila Dj at Kats. Sa tingin ko kailangan ko ng makisali." sabi ni Jc.
BINABASA MO ANG
Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |
FanfictionHow far would you go, to remember the one from long ago? "Did you FORGET everything i'll always REMEMBER?" </3 A story about love, memories, mysteries and second chances. *Soft copies available* (see writer's profile for the instructions)