*KATH POV*
Pagkatapos ko mahimasmasan na sa pag-iyak ay pinakwento sakin nila JC ang lahat ng nangyare.
"ANO?! teka lang ha? Pwede makapagmura?! TSK! Ang labo naman nun!" inis na sabi ni Seth.
"Ibig sabihin kinuha ni Julia yung credit sa ginawa mo? Tapos ngayon pinaniwala nya si Dj na sya yung nakalimutan nya dati? Unfair yun Kath!" inis ding sabi ni Lester.
"Di lang unfair! Sobrang unfair! Ahhhh! Pupuntahan ko sila ngayon!" pasigaw na sabi ni Seth sabay tayo pero hinila ko ang kamay nya para tumigil.
"Wag na Seth. Hindi naman to tungkol kay Julia o kung sino pang babae. Iniisip ko kase yung promise ni Dj dati na kahit pagbaliktarin mo pa ang mundo, ako pa din ang mamahalin nya. Kaya naisip ko na kahit siguro kahit ilang amnesia pa yan, hindi nya ko magagawang malimutan. Ang assumera ko di ba?" sabi ko habang pumapatak na naman ang luha pero may pekeng ngiti.
"Pero di na uso ang martyr ngayon." sabi ni Seth sabay kamot sa ulo. Tinapik ni Jc ang balikat ko.
"You deserve to be happy Kath. Kaya kung ako ang tatanungin, tama ng kalimutan si Dj." sabi ni Jc.
"Pero--" aangal pa sana si Seth ng biglang magsalita si Katsumi.
"Mahirap mag-hintay. Isipin mo kung hanggang kelan o gaanong katagal. Uupo ka at maghihintay sa pagbabalik ng alaala nya ng walang kasiguraduhan." seryosong sabi ni Katsumi sabay tingin sa kin.
"Di ko sinasabing isuko mo si Dj dahil gusto kita o para magkaroon ako ng pag-asa sayo pero gusto kong isuko mo na si Dj dahil nasasaktan ka na. Tama si Jc, you also deserve to be happy. At ayun din ang gusto kong makita... Ang maging masaya ka." sabi ni Katsumi. Bahagya akong ngumiti at tumungo.
"Salamat sa inyong lahat." sabi ko. Tumayo si Seth at niyakap ako.
"Hoy." matipid na sabi ni Katsumi. Inalis ni Seth ang pagkayakap sa kin.
"Ikaw lang pwede yumakap kay Kath, ganon? Kadamutan?" seryosong sabi ni Seth. Bigla kaming nagtawanang apat.
"Ay oo nga pala, tinext ako ni Tita Karla. Sabi nya e may welcome party daw bukas para sa kanya at sa pag-uwe na din ni Dj. Join ba kayo?" sabi ni Lester.
"Join ako. Tutal sabi naman ni doc, bukas ng umaga makakauwi na ko." sabi ni Katsumi.
"Siguro, hindi na muna ko pupunta. Mas makakabuti yun para sa kin, para sa lahat." nakangiting sabi ko.
Pagkadating ng mommy ni Katsumi ay umuwi na din kame sa ospital. Ang bilis lumipas ng oras. Natulog ako ng may bigat sa damdamin at nagising na may pagasang malilimutan ko ang lahat ng sakit.
*KATSUMI POV*
Kinaumagahan ay pinayagan na din akong umuwi ni doc. Nung bandang hapon ay sinundo na ko nila Jc para pumunta sa welcoming/recovery party para kina Tita Karla at Dj.
"Long time no see mga iho! Ang gagwapo nyo ata lalo ha! May mga lucky girls na siguro!" masayang bati sa min ni Tita Karla sabay beso-beso sa ming apat. Lumapit si Dj sa min kasama si Julia.
"Mga kumag, buti nakadating kayo." bati ni Dj. Tinapik ko ang balikat ni Dj at saka ngumiti. Ngumiti din pabalik si Dj.
"Walang makakasira sa parking five." nakangiting dagdag ni JC.
"So touching! Hello guys!" sabat ni Julia. Tumingin ako sa kanya. Naiirita ako sa inaasal nya ngayon na parang wala lang nangyare.
"Balita ko, natandaan ka na pala ni Dj. Pero bakit kaya ganon, di kita matandaang kakilala namen." seryosong sabi ko. Natahimik si Julia.
"Ah.. excuse me lang Dj. Nauuhaw ako. Kuha lang ako ng drinks." sabi ni Julia sabay alis. Halatang guilty.
"mga p're, teka lang ah. Puntahan ko lang si mama." sabi ni Dj sabay alis. Umupo din muna kame sa upuan sa garden.
"Long time no see guys." napalingon kameng apat. Nagulat ako sa nakita ko.
"Aria??? Long time no see! Bakit nandito ka? Kelan ka pa umuwi ng Pinas?" tanong ni Seth sabay yakap kay Aria.
"Kahapon lang. It's good to see you all." nakangiting sabi nya. Tumingin sya sa kin at lumapit.
"I miss you Kats. How are you?" tanong nya sabay halik sa pisngi ko.
"Anong ginagawa mo dito?" seryoso kong sabi.
"To see you all. Do you missed me? I really missed you alam mo ba yun? And it hurts to see how cold you are to me. Kaya ka ba ganya dahil galit ka pa din sa kin?" tanong nya. Tumayo ako.
"Hindi ako galit. At matagal na panahon na din yun, wala na kong matandaan." seryosong sabi ko sabay alis. Sinundan ako ni Jc.
"Kats! Teka lang!" tawag ni Jc. Tumigil ako sa paglalakad ko.
"Aalis na ko p're. Pasabi na lang kay Dj." matipid na sabi ko. Hinawakan ni Jc ang balikat ko.
"Kailangan nyong mag-usap ni Aria." sabi ni Jc.
"Wala na kameng dapat pag-usapan. Ayoko kong makipagusap sa multo ng nakaraan." seryoso at matigas na sabi ko sabay alis.
![](https://img.wattpad.com/cover/2452684-288-k886043.jpg)
BINABASA MO ANG
Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |
FanfictionHow far would you go, to remember the one from long ago? "Did you FORGET everything i'll always REMEMBER?" </3 A story about love, memories, mysteries and second chances. *Soft copies available* (see writer's profile for the instructions)