*KATH POV*
*ding dong* Binuksan ko ang gate at nakita si Dj na may dala-dala pang isang bouquet ng bulaklak.
"Oh. Ang aga mo ata. Bakit ka nandito?" tanong ko.
"Napadaan lang." nakangising sabi nya. Tinuro ko gamit ang nguso ang bulaklak.
"Napadaan na may ganyan?" tanong ko.
"Hahaha! Pinitas ko lang dyan sa tabi-tabi! Oh eto baka gusto mo!" natatawang sabi nya sabay abot sa kin ng bulaklak.
"Wow. Napipitas na pala ang bouquet ngayon. Pero thank you na din. Di ba magagalit si Julia nito?" tanong ko. Exaggerated na umiling si Dj.
"Tss. Di noh! Papasukin mo naman ako. Nagugutom ako." maangas na sabi nya. Pumayag ako at pinapasok sya sa bahay. Pinaupo ko muna sya sa sala at saka ako kumuha ng makakain sa kusina.
"Alam mo Kath! Sobrang pamilyar nitong bahay nyo!" sabi ni Dj.
"Pamilyar to syempre, lagi ka kayang nandito dati." mahinang sabi ko.
"Anong sabi mo?" sabi nya. Lumingon ako at nagulat na nakasunod pala sya sakin.
"Ha? Wala ah! Wala kaya akong sinasabi! Hahaha." nauutal at kinakabahan kong sagot. Pumunta kaming dalawa sa kusina.
"Wala mommy mo? Wala ka kasama dito?" tanong nya sabay upo sa dining table.
"3 days syang sa Singapore tapos si Manang naman umuwi sa kanila kasi may sakit yung apo nya kaya eto ako ngayon mag-isa dito." sagot ko habang naggagawa ng sandwich at hot chocolate.
Dinala ko sa dining table ang sandwich at teapot na may hot chocolate. At nagsimulang kumain si Dj. Kumain din ako ng sandwich.
"Tsk tsk. Delikadong mag-isa. Mabuti pa na samahan na lang kita dito!" biglang sabi ni Dj. Nasamid ako sa sinabi niya.
"Anong samahan?! *cough* baliw ka ba? *cough*" nasasamid kong sabi. Inabot ko ang hot chocolate at saka uminom. Napaso ako sa sobrang init
.
"Ahh. arayyy! ang init!" sigaw ko. Tumawa ng malakas si Dj.
"Hahahaha! Kaya ng hot chocolate di ba? Masiba ka kase! Yan!" tumatawang sabi ni Dj.
"Layas! Kapal ng mukha nito. Nakikikaen ka na nga lang." inis na sabi ko. Tumawa ulit si DJ at saka ako nilapit at tinapik sa ulo na para akong aso.
"Nakakatuwa ka talaga pag naiinis." nakangiting sabi nya. Inalis ko ang kamay nya sa ulo ko.
"Wag mo nga kong tapikin sa ulo ng ganyan." sabi ko.
"Bakit naman ms. monay?" pang-aasar na tanong nya.
"Naalala ko lang si Katsumi." matipid na sabi ko. Tumayo ako sa upuan at pumunta sa ref para uminom ng tubig. Lumapit sa kin si Dj at hinarap ako sa kanya. Nakatingin sya sa kin ng derecho.
"Pwede bang wag mo na munang isipin si Kats pag ako ang kasama mo. Masakit kath. Nasasaktan ako." mahinang sabi nya sabay upo ulit sa dining table. Bigla akong naguilty sa nasabi ko.
"Ahh. DJ, gusto mong manood ng mga movies?" tanong ko sabay lapit sa kanya. Di nya ko kinibo.
"Uyy. Wag ka ng magtampo dyan. Hurt hurt ka pa. Sige na nood na tayo ng movies tapos kung gusto mo e dito ka pa matulog e." sabi ko habang kinakalabit sya. Bigla syang napangiti.
"Sabi mo yan ha! O tara na! Nood na tayo." hyper na sabi nya sabay kuha ng mga sandwich at punta sa sala.
Ang bilis lumipas ng oras. Nag-movie marathon kami. Nagluto at kumain. Di namin namalayan na gabi na.
*kring kring* tinignan ni Dj ang cp nya at saka tinago ulit. *kring kring*
"Sino ba yung tumatawag at ayaw mong sagutin?" tanong ko.
"Si Julia. Ang kulit. Kapag di ako nakapagtext agad. Galit na galit. Nakakairita." inis na sabi ni Dj. Napangiti ako. Naisip ko dati na kapag di ako nakakareply sa mga text nya sya yung galit na galit sa kin. Ngayon nagkabaliktad ata.
"Ano yang nginingiti ngiti mo dyan ha?" maangas na sabi ni Dj. Inalis ko ang ngiti ko.
"Wala. Iniisip ko lang baka nagaalala sayo si Julia. Gabi na din kasi kaya siguro mabuti pa kung itext mo na sya. Sabihin mo e uuwi ka na." sabi ko.
"Di ba sabi mo mag-oovernight ako dito? Wala ng bawian. Touch move!" sabi ni Dj sabay higa sa sofa.
"Pero-" sabi ko pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nagtakip sya ng tenga.
"Lalalalala! Wala kong naririnig." maingay na sabi nya. Umirap ako at saka pumunta sa kusina para magluto. Ilang sandali lang ay tinawag ko na sya para kumain.
"Wow menudo!" sabi nya. kakain na dapat sya pero hinampas ko ang kamay nya.
"Afritada yan! Nang-iinis ka talaga e noh? Kung gusto mo umorder na lang tayo ng pagkaen naten." mataray na sabi ko sabay irap.
"Wag na. Gusto ko nga tong menudo mo e. Ay este afritada. Tara kaen na tayo honey." nakangising sabi nya. Tinignan ko sya ng masama.
"Honey your face!" mataray na sabi ko. Ngumiti si DJ habang kumakain.
"Honey na tawag naten sa isa't isa. Sa inyo kasi ni Kats, babe di ba? Eww. Baduy! Mas maganda ang honey." pang-inis na sabi nya. Di na ko nakapagsalita. Tinakpan ko ang mukha ko sa pagkainis.
Ilang sandali lang ay natapos na kaming kumain. Nanonood pa kami ng ilang movies. Nang mabaling ang tingin ko sa orasa na 11 pm na. Tumingin ako kay Dj na natutulog na sa sofa.
Nagsimula na akong magsara ng mga pinto. Pagkatapos ay kumuha ako ng comforter at unan para kay Dj. Inangat ko ang ulo nya at nilagay ng unan at saka nilagyan ng sya comforter.
"Ang kulit kulit mo pa din tulad ng dati." sabi ko sa sarili ko habang tinitignan ang mukha ni Dj. Hinaplos ko ang pisngi nya at nagulat ako ng dahan-dahang bumukas ang mata nya. Napalayo ako sa kanya.
"Tinitignan mo ko ha. May pahaplos haplos pa. Uyy. Tsansing!" nakangiting sabi nya. Hinila ko ang unan nya at saka hinampas sa mukha nya.
"Kapal mo! May lamok lang sa pisngi mo. Sa sobrang kapal eh hindi mo na naramdaman. Matulog ka na nga dyan!" sabi ko sabay mabilis na alis.
"Kath! dito ka muna!" sabi nya. Di ko sya nililingon. Dere-derecho ako sa paglakad. Nagulat na lang ako ng bigla nya akong yakapin patalikod.
"Bakit ba pag kasama kita. Kahit na sinusungitan mo ko, kahit na wala tayong gawin, kahit ganito lang... Pakiramdam ko ang saya-saya ko." mahinang sabi ni Dj. Hinarap nya ako sa kanya.
"Sino ka ba talaga Kath? Sino ka ba para sa kin?" sabi nya habang derechong nakatingin sa kin. Nagsimulang mag-ipon ang mata ko ng luha. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon.
Hinawakan nya ang pisngi koa at saka pinunasan ang mga luha ko. Dahan-dahang lumapit ang mukha nya, pumikit ako at saka nya ako hinalikan..
Sa minutong yun.. pakiramdam ko hindi na mahalaga kung hindi nya pa din ako maalala.. Ang alam ko lang, siguro totoo nga ang pinangako nya noon na kahit pagbalik-baliktarin ang mundo, ako pa din ang mamahalin nya. ♥
![](https://img.wattpad.com/cover/2452684-288-k886043.jpg)
BINABASA MO ANG
Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |
FanfictionHow far would you go, to remember the one from long ago? "Did you FORGET everything i'll always REMEMBER?" </3 A story about love, memories, mysteries and second chances. *Soft copies available* (see writer's profile for the instructions)