Hindi na muna kami bumalik ni Katsumi sa kwarto. Umalis na lang kame at nanood ng sine. Tintreat nya ko dahil bukas daw ang simula ng totoong laban para mabalik ako sa alaala ni Dj.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa hospital dala-dala ang isang bag na puno ng mga dvds.
"Goodmorning!" masiglang bati ko pagpasok sa kwarto ni dj.
"Ang aga-aga ang ingay mo. Alam mo yun." sagot ni dj habang nag-uunat
Pumasok ang isa pang nurse tulak-tulak ang tray cart na may breakfast at gamot ni Dj. Agad kong nilagay ang mga pagkaen at gamot sa maliit na push-table sa kama ni Dj. At nagsimula na siyang kumaen.
"Hula ko nababagot ka na dito. Kasi tulog, kain, laro ng psp, nood ng tv, tulog ulit, kaen ulit tapos tulog ulit." sabi ko habang binubuksan ang kurtina.
"Eh ano namang magagawa mo kung nababagot ako?" tanong ni dj habang kumakaen
"Hmm. Meron akong magagawa. Actually, dala ko na nga ang solusyon e!" nakangiting sabi ko.
"HA? Ano na namang kalokohan yan?" tanong ni dj. Kinuha ko ang dala kong bag na puno ng mga dvds.
"Taa-daaaa! Manonood tayo ng mga movies para di ka na mabagot." sabi ko habang nilalabas ang mga cd.
"Ayoko nga. Tska baka naman mga baduy yang dala mo." sagot ni dj habang nakakunot ang noo.
"Hindi ah! magaganda to. Sige na bilisan mo ng kumaen dyan at uminom ka na ng gamot para makapanood na tayo." mas nakangiting sabi ko.
Pagkatapos kumain at uminom ng gamot ni Dj ay sinimulan ko ng buksan ang tv at dvd player.
"Hoy teka! Ano ba yang papanoorin naten?" tanong niya
"Hmm. Oo nga pala, di ka pa nakakapili. O sige, ano ba gusto mo? 'My amnesia girl', 'a moment to remember', 'Spell bound' tapos meron din pala ko ditong cd ng Meteor Garden 2, yung nagka-amnesia si Dao Ming Zi. Ano gusto mo?" tanong ko habang pinapakita ang mga cd
"Nang-aasar ka ba? E bakit puro sa nagka-amnesia yan. Bakit mo sa kin papanood yan?" maangas na tanong ni Dj.
"Eh sino ba may amnesia dito?" sagot ko
"Ah ganon. E kung umalis ka na lang kaya dito?" pikon na sabi ni Dj
"Eto naman! Joke lang! Naisip ko lang naman na ipapanood sayo tong mga ganito. Para relate di ba? Sige na! Wag ka naman dyang Kj. O ano na napili mo?" nakangiting tanong ko
"Yung My amnesia girl na lang. Siguraduhin mong di baduy yan." sabi niya sabay irap sa kin. Ngumiti lang ako. Nilagay ko yung cd ng my amnesia girl sa dvd player at nanoon kame.
Ilang beses ako tumawa sa mga scenes samantalang si Dj e dalawang beses lang ata. Pigil at patago pa! Pagkatapos ng halos 1 hour 30 minutes, natapos na din ang movie.
"Walang kwenta. Nalimutan nya yung girlfriend nya sa ending. Sana tinapos na lang ng direktor na bumalik yung alaala ni John Llyod." sabi ni Dj habang kumakaen ng apple.
"Maaalala niya din naman yun e. Walang dahilan para di bumalik sa alaala nya ang isang taong mahal niya." seryosong sagot ko. Relate na relate!
"Pero pwede ding malimutan niya yun ng tuluyan. Kawawa naman yung babae kung mag-aantay pa sya." sabi ni Dj
"Pero pag-aantay lang yung magagawa nung babae maliban sa pagtitiwala." sagot ko sabay kuha ng isang cd sa bag. Mukhang di effective ang unang plano ko ah para iparealize sa kanya na ako si Toni dun na handang mag-antay para sa kanya.
"Next movie! Eto paborito mo to dati! Avatar!" sabi ko sabay lagay sa dvd player
"Paborito ko dati? Pano mo nalaman?" tanong ni Dj
"Ah.. eh.. Nasabi ni Lester. Tama! Si Lester ang nagsabi. Di mo ba natatandaan?" sagot ko. Umiling lang si Dj.
"Pwes, tandaan mo na yun. Avatar ang favorite movie mo." nakangiting sabi ko sabay play ng movie.
"O eto pa. Ang favorite color mo yellow at black kasi kulay ni batman. Siguro di mo naman nalimutan na favorite mo si batman di ba? Tapos favorite fruit, apple. Pet naman, dogs. Tapos ang favorite tv show mo naman ay.... teka nga, nakikinig ka ba?" tanong ko
"Ang bilis mo kaya. May lakad ka ba?" sagot ni Dj habang nakakunot ang noo. Ngumiti lang ako.
"Sabagay, hindi naman importante tong mga bagay na to. Baka meron pang mas mahalaga, tulad ng tao na kailangan mo ng maalala. Kasi baka nalulungkot na yung taong yun." sagot ko habang derechang nakatingin sa mata ni Dj. Inalis ni Dj ang tingin nya.
"Gusto ko munang magbasa ng katawan. Cr lang ako." sabi nya sabay kuha sa dextrose nya at pasok sa cr. Pagkatapos ng halos 30 mins ay lumabas na si Dj.
"O bakit ka umiiyak dyan?" tanong nya habang binabalik ang dextrose.
"Naiiyak lang ako dahil dito sa avatar." sagot ko habang pinupunasan ang luha ko.
"Di halata na iyakin ka pala. Sa ingay mong yan di ka magkakamalan na ganon." sabi ni Dj habang nakangisi.
"Eh anong gusto mong palabasin dyan ha? Ganito talaga ko sa mga movies. Madali akong maiyak. Wag ka ngang epal dyan!" sagot ko sabay irap. Natahimik si Dj sabay hawak sa ulo nya.
"Dj? May problema ba? Anong masakit sayo? Dito ba? Saan?" tanong ko sabay hawak sa ulo nya.
"Wala. parang narinig ko na yun dati. Isang babae na umiiyak habang nanonood kami ng ganito.. tapos.. tapos.. niyakap ko sya. Ang babaeng yun, di ko makita ang mukha nya." sagot ni dj habang nakapikit.
"Hindi kaya, mahalaga para sa'yo ang babaeng yun?" sabi ko habang pinipigilan ang luha ko. Shocks, naiiyak ako. Eto na ba yun? Maalala na kaya nya ko?
"Hindi ko matandaan. Ang mahabang buhok nya. Ang ngiti nya. Di ko sya makita ng malinaw." sagot ni dj na nakahawak pa din sa ulo nya sabay tingin sa kin.
"Subukan mong maalala ang babaeng yun Dj. Sigurado akong inaantay ka nyang maalala sya ulit." sagot ko na pinipigilan ang luha. Hinawakan ni Dj ang pisngi ko at saka pinunasan ang mga luha. Nakatingin syang maigi sa kin. Pagkatapos ay bigla syang humiga, tumagilid at nagtalukbong ng unan.
"Magpahinga ka na muna Dj. Aalis na muna ako." sagot ko. Pinatay ko ang dvd at saka umalis.
Kinuha ko ang maliit na booklet ko sa bulsa at saka sumulat:
Remember Kath: checklist.
Plan #1 - check.
"Check nga ba talaga? Di nya naman ako naalala, pero kath! Sabi nya di ba, may naalala syang babae. At ikaw yun! Pero sabi nya din hindi nya malinaw na makita, pero hinawakan nya mukha mo tapos ang lagkit nya pang tumingin. Naaalala ka na siguro nya." para kong baliw na kinakausap ang sarili ko. Tinago ko ang booklet sa bulsa ko saka umupo sa hallway. Hinawakan ko ang mukha ko at inalala ang paghawak ni Dj kanina saka ngumiti.
BINABASA MO ANG
Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |
أدب الهواةHow far would you go, to remember the one from long ago? "Did you FORGET everything i'll always REMEMBER?" </3 A story about love, memories, mysteries and second chances. *Soft copies available* (see writer's profile for the instructions)