Chapter 32 - Past vs. Present

3.9K 70 25
                                    

Nang umalis sina Seth, Lester at Katsumi sa bahay ay agad akong humiga sa kama ko. Nakatingin sa blankong kisame. Nag-iisip.

"Totoo ba ang mga sinabi ni Kats? Nasaan na kaya si Dj, ok lang kaya sya? Ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Katsumi? Mahal ko pa din ba si Dj? ahh. ang gulo." sabi ko sabay talukbong sa mukha ng unan.

*ding dong* Napabangon ako sa kama. *ding dong* Sino naman kaya to? *ding dong* Binuksan ko ang gate at laking gulat ko ng makita ko si... JULIA.

"Julia?" nanlaki ang mata ko.

"Yes. Ako nga and I need to talk to you." sabi nya. Pinapasok ko sya sa loob at saka kami umupo sa sofa.

"Ano ba ang pag-uusapan naten?" tanong ko. Hinawi ni Julia ang buhok nya at saka nagsalita.

"Magpapaka-pranka na ko sayo. Gusto kong layuan mo na si Dj. Akala mo ba di ko alam na nung mga nakaraan araw palagi kayong magkasama? So better leave him bitch." mataray na sabi nya. Agad nang-init ang ulo ko sa mga sinabi nya.

"You can go now." sabi ko sabay tayo baka buksan ang pinto. Tumayo sya at saka humarap sa kin.

"two words for you. LEAVE HIM." mas mataray na sabi nya.

"Pano kung sabihin ko ayoko? May magagawa ka ba? Di mo ba naiisip kung bakit sa kin lumalapit si Dj? Di mo ba naiisip na siguro naiinis na sya sayo? Alam mo, maganda ka nga pero di lahat ng lalake magtatagal sayo kase kabaliktaran ng mukha mo yang ugali mo." mataray na sabi ko. Sinampal ako ni Julia.

"MANG-AAGAW! Dj is mine! So better shut your mouth boring, plain girl!" sigaw ni Julia. Sinampal ko din sya.

"MANG-AAGAW?! Sino ba sa tin ang mang-aagaw?! Ninakaw mo ang white dress pati yung mga sulat at pictures di ba?! So sino ngayon sa tin ang mang-aagaw?! AKO ANG BABAENG DI MAALALA NI DJ HINDI IKAW! Ako yun! Ako dapat yang nasa pwesto mo! Pero alam mo nakakatawa kasi akala mo magiging ok na ang lahat pero hindi! Hindi ka pa din magawang mahalin ni Dj!" sigaw ko.

"Oo! Ninakaw ko yun! Pero bakit di mo magawang masabi kay Dj ang totoo? Bakit kaya kath? Dahil ba dun kay Katsumi? Ayaw mong malaman ni Dj ang totoo kase nalilito ka sa kanila ni Katsumi. in simple terms...Malandi ka!" sabi ni Julia. Di ko napigilan ang luha ko dahil sa sobrang galit.

"Umalis ka na." matipid na sabi ko. Lumapit si Julia sa kin at saka itinaas mula sa pagkakayuko ang mukha ko.

Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon