"Kaya ayoko na iniisip mo na di ka mahalaga o si Dj lang ang mahalaga para sakin. Naiinsulto ako kase mahalaga ka, nung malaman ko na naaksidente ka, pakiramdam ko may kung ano sa puso ko. Alam ko nakakalito ang sinasabi kong to... kahit ako naguguluhan." dagdag ko ng hindi makatingin ng derecho kay Katsumi. Pinilit umupo ni katsumi mula sa pagkakahiga.
"Baka lalo kang maguluhan pagkatapos nito..." sabi ni Katsumi at saka ako niyakap ng mahigpit. Nanghina ako habang yakap nya ako. Gusto ko syang yakaping pabalik pero parang kung may ano sa puso ko na sinasabing hindi ko dapat gawin.
Inalis nya ang yakap nya sa kin at hinawakan ang kamay ko.
"Nung sinabi kong gusto kita Kath --" sabi ni Katsumi pero bago nya pa matapos ang sasabihin nya ay nagsalita ako.
"Kats, ayaw kitang mawala. Ayokong may magbago kung ano man tayo dahil dun." nakayukong sabi ko. Di ko sya magawang tignan sa mata dahil ayokong makita syang masaktan. Hinawakan nya ang kaliwang pisngi ko at saka bahagyang ngumiti.
"Di ba sabi ko naman sayo, masaya ako na masaya ka. At hanggang nakikita kitang masaya, magiging kuntento ako. Kath, puntahan mo na si Dj." sabi ni Katsumi.
"Kats..."
"Wag kang bumalik dito ngayong gabi pag naalala ka na ulit ni Dj. Pero kung may hindi naging magandang nangyari... Palagi lang akong nandito. Sige na Kath, puntahan mo na si Dj." sabi ni Katsumi sabay ngiti. Bahagya lang akong ngumiti ng pabalik at saka umalis.
Bumalik sa ospital kung saan naka-confine si Dj dala-dala ang pag-asang maaalala nya ako ulit. Ilang minuto ay nasa tapat na ko ng kwarto ni Dj. Huminga ako ng malalim at saka dahan-dahang binuksan ang pinto pero wala si Dj.
Pumasok ako at saka tinignan ang table kung saan ko nilagay ang dala ko para kay Dj pero wala na ng tignan ko.
"Siguro nakita na nya yun ngayon. Naalala nya na siguro ako." nakangiting sabi ko. Napatingin ako ng pumasok ang isang nurse.
"Ah excuse me, nasan yung patient dito? Si Daniel John Padilla?" tanong ko.
"Nasa rooftop ata sila nung girlfriend nya." sagot ng nurse.
"Teka.. Girlfriend?" nakakunot noong tanong ko. Tumungo lang yung nurse.
"Opo. Bale kakabalik lang dito nung girlfriend nya tapos parang pumunta sila sa rooftop to unwind tutal last day na din sa ospital ng pasyente." sagot ng nurse. Dali-dali akong pumanik sa rooftop. Nagulat ako ng makita ko si Dj at Julia na magkaholding hands.
Dahan-dahan akong lumapit sa couch nila ng makita ko ang suot na dress ni Julia. Nakatingin si Dj kay Julia na parang sya lang ang babae sa mundo, ang mga tingin na sa kin nya lang binibigay noon.
"Dj..." mahinang tawag ko. Tumingin silang dalawa sa kin.
"O Kath! Hi!" nakangiting bati ni Julia. Tumingin ako sa kanya, sa damit na suot nya at sa kamay nya na hawak ni Dj. Binaling ko ang tingin ko kay Dj.
"Hindi mo ba talaga ako maaalala DJ?" matipid na tanong ko. Nakatingin ako ng derecho sa mata nya.
"Kath! Masama sa pasyente na--" sabat ni Julia pero bago nya pa tapusin ang sasabihin nya ay nagsalita ako.
"Manahimik ka, pwede? labas ka dito dahil wala kang kinalaman sa kung anong meron sa min ni Dj." matigas na sabi ko. Natigilan si Julia sa sinabi ko.
"DJ! ANO?! WALA KA NA BA TALAGANG MAAALALA HA?! ANO?!" pasigaw na sabi ko. Tumayo si Dj at saka lumapit sa kin.
"Naaalala ko na ang lahat. Naaalala ko na ang babaeng di ko lubusang maaalala dati.. Siya si Julia." matipid na sabi ni Dj. Hinawakan nya ang kamay ni Julia. Sa minutong iyon, hindi ko na napigilang lumuha at pakawalan ang sakit na kanina ko pa tinatago.
"Wow.. congrats! Naalala mo na pala ang babaeng 'nalimutan' mo. Siguro nga nagbago na ang lahat." nauutal na sabi ko dahil sa pagpigil sa iyak.
"Kung kaibigan mo din ako dati.. walang nagbago, ako pa din yung Dj na yun." matipid na sabi ni Dj.
"Hindi. Siguro nga, kamukha mo yung Dj na kilala ko pero kahit kelan.. hindi sya magiging ikaw. Hindi ikaw yung DJ na yun! Impostor ka lang!" pasigaw na sabi ko sabay iyak.Tumakbo ako pababa sa rooftop. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko.
Pumunta ako sa park at saka umupo para ikalma ang sarili. My dumaang nagtitinda ng lobo kaya bumili ako. Naisip ang dati naming napag-usapan ni katsumi tungkol sa pagkakatulad ng lobo at ni Dj.
"Napakanipis lang pala ng pisi na nagdudugtong sa lobo tulad ng pag-asang maaalala ako ulit ako ni Dj. Napaka-tanga mo Kath para umasa.. Ang tanga tanga mo, alam mo ba yun?" naiiyak na naman ako habang kinakausap ang sarili.
Tumingin ako sa lobo na sumasayaw sa ihip ng hangin at sa pisi na parang nahihirapan sa bawat paggalaw ng lobo dahil sa hampas ng hangin. At saka pinalipad ito. Nakatingin lang ako sa unti-unting pagtaas at paglayo ng lobo. Tulad ng paglayo ni Dj...
Umalis ako sa park at bumalik sa ospital kung saan nakaconfine si Katsumi.
*tok tok* Binuksan ni Jc ang pinto.
"Oh Kath! OK ka lang ba? Bakit parang umiyak ka? May nangyari ba?" tanong ni Jc. Ngumiti lang ako at saka pumasok sa loob.
"Kath, kilala ka namen. Tungkol ba kay Dj?" tanong ni lester. Ngumiti pa din ako.
"Reresbakan na ba namen si DJ? Game oh!" biro pa ni Seth.
"Suko na ko sa kanya. Pero wag kayong mag-alala sa kin. Ok lang ako, promise. Ok na ok lang talaga. Tska masaya naman sya ngayon e, kaya ok na din siguro." umiiyak na ko pero nagpepeke pa din ako ng ngiti.
"Kath." matipid na sabi ni katsumi. Tumingin ako sa kanya at di ko na napigilan ang iyak ko. Lumapit ako sa kanya at saka yumakap. Niyakap nya din ako ng pabalik.
"Pano kita mapapakawalan ng ganito. Palagi ka na lang umiiyak, nasasaktan.. Tama na Kath.. wag ka ng umiyak.." mahinang bulong sa kin ni Katsumi. Sa sandaling yun, gusto kong tumigil ang oras, magtagal ang nararamdaman kong hindi ako nag-iisa, manatili sa puso ko na may nagmamahal sa kin...
BINABASA MO ANG
Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |
FanfictionHow far would you go, to remember the one from long ago? "Did you FORGET everything i'll always REMEMBER?" </3 A story about love, memories, mysteries and second chances. *Soft copies available* (see writer's profile for the instructions)