"Yo."
Napaalis ako sa pagkakahawak ng kamay sa mukha saka tumingin sa tumawag sa kin.
"Ah. Katsumi. Ikaw pala yan. Di kita napansin." nakangiting sagot ko.
"E pano mo naman ako mapapansin, e parang lutang ka dyan. Mukhang masaya ka, may maganda bang nanyare? Naalala ka na ba ni Dj?" tanong ni katsumi sabay tabi kin sa upuan.
"Hmm. Sabihin na lang naten na kung baga sa movie ay nasa "coming soon" section na ko." nakangiting sagot ko na may paghawak pa ng kamay sa mukha na halatang kinikilig.
"Mukhang good news nga. Di ba sabi ko naman sayo kath, magiging ok din ang lahat." sagot ni katsumi sabay ngiti. Bigla kong niyakap si Katsumi.
"Ang saya-saya ko Katsumi. Alam mo ba parang tumatalon ang puso ko nung hinawakan nya ang mukha ko kanina. tapos parang naaalala na nya ang isang babae, di ba kats, ako yung babaeng yun." sabi ko habang nakayakap.
"Ehem. Excuse me love birds." sabi ni Julia. Tinanggal ko ang pagkakayakap kay Katsumi. Namumula ako. Di ko din alam kung bakit ko sya niyakap.
"Ah. kase, may kinekwento lang ako sa kanyang masayang bagay kaya ako napayakap." pag-eexplain ko habang sinusuklay suklay ng kamay ko ang buhok ko.
"Wala yun sakin Chandria. I'm on my way to visit Dj kaya ko lang kayo nakita. Pero, you know. In my personal opinion. I think na bagay kayo." nakangiting sabi ni Julia.
"Opinion not needed." matipid na sagot ni katsumi. Umirap si Julia at tska pumasok sa kwarto ni Dj.
"Ah badtrip naman. Mukang masisira ang plan #2 ko. Tsk." sabi ko sabay kamot sa ulo
"Plan #2? Ano yun?" tanong ni Katsumi. Tumingin ako sa kanya at saka inalis ulit dahil sa pagkailang ko.
"Kath? May problema ba?" tanong ni Katsumi. Ahhh! Di ko alam kung bakit nagpapainosente si katsumi pagkatapos ko syang yakapin.
"Ah eh.. wala. Ano kasi may checklist ako ng mga plan para maalala ako ni Dj. E next plan ko sana na ipaalala sa kanya yung mga expression na palagi kong sinasabi tska yung mga madalas naming nilalaro tska ginagawa. Kaya lang nandyan si Julia kaya siguro icacancel ko muna ngayon yung plan #2 ko." sabi ko habang nilalaro-laro ang bracelet ko.
"ganon ba. bakit mo nga pala ko niyakap kanina?" seryosong tanong ni katsumi.
"Ah kasi, na carried away lang ako ng tuwa ko. Sorry, Di ko sinasadya." sagot ko sabay tingin kay katsumi. Nilapit niya ang mukha nya sa kin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Masaya ako kath, na masaya ka." matipid na sagot ni katsumi sabay ngiti. Sabay hawak sa kamay ko.
"Ehem. excuse me ulit nurse chandria. Nakaistorbo ata ako ulit sa inyong dalawa." nakangiting sabi ni Julia. Lumingon ako sakanya at tska nakita na kasama nya si Dj. Bigla kong nilayo ang mukha ko kay katsumi. Nakita ko na umirap si Dj.
"Babalik na ko sa kwarto ko." matipid na sabi ni Dj. Sabay balik sa kwarto. Sinundan sya agad ni Julia.
"Ano problema nun?" sabi ko.
"Kath. Mukhang may mas effective na plan #2 kesa sa naisip mo." nakangiting sagot ni Katsumi.
"Ha? Pano?" tanong ko. Di sumagot si Katsumi. Hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko saka tumayo para pumunta kami sa loob ng kwarto ni Dj.
"Yo. Dj." bati ni katsumi kay Dj habang hawak pa din ang kamay ko. Pinilit kong alisin ang kamay ko pero ang higpit ng pagkakahawak ni katsumi.
"Ano ginagawa mo dito? Di ko kailangan ng dalaw." maangas na sagot ni Dj.
"Dj? May problema ba? Bakit parang nabadtrip ka bigla?" tanong ni Julia. Umirap lang si Dj.
"Si Chandria naman ang dinadalaw ko dito, hindi naman ikaw." nakangiting sagot ni katsumi. Tumingin ng masama si Dj.
"Ah guys! Why don't we go to the rooftop to unwind. Siguro nasstress ka Dj. Ok?" tanong ni Julia sabay hawak sa braso ni Dj. Ako naman ang tumingin ng masama kay Julia. Peste tong babaeng to, pahawak-hawak pa.
"Ok sa min. Tutal mukhang maaliwalas ang panahon ngayon. Tara na Chandria." sabi ni Katsumi sabay akbay sa kin. Padabog na tumayo si Dj habang nakatingin kay katsumi. Nauna kaming lumabas ni katsumi sa kwarto para pumunta sa rooftop.
"Kats. teka lang. Ano ba to? Bakit parang may kakaibang nangyayare sa'yo?" tanong ko
"Di mo ba napansin kath kung ano yung ichura ni Dj nung nakita nya tayo kanina sa upuan na magkasama? Di ka naman matandaan ni Dj di ba? Pero halatang nagseselos sya. Eto na ang Plan # 2." sagot ni Katsumi. Di ko sigurado kung tama ba tong gagawin namen pero pumayag na din ako.
Ilang minuto lang ay nasa rooftop na kaming apat. Nakatayo kami ni Katsumi samantalang nakaupo naman si Dj at Julia.
"Kats. Kayo na ba ng nurse ko?" seryosong sagot ni Dj.
"Nurse mo? Sa pagkakaalam ko pare hindi sayo si Chandria. pero sa tanong mo, malapit na." sagot ni katsumi sabay tingin kay Dj.
"Di ba Dj, they make a cute couple. Nung una ko pa lang silang nakita alam ko na talagang sila na. Ang swerte mo Chandria, you found your match!" nakangiting sabi ni Julia. Ngumiting peke ako pabalik.
"Ang ganda dito sa rooftop. Look Dj oh. Ang ganda ng langit. Nakakarelax dito." sabi ni Julia sabay kapit sa braso ni Dj at sandal sa balikat nya. Umirap ako.
"Kath. Lika may bubulong ako sayo." sabi ni katsumi sabay hila sa kin papalapit. Tumingin si Dj ng masama.
"Teka. Kath? Akala ko Chandria?" biglang nagtanong si Dj. Hala! Mukhang nadulas si Katsumi sa pagtawag sa kin.
"Kath Chandria ang buong pangalan nya. May problema ba dun pare?" sabi ni katsumi
"Kath? Pamilyar.. Sobrang pamilyar. Narinig ko na yun minsan. Narinig ko na, pero hindi ko maalala kung kelan." sabi ni Dj sabay hawak sa ulo nya.
"Dj, don't force yourself to remember everything. Di makakabuti sayo yun." sabi ni Julia sabay hawak sa pisingi ni Dj. Inalis ni DJ ang hawak ng kamay ni Julia at saka umalis.
"You're causing too much stress on Dj. I don't like you." mataray na sabi ni Julia kay Katsumi. Sabay alis para sundan si Dj. Sinundan ko ng tingin sina Dj at Julia.
"Sorry." matipid na sabi ni katsumi sabay tingin sa langit.
"Wala yun kats. Tska sa tingin ko effective naman yung plano kaya lang hindi ata tama." sagot ko. Nilabas ko ang booklet ko sa bulsa at saka sumulat.
Remember Kath: checklist.
Plan #1 - check.
Plan #2 - x.
"Ok pa din tong record kong to Kats. Wag ka ng malungkot dyan. Ayoko na tahimik ka dyan. Hoy. hoy. hoy." pangungulit ko habang kinakalabit kalabit ang braso nya. Ngumiti si Katsumi at saka ako saglit na niyakap. Nagulat at namula ako.
"Quits na tayo sa biglang pangyayakap." nakangiting sabi ni katsumi. Ngumiti lang ako pabalik.
---
Bumalik si Dj at Julia sa rooftop. Kaya nakita nila ang pagyakap sa kin ni Katsumi. Humigpit ang pagkakahawak ni Dj sa dextrose dahil sa inis. Nakatingin lang sya sa min ni katsumi.
"Dj, are you jealous with them?" mahinang tanong ni Julia.
"Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nasasaktan. Parang may nagsasabi sa kin na dapat kong maramdaman ang ganito. Alam kong may hindi ako maalala na may kinalaman sa nararamdaman kong to. " seryosong sagot ni Dj. Hinawakan ni Julia ang kamay ni Dj.
"Alam kong nababadtrip ka lang sa pang-aasar na ginagawa sa'yo ni Katsumi. Ayun lang yun. Don't force yourself to remember everything. Kasi minsan sa pagaakala naten na yung mga nalimutan nating bagay, napagpapalit naten yung mga yun sa mga mas mahahalagang bagay. Past is past Dj. Don't dwell to much on it. Focus on the present. Focus on me. Okay?" nakangiting sabi ni Julia sabay halik sa pisngi ni Dj.
![](https://img.wattpad.com/cover/2452684-288-k886043.jpg)
BINABASA MO ANG
Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |
FanfictionHow far would you go, to remember the one from long ago? "Did you FORGET everything i'll always REMEMBER?" </3 A story about love, memories, mysteries and second chances. *Soft copies available* (see writer's profile for the instructions)