Tatlong araw na ang nakalipas ng mangyari ang aksidente ni Julia. Binantayan ni Dj si Julia. Hindi nya na ako muling pinuntahan. Tanging sina Jc, Lester at Seth lang ang madalas pumunta sa bahay para kamustahin ako. Si Katsumi naman ay madalas lang tumatawag sa kin, gustong gusto ko syang kausapin tungkol sa nabasa ko, tungkol kay Aria pero umiiwas sya...
*ding dong* Pumunta ako sa gate at saka ito binuksan.
"Yo!" matipid na sabi ni Katsumi sabay ngiti. Ngumiti din ako pabalik at saka sya pinapasok sa loob ng bahay.
"Anong gusto mo? Juice? Coffee?" tanong ko. Bahagyang umiiling si Katsumi. Tumabi ako sa kinauupuan nya. Nakatingin lang ako sa kanya. Gusto kong itanong ang kay Aria pero pinipigilan ko dahil alam kong masasaktan lang sya ulit.
"May problema ba sa mukha ko Kath?" sabi ni Katsumi sabay punas sa mukha nya. Umiling ako. Nahuli nya ata akong nakatitig sa kanya.
"Ah eh. Wala. Wala. Na-miss lang kita." palusot ko. Tinapik ni katsumi ang ulo ko tulad ng lagi nyang ginagawa.
"Na-miss din kita." nakangiting sabi ni Katsumi. Napatingin ako sa kanya at nakatingin din sya sa kin. Ang lakas ng kaba ng puso ko kaya inalis ko ang tingin ko sa kanya at saka lumayo sa upuan.
"Ah oo nga pala Kath. Nakalabas na si Julia sa ospital kasama si Dj sabi ni Lester kahapon." biglang binago ni Katsumi ang usapan.
"Ah. good for her. good for them. Balak ko ding puntahan sya at mag-sorry mamaya." matipid na sabi ko.
"Ano bang balak mo mangyari Kath?" tanong ni Katsumi. Tumingin ako sa kanya at bahagyang nagkibit-balikat.
"Hindi ko din alam. Basta ang gusto ko lang, mag-sorry muna sa kanya sa nagawa ko." sabi ko sabay pekeng ngiti. Nakatingin lang sa kin si Katsumi. Lumapit ako sa kanya, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay ito na ang tamang oras para itanong ang kay Aria.
"Naiwan mo to." sabi ko sabay abot ng wallet nya. Kinuha ni Katsumi ang wallet at saka itinago.
"Ah salamat." matipid na sabi ni Katsumi.
"Kats, alam ko na ang lahat." sabi ko. Tumingin sa kin si katsumi at saka ngumiti.
"Ok lang yun. Ganoon siguro talaga. Atleast ngayon malinaw na ang lahat-lahat sa ming dalawa. Nilinaw na nya lahat. At masaya ko para sa kanya." sabi ni Katsumi.
Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya. Hinawakan ko ang kamay nya.
"Paano na kayo?" tanong ko. Humarap si katsumi sa akin.
"Paano na kame? Walang kame. Paano na sya? Paano na ko? Yun dapat ang tanong mo Kath. Tutuparin nya ang pangarap nya, ako naman tutuloy ang buhay." sagot ni Katsumi.
"Pero -" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nagsalita na si Katsumi.
"Alam mo Kath. Siguro matagal na talagang tapos ang istorya nameng dalawa. Pinilit ko lang dugtungan ng sumunod ako sa kanya sa Japan. Desperado ko di ba." nangingiting sabi ni Katsumi. Tinanggal nya ang salamin nya at saka pumikit na parang napupuwing. Sa sandaling yun, alam kong naiiyak sya. Nasasaktan. Nasasaktan ng sobra.
"Nasasaktan ako pag nakikita kang ganyan." bulong ko sabay sandal ng ulo ko sa balikat nya.
"Sana ikaw na lang ang babaeng ipinakilala sa min noon. Ang babaeng unang nakita ko sa taguan. Ang babaeng una kong minahal..." pahina-hinang sabi ni Katsumi. Sa unang pagkakataon, nakita kong tumulo ang luha nya. Niyakap ko sya at niyakap nya din ako pabalik.
Ilang sandali pa ay nagpasya na akong puntahan si Julia para mag-sorry. Gusto sana ni katsumi na samahan ako pero hindi ako pumayag. Gusto kong gawin ito ng mag-isa.
Pumunta ko sa bahay nila Julia. Pinapasok ako ng mommy nya at hinatid pa sa kwarto niya.
"Juls. May bisita ka." sabi ng mommy nya. Nakita ko si Julia at Dj. Andito pala pati si Dj. Ang sakit sa pakiramdam pero dapat ko ng gawin ang sa tingin kong dapat.
"Hi. Pwede ba tayong mag-usap. Kahit saglit lang." sabi ko. Nakatingin sila sa king dalawa.
"Sige. Labas muna ko. Tawagin mo na lang ako Julia pag kailangan mo ko." sabi ni Dj sabay alis sa kwarto na para lang akong hangin.
"Gusto ko lang mag-sorry sa'yo. Hindi ko sinadyang saktan ka. Nadala lang ako ng emosyon ko. Sana mapatawad mo ko." sabi ko.
"Ok na ko. Gusto ko ngang mag-thank you sayo e. Kase dahil sa pagtulak mo sa kin. Napalapit kame ni Dj sa isa't isa." sabi ni Julia sabay pang-asar na ngiti.
"Good. Ingatan mo si Dj. Masaya ko para sa inyong dalawa." sabi ko sabay ngiti.
"Teka, what are you saying? So ibig sabihin ba nito iniiwan mo na si Dj?" tanong ni Julia. Tumungo ako sabay ngiti.
"Tulad ng nasabi ng isang tao sa kin, siguro matagal ng tapos ang istorya nameng dalawa ng maaksidente sya at malimutan ako. Pinilit ko lang dugtungan ng gumawa ako ng sangkatutak na paraan para maalala nya ulit. Sige aalis na ko Julia." sabi ko sabay talikod at alis.
Paglabas ko sa kwarto ay nakita ko si Dj na nag-aabang sa labas. Nagkatinginan kameng dalawa pero inalis nya ang tingin nya sa kin.
"Dj." tawag ko. Tumingin sya sa kin.
"Mahal mo ba si Julia?" derechang tanong ko. Hindi agad nakasagot si Dj.
"Hindi ko alam. May mga bagay na gumugulo sa isip ko. Pero kung sya ang babaeng di ko maaalala... dapat ko syang mahalin. Tama naman yun di ba?" matipid na sabi ni Dj. Bawat salita nya tumatagos sa puso ko. Unti-unting namuo ang luha sa mata ko pero agad ko ding pinunasan.
"Sana kung mawala man ulit ang memorya mo, hindi mo sana malimutan si Julia. Dahil masakit malimutan ng taong mahal mo..." mahinang sabi ko.
"Anong ibig sabihin mo?" tanong ni Dj. Umiling ako at ngumiti.
"Wala. Sige Dj. Aalis na ko. Sana maging masaya kayo ni Julia." sabi ko sabay ngiti. Tumalikod ako sa kanya at saka umalis.
"Kath." tawag nya. Hindi ako tumingin, dere-derecho ako sa pag-alis. Ayoko na syang tignan ulit. Gumawa na ako ng isang desisyon, isang desisyon na dapat kong panindigan.
Pagkalabas ko ng bahay nila Julia ay agad akong umuwi. Laking gulat ko ng makita ko si Katsumi sa tabi ng gate namin, nag-aantay. Nang makita nya ako ay agad syang lumapit.
"Kath! Ok ka lang ba? Anong nangyari?" tanong nya.
"Tinigil ko na ang pagdudugtong sa matagal ng tapos na istorya namen ni Dj." nanginginig na sabi ko dahil sa pagpipigil ng iyak. Hinawakan ni Katsumi ang pisngi ko at saka pinunasan ang luha ko.
"Tulad ng lagi mong sinasabi, pipilitin ko ding maging masaya habang masaya sya... kahit na... kahit na hindi pa ako ang dahilan ng kasiyahang yun." sabi ko. Niyakap ako ni Katsumi at saka hinalikan sa noo.
"Hindi kita iiwan kath tulad ng ginawa ni Dj..." bulong nya.
"Hindi din kita iiwan Katsumi tulad ng ginawa ni Aria." sagot ko. Kumalas sya sa pagkakayakap at saka ako tinapik sa ulo tulad ng lagi nyang ginagawa.
"Eto na ang huling beses na iiyak ka Kath dahil kay Dj. Ayoko ng makita kang umiyak ulit." sabi ni Katsumi. Ngumiti ako at saka tumungo bilang pagsang-ayon.
"Una at huling beses na iyak mo na din yun ha! Di sayo bagay e." biro ko. Ngumiti si Katsumi at saka hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Hinawakan ko din ang kamay nya...
Sa oras na iyon, tila nagsusulat kaming dalawa ng isang panibagong storya. Masakit at mahirap kalimutan ang nakaraan pero ang nag-iisang alam ko ay gumawa ako ng desisyon at ang desisyon na yun ay ang piliin si Katsumi...
BINABASA MO ANG
Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |
FanficHow far would you go, to remember the one from long ago? "Did you FORGET everything i'll always REMEMBER?" </3 A story about love, memories, mysteries and second chances. *Soft copies available* (see writer's profile for the instructions)