*ding dong* *ding dong*
"Wait lang! Papunta na!" sigaw ko. Sino naman kaya tong ang aga-agang bumisita. Binuksan ko ang gate.
"Yo Kath." nakangiting bati ni Jc.
"O Jc! Ang aga mo atang pumunta dito. May problema ba?" tanong ko.
"Sumadya talaga ko dito para kausapin ka tungkol sa inyo ni Dj." seryosong sabi ni Jc. Pumasok kami sa sala at saka umupo. Pakiramdam ko ang seryoso ng ambiance ngayon.
"Ah.. uhmmm.. ano ba ang dapat nateng pag-usapan?" tanong ko.
"Kath, dederechain ko na. Alam kong nahihirapan ka na sa sitwasyon. Pero sana wag ka munang sumuko. Wag mo munang isuko si Dj." seryosong sabi ni Jc. Napabuntong hininga ako.
"Jc, pero kasi - " sabi ko pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nagsalita na si Jc.
"Alam kong di ko dapat makisali dito Kath. Pero alam ko kung gano ka kamahal ni Dj, kaya hihilingin ko na wag ka munang sumuko sa kanya." sabi ni Jc habang nakatingin sa kin.
"Pero sya na mismo ang nagtaboy sa kin." matipid na sabi ko.
"Pero may amnesia sya Kath." sabi ni Jc.
"Yun na nga e. My amnesia sya Jc. Hanggang kelan ako maghihintay na bumalik ang alaala nya? Hanggang kelan ako aasa na maaalala nya ako ulit? At ang masakit pa dun, pano kung hindi na dumating ang oras na maalala nya ko." mahinang sabi ko.
"Kahit kelan, hindi sumuko si Dj sayo. Kath, bago pa man sya maaksidente, bago pa sya magkaamnesia, bago pa ang lahat nang to. Kahit kelan, di sya napagod na umasa na mahalin mo din sya. Di sya napagod na gumawa ng mga bagay para mapasaya ka. Di sya napagod na protektahan ka. Nagka-amnesia ka na din ba para malimutan ang lahat ng yun?" seryosong sabi ni Jc.
Natigilan ako sa sinabi ni Jc. Biglang nag-flashback sa kin ang mga memories namen ni Dj. Lahat ng effort nya, lahat ng mga ginawa nya para sakin...
"Pero Jc - " mahinang sabi ko pero bago ko pa ulit matapos ang sasabihin ko ay nagsalita si Jc.
"Walang salitang "PERO" sa nagmamahal. Kung mahal mo si Dj, wala kang magiging dahilan o rason o pagaalinlangan. Kase ang alam mo lang ay nagmamahal ka. At Kath, alam ko at alam mong mahal mo si Dj." sabi ni Jc. Nakatingin lang ako kay Jc. Nadudurog ang puso sa mga salitang binibitawan nya.
"Si Dj na ang pinaguusapan dito, Kath. Last chance. Isang pagkakataon pa para sa kanya. Ayun lang ang hihilingin ko. Hindi lang dahil kaibigan ko kayong dalawa pero isipin mo, ako, si lester, seth, pati si katsumi. Mga audience kame ng lovestory nyo ni Dj at parang ang bitin naman kung matatapos lang yung storya sa ganito di ba?" sabi ni Jc sabay ngiti. Tinapik nya ako ng bahagya sa balikat at saka umalis.
Umakyat ako sa terrace. Pinikit ko ang mga mata ko at saka dinama ang hangin.
"Kath, mahal kita. Mahal mo din ba ko?" "Alam mo Kath, ang tagal-tagal na nateng magkasama pero kahit isang beses di mo pa sinasabi na 'i love you'." "Hoy liit! namimiss na kita." "Kath, eto ang bato oh, Be Always Tawa Only. O wag mo ng pigilan ang kilig mo!" paulit ulit sa isip ko ang mga salita ni Dj. Ang mga ngiti nya. Ang mga hawak nya. Ang mga tingin nya. Lahat lahat..
"Tama.. Last chance..." sabi ko sa sarili ko.
Idinilat ko ang mga mata ko, bahagyang ngumiti at saka pumasok sa loob ng kwarto. Kinuha ko sa cabinet ko ang mga pictures namen ni Dj at ang mga love letters nya sa kin at nilagay sa maliit na box. Kinuha ko din ang niregalo nya sa king dress at nilagay sa paper bag kasama ng box ng mga pictures at love letters.
Dali-dali akong naligo, nag-ayos at umalis papuntang ospital dala-dala ang paperbag at pag-asang maaalala ako ni Dj sa huling pagkakataon.
*tok tok* Dahan-dahan kong binuksan ang pinto pero wala akong Dj na nakita. Pumasok ako sa loob at inilapag ang paperbag na dala ko.
"Asan kaya si Dj? Ahhh! Alam ko na. Araw nga pala to ng over-all check up nya kay doc. Aantayin ko na lang sya." sabi ko sa sarili ko. Tumayo ako at saka inayos ang flower vase sa tabi ng kama ni Dj. Papalitan ko sana ang tubig pero biglang dumulas sa kamay ko at nabasag. Bigla akong kinabahan. Nerbyos na di ko maintindihan.
"Bakit ba ko kinakabahan? May mangyayare bang masama? Ano ka ba Kath! Easy ka lang dyan ok. tama, walang masamang nangyayare." pinapakalma ko ang sarili ko habang nililigpit ang nabasag kong vase. Ilang minuto ay biglang tumunog ang cellphone ko.
Lester: Kath! Nasa bahay ka pa ba? *kinakabahan ako sa tono ng salita ni lester.
Kath: Wala. Inaantay ko si Dj na bumalik. Kinakabahan ako sa tono mo lester, my nangyare bang masama?
Lester: Kase Kath.. Kase.. si katsumi..
Kath: Ano ba yun lester? Anong nangyare kay Katsumi? *kabang kaba na talaga ko sa tono ni lester.
Lester: Naaksidente kase si Kats. Nasa ospital kame ngayon nila Jc.
Kath: ANO?! Nasaan ba kayo? Anong nangyare kay Katsumi?
Sinabi ni Lester ang address ng ospital. Nag-aalala ako ng sobra sa lagay ni Katsumi. Gusto ko ng umalis pero natitigilan ako. Gusto kong antayin si Dj. pero gusto ko na ding puntahan si katsumi. Pinikit ko ang mata ko.
"Kath, eto ang bato oh, Be Always Tawa Only. O wag mo ng pigilan ang kilig mo!" naisip ko si Dj.
"Di ba nasabi ko na sayo dati, masaya ko na masaya ka. At hanggang nakikita kitang nakangiti, kuntento na ko." naisip ko si Katsumi. Dinilat ko ang mata.
"I'm sorry Dj pero ako naman ang kailangan ni Katsumi ngayon..." sabi ko sa sarili ko sabay alis.
BINABASA MO ANG
Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |
FanfictionHow far would you go, to remember the one from long ago? "Did you FORGET everything i'll always REMEMBER?" </3 A story about love, memories, mysteries and second chances. *Soft copies available* (see writer's profile for the instructions)