Chapter 2 - Oplan: Remember Kath.

5.5K 75 12
                                    

"Pero bakit si Kath lang ang hindi niya maalala?" tanong ni Seth. Nakita kong hinawakan ni Katsumi ang braso ni Seth para pigilan pero nasabi na niya ang tanong. At gusto ko ding malaman ang sagot.

Nagsimulang magpaliwanag ang doctor. Ang dameng terms. Ang dameng explanations. Wala kong maintindihan sa mga paliwanag niya maliban sa katotohanan na NALIMUTAN NA AKO NI DJ.

"Kath, ok ka lang?" kalabit sa kin ni Lester.

"Ah, oo. Excuse lang ah. Labas muna ko. Nauuhaw ako." mahina kong sagot sabay labas ng office.

"Saan pupunta si kath?" bulong ni Seth na may kasamang pasimpleng siko kay lester. Tumayo si katsumi.

"Doc, excuse me po. Lester, Seth, puntahan ko muna si Kath." sabi ni katsumi sabay labas ng office. Dumerecho siya sa rooftop at doo ay nakita niya si Kath na nakaupo sa couch.

"Yo Chandria." matipid na tawag ni katsumi sabay tabi sa akin sa couch.

"Ah. Yo." sagot ko na nakangiti.

"Naiinis ka ba?" tanong ni katsumi

"Naiinis saan?" tanong ko.

"Kay Dj. Hindi ba nakakainis na sa lahat ng pwedeng malimutan, ikaw pa?" tanong ni Katsumi sabay lagay sa kamay sa taas ng mata niya para takpan ang sikat ng araw.

Tumayo ako sa couch. Itinaas ang dalawang na parang lilipad. Ipinikit ang mata ng mga 5 segundo. Dumilat ulit at ibinaba ang mga kamay.

"OO! NAIINIS AKO!!! BAKIT AKO LANG ANG NALIMUTAN NIYA! AAHHHHHH! NAKAKAINIS KA DJ!!!" sobrang lakas ng sigaw ko.

"Hahaha! Nakakainis nga yon. Parang nananadya." tumatawang sagot ni Katsumi.

"OO! NANADYA TALAGA! AT HINDI KO HAHAYAANG MAINIS AKO NG HABAMBUHAY. PUPUNTAHAN KO SIYA! PAPAALALA KO SA KANYA BAWAT ISANG DETALYE KUNG SINO ANG KINALIMUTAN NIYA. NAIINIS AKO." nanggigil kong sabi habang hinahampas hamapas ang imaginary punching bag sa hangin. Tumayo si Katsumi at hinawakan ang kanang kamay ko.

"Walang susugod sa kwarto ni Dj." seryosong sabi ni katsumi

"Pero.. pero unfair ang ginagawa niyang paglimot sa kin!" sagot ko habang nakapout

"May naisip ako na paraan." sabi ni katsumi na nakangiti. Umupo kami ulit sa couch at sinabi niya sa kin ang plano niya.

"Ha?! Ako?! Magiging nurse niya?" pasigaw kong tanong

"Personal nurse." pag co-correct sa kin ni katsumi

"Nurse. Personal nurse. Ganon lang lahat ng yun! Di ko kaya yun tska impossible ata yang plano mong yan." pagtutol ko.

"Nag volunteer ka dati sa ospital di ba? Tska bakasyon pa naman naten kaya pwede ka pang magtrabaho bilang nurse." seryosong sagot ni Katsumi

"Pero paano naten gagawin na maging nurse ako dito?" tanong ko na nakakunot ang noo.

"Jc." matipid na sagot ni katsumi

"Ah oo nga pala! Yung daddy ni Jc. Co-owner ng hospital. Well, wala na ba kong choice? Sige payag na ko." sagot ko sabay buntong hininga. Ngumiti lang si Katsumi. Tinawagan agad ni Katsumi sina Lester, Seth at Jc na pumunta sa rooftop.

Ilang minuto lang ay nandito na silang tatlo kaya sinimulan na ni katsumi na sabihin ang plano niya. Agad-agad namang inaprubahan ni Jc ang hinihinging tulong ni Katsumi

"Pero pare, di ba nakita na ni Dj si kath? magiging effective pa ba ang plano?" tanong ni Lester

"Effective yan. Tska diskarte na ni kath yan." sagot ni katsumi sabay tingin sakin. Bumuntong hininga ulit ako.

"Call her Chandria. Nurse Chandria." pakilala ni katsumi sa kin

"Kinakabahan talaga ko sa planong to." sabi ko habang nilaro-laro ulit ang bracelet.

"Dapat kang maalala ni Dj." matipid na sabi ni Katsumi.

"Tama yun." dagdag ni Jc

"Oo nga naman! kaya mo yan kath este nurse chandria." nakangiting dagdag ni Lester

"Alrighttttt! Let's get it on! Oplan - remember kath, go!" sigaw ni Seth

Just strangers with memories. | fin w/ soft copies |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon